Chapter Two: Hello Manila! (First Time)
Ryan's POV
Sa wakas! Nakarating na din ako ng Manila!
Nagmukha na kong tarsier dahil sa laki ng mata ko!
Ang gaganda kasi ng mga matataas na gusali!
Sa TV lang ako nakakakita ng ganto noon pero ngayon, personal na! :D
Nagsimula na akong maglakad papuntang condo.
Yun kasi ang sabi ni Kuyang puntahan ko pag nakatungtong na ako ng manila.
"Ouchhh!" Rinig kong sabi ng isang babae na nakabunggo ko.
"Sorry miss." Sabi ko habang hawak hawak siya sa kamay. Muntikan na kasi siyang matumba.
Tinabig niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Sorry?! Makakain ba 'yang sorry mo?! tss.." Inirapan niya ko at umalis na.
Sungit naman nun. Ang ganda pa naman.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makita ko na ang Condo.
- - - - - - -
Huminga muna ako ng malalim bago ko katukin ang pinto.
1,2,
"Yanyan?"
Nagulat ako sa tumawag sakin. Si kuya!
"Kuya!!!!" Dali dali akong tumakbo papunta sakanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Namiss kita kuya! San ka galing? Akala ko andito ka sa loob ng condo mo." Napakamot siya ng ulo.
"May pinuntahan lang saglit. Tara pasok na tayo."
Lumapit kagad siya sa pinto at sinusian ito.
Randy's POV
Tumingin ako sa wrist watch ko.
Naku, baka andun na si Ryan sa condo.
"Ah babe, i have to go na." Pagpapaalam ko kay Steff. Ang fiance ko.
"Ganun ba? Sige. Hihintayin ko na lang si Jasmin dito."
"Are you sure?"
"Yup.. Oh ayan na pala siya!" Nakita kong papalapit si Jasmin sa amin ni Steff. Si jasmin, pinsan siya ni Steff.
Hmm, mukhang badtrip ah?
"Hoy! Anong nangyari sayo? Mukha kang nanakawan ng limang milyon ah?" Biro ni Steff sa nakabusangot na si Jasmin. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Buset kase 'yung lalaking bumangga sakin kanina eh!"
BINABASA MO ANG
My Kuya's Fiance (On-Going)
AcakI'm inlove with Steff. My kuya's fiance. -Ryan Damasco All Rights Reserved 2014 © GhesyBelInfinite~
