CHAPTER 3: THE ENCOUNTER
*CIARA'S POV*
Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nanonood ng TV. Nag iisip ako kung ano ang pwede kong gawin ngayon.
Peste! Ang boring boring dito! Palakad lakad lang ang ginagawa ko dito. Ano namang pwedeng gawin ngayon? Umagang umaga ang boring na! Hayst! Kung alam ko lang na ganito ka boring dito eh gumawa na ako ng TO DO LIST. Bwisit!
Agad akong nagulat nang may umubo.
"EHEM!", kunwaring ubo niya.
Nagpalakad lakad ako ulit sa aking kwarto at hindi pinansin kung sino man ang umubo.
"Can you stop doing that?Ako ang nahihilo sayo Cia.", sabi niya.
"Why do you care?", usal ko.
Nakatayo siya sa pinto habang nakapameywang at tinaasan ako ng kilay.
"What do you want?", prangka kong tanong.
Ngumiti lamang siya at agad na pumasok. Umupo muna siya sa aking kama at agad nagsalita.
"Can you accompany me to the mall? It's so boring in here! I just want you to join me and besides I have a dinner date tonight so I must go shopping. I know you have a good taste. So please!"
Tumango na lamang ako sa kanya at nginitian siya. I think it was a good idea besides nag iisip din naman ako ng paglilibangan. Totoong bagot na bagot na ako dito kaya sasama ako para makapag enjoy.
"Yeyy!!Thank you!", excited na sagot niya.
"You go first! Im gonna prepare myself", I said with a smile.
Pumayag ako sa gusto ni Kiara. Nababagot na din kasi ako at alam kong ito rin ang makakabuti para sa akin. This is my first step in moving on.
I must let myself smile and do things that can make me happy.
Inayos ko ang aking sarili hanggang sa makuntento ako. Lumabas ako sa aking kwarto at maya maya pa ay nakita ko si Kiara na nakaupo sa single sofa sa Living Room.
I'm wearing a denim shorts paired up with a crop top and a small bag to pair up with my outfit.
Nang makita ako ng aking kapatid ay agad na siyang tumayo at ngiting-ngiti kung tumingin sa akin.
"What car will we use? My car or your car?", she asked.
"I think it's better to use my car"
"Yeah yeah! I know you want to try your new car ahahahah!"
"Yeah right"
"Cia, i'm thankful that you were trying to bring back yourself. You don't know how much I miss your true self.", sinsero niyang sabi. "Argh! Let's stop this drama AHAHAAH! Let's go!"
"Okay!Let's go!", sabi ko.
Pumunta na kami sa garahe ng mansyon at agad na pumunta sa bago kong sasakyan. We have new cars kasi binilhan kami ng tig iisa ng aming magiting na ama para may magamit daw kami araw araw. Psh!I don't need their money. Hinding hindi nila ako masusuhulan ng mga ganyan.
Hah! Akalain mo nga naman!Nahulaan nila ang gustong gusto kong kulay pagdating sa mga ganitong bagay. Im very attracted to white cars at nagtataka ako kung bakit nila alam iyon. Sabagay ang mga sasakyan ko naman sa States are all white.