CHAPTER 2

344 14 1
                                    

CHAPTER 2: WE ARE BACK

*CIARA'S POV*

Nang maka landing na ang eroplano ay agad na kaming bumaba.

I'm wearing a simple white dress paired up with my sandals, my hair was in a messy bun and small strands of my hair are falling both sides.

Nandito na kami sa airport at papalabas na kami nang may sumalubong at bumati sa amin.

"Good morning po, ako po ang butler niyo at ako po ang maghahatid sa inyo patungong mansyon", ang sabi niya.

Sumakay na kami sa sasakyan at agad niya itong pinaandar. Papunta kami ngayon sa aming mansyon. I hate to admit it but Im nervous because all the memories of my lolo are all in there.

Maya maya ay nakarating na kami sa aming mansyon. Malayo palang ay na aaninag ko na ito. Makikita mo ang bagong pinta ng bahay. Mukha parin siyang bago. Classical ang disenyo nito pero may pagka moderno rin. Makikita mo ang malaking gate na may nakalagay sa gitna ng apilyedong nagmamay ari ng bahay na iyon.

SCHWARTZ

Ito ang makikita sa gate at malalaman mo agad kung sino ang nag mamay ari ng mansyong ito.

Bumukas ang napakalaking gate at pumasok na ang sinasakyan namin ngayon. Galing sa Gate ay sasakay ka muna bago ka makarating sa mismong mansyon. Makikita mo ang napakalaking garden pagpasok mo at ang fountain sa gitna.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa mismong mansyon. Lumabas ako sa sasakyan at nang iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay, agad na bumalik ang mga alaalang pinilit kong kinalimutan. Naramdaman kong nanigas ako sa aking kinatatayuan, kinakain ng sobrang kaba at sakit ang buo kong sistema. Sandali pay namanhid ang buo kong katawan at nagmistulang ulan ang aking mga luha na nag uunahan.

Nang naramdaman kong bumaba na sila ay agad kong pinunasan ang aking luha. Kailangan kong maging malakas, kailangan hindi ko ipakita sa kanila ang aking kahinaan. Kailangang matuto akong mag move on, matutong magpatuloy sa aking buhay. Alam kong higit na magiging masaya ang lolo kapag sinubukan kong mag move on.

Binuksan ng maid ang double door ng mansyon at agad akong pumasok. Pagpasok na pagpasok ko ay agad kong ginala ang aking paningin sa bawat sulok ng bahay na ito at agad inobserbahan ang paligid. I hate it! Bawat sulok ng bahay na ito ay nagpapaalala lamang sa kanya.

I go straight to my old room at nakita kong wala parin itong pinagbago. King sized bed and a flat screen TV in front, small study table in the side. There was a bathroom and walk in closet. May veranda at mayroon ding mini kitchen ang kwarto ko na exclusive lamang for baking pero pwede ka rin namang magluto dito.

Pumasok ako sa aking mini kitchen, makikita mo ang iba't ibang ovens dito, may cabinet sa itaas na pinaglalagyan ng mga ingredients for baking at ang mga gamit pang bake ay naka arrange sa isang sulok.

Pinigilan kong umiyak nang may maalala na naman ako. Ang aking lolo ay kilala bilang magaling na baker. Tinuruan niya akong mag bake. Ito yata ang namana ko sa kanya, ang hilig sa pagbe-bake pero huminto ako nang mamatay siya. Umalis na ako sa aking mini kitchen, I think if I will be able to move on, I can also try to bake again.

Humiga ako sa aking kama at pumikit. Napagod ako sa byahe, may jetlag pa ako. Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok hanggang sa ako ay nakatulog.



------------------------------------------------------


THIS MUST BE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon