CHAPTER 5

173 6 0
                                        

CHAPTER 5: FIRST DAY

*CIARA'S POV*

Nagising ako na hindi ko masyadong mamulat ang aking mga mata. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin at nakita ko ang aking repleksyon na mugto ang mga mata.

Bumuntung hininga na lang ako at naghanda dahil ngayon ang unang araw ng pasukan. Wala ako sa mood na pumasok ngayon pero mas ayaw kong manatili sa bahay na ito. Mas pipiliin ko pang pumasok kaysa makita sila ngayon. Tsk! Kasalanan nila to eh! Bwisit! Hinayupak daw ako? Bakit di nila sisihin ang mga sarili nila dahil hindi nila ako pinalaki ng maayos.

Nilagyan ko ng concealer ang mugto kong mata para hindi ito masyadong halata. Bumaba na ako sa aking kwarto at pumunta sa dining area para mag agahan.

Im wearing my uniform paired up with a black shoes. Hinayaan ko lang na nakadunghay ang aking buhok.

Our uniform has a maroon above the knee skirt, a white blouse with a maroon linings and a maroon ribbon.

Ito ang uniporme ng mga 4th year highschool o mas kilala bilang Grade 10 students.

Pagkarating ko sa dining area ay nakita ko ang aking Lola na nag pe-prepare ng breakfast.

"Oh good morning Ciara apo, halika kumain ka muna!"

I kissed her cheeks and sat down immediately.

"Hmm!!! Ang bango Lola"

"Syempre ako ang nagluto eh"

Kumain na ako at sabay narin kaming kumain ni Lola. Alam ni Lola na ayaw ko munang kasabay kumain ang aking mga magulang.

Pagkatapos kong kumain ay pupunta na sana akong garahe para kunin ang sasakyan ko nang makita ko si Adrian na pababa.

"Oh Cia, sabay na tayong pumasok", sabi niya.

"No it's okay, I can manage", sagot ko.

"Pupunta rin naman akong school eh"

"Adrian let her be! Matanda na siya at sabagay hindi ka pa naman kumakain", singit ni Lola.

Agad na akong pumunta sa garahe, baka magbago pa ang isip non. Sumakay na ako sa aking sasakyan patungong paaralan. Pagkarating ko doon, bumungad kaagad sa akin ang malahegante nitong tarangkahan.

LEO UNIVERSITY

Ito ang paaralan na aking papasukan. Tsk! Ayaw ko man pumasok dito pero yun ang gusto ni Adrian.

Pumunta muna akong Headmaster's Office para makuha ang ID at locker keys ko. Kinuha na kasi ni Adrian ang PE uniform at itong uniform ko kahapon.

"Good Morning Miss", bati nito sa akin.

"Good Morning. Can I get my ID and locker keys?"

"So you are a transferee?", tanong niya sabay hanap ng ID at pagkakita niya ay agad niya itong inabot sa akin. "Here Ms. Addison Dela Cruz"

What the fuck? Addison Dela Cruz? Shit! Ang ganda na ng pangalan ko eh! Anong kalokohan ang ginagawa ni Adrian? Peste! Sana hindi ko siya hinayaan na magpa enroll sa akin. Lagot ka sa akin Adriaaannnn!!

Tiningnan ko ang aking ID at totoo nga Addison Dela Cruz ang nakalagay dito.

"There will be an orientation at the Big Dome for the freshmen and transferees", dagdag pa nito. "Thank you"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THIS MUST BE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon