Ellaiza's POVPagmulat ng mga mata ko ay isang tao lang ang gusto kong makita pero hindi ko inaasahan 'yung taong nagbabantay sa akin ngayon.
James
"Lokaret! Bakit ka naglaslas?!" tili ng kaibigan ko.
"Honey, ang ingay mo," sita naman sa kanya ng asawa niyang si Gray.
Asawa?!
"N-nasaan s-si S-shan?" nahihirapan kong tanong sa kanila.
Bigla naman nangunot ang noo ni Amber. Lumapit naman sa kanya si Gray at hinalikan ito sa noo at bumulong kay Amber kaya naman nawala na 'yung kunot na noo ni Amber.
Nakakainggit silang dalawa. Sana mangyari 'yan sa akin — sa amin ni Shan.
"Hey Ella, nagugutom ka ba?" tanong ni James sa akin.
Napatingin naman ako sa lalaking matagal nang may gusto sa akin. Boy bestfriend ko si James. Hindi ko naman alam na mahuhulog ang loob niya sa akin.
Pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay kay James. Si Shan lang talaga ang gusto ko.
"N-nasaan b-ba ang a-asawa k-ko?" tanong ko sa knya.
Bigla namang bumukas 'yung pinto at pumasok si Nanay Agnes.
"Gising ka na pala anak. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Nanay sa akin.
"A-ayos n-naman n-na po," nakangiting sabi ko.
"Mabuti naman kung gano'n Naneng," nakangiting sabi ni Nanay.
"N-nasaan p-po si Shan?" tanong ko dito.
"H-hindi ko a-alam a-anak," sabi ni Nanay.
Tila may nangyari noong mga tulog palang ako.
Kaya naman nagpanic na ako. Baka iniwan na niya ako?! Hindi! Hindi pwede!
"N-nay h-hindi pwedeng hindi mo alam! Uuwi na ako! Uuwi na ako sa bahay namin," sumisigaw na sabi ko.
"Anak hindi pwede sa 'yong mastress. Makakasama sa baby," sabi naman ni nanay.
Napamulagat ako ng mga mata! Buntis ako?! Buntis ba talaga ako?
Tumingin ako sa mga tao sa loob ng silid. Mukhang totoo ngang buntis ako.
Ang sama-sama kong ina. Nagawa kong laslasan ang sarili ko. May buhay na sa sinapupunan ko! Magiging tatay na si Shan! Nakagawa na kami ng baby!
"N-nay alam na ba ni Shan? Naghihintay ba siya sa bahay?" nakangiti kong tanong.
Nakita kong umiiyak na si Amber. Pinapatahan siya ng asawa niya si James naman ay nakayuko na.
Ba't ang lulungkot nila?! Dapat masaya sila kasi may baby na ako sa tyan! May baby na kami ni Shan. Magbabago na siya.
"Bawal ka mastress uuwi ka na mamaya kasi sabi ng doctor pwede na. Du'n na tayo mag-uusap." Pilit na ngumiti si Nanay Agnes.
'Wag naman sanang mangyari 'yung kinakatakot ko.
Ngayon pa ba na may nabubuhay na sa sinapupunan ko?
- - - - - -
Nang makarating na kami sa bahay ay agad kong hinanap ang asawa ko. Dapat malaman na niya na buntis ako. Kailangan naming pagplanuhan ang magiging pangalan. Gusto ko nang sabihin na magkakaanak na kami.
BINABASA MO ANG
The Faithful Wife (Completed)
Romance||•SPG•|| R-18 Bawal sa mga hindi open minded:) - - - - - "You're not perfect. Forgive yourself." Ellaiza Vivero Sa isang pagkakamali nasisira ang binuong tiwala ng tao. Tila anay na sisira sa 'yo. Isang pagkakamali lamang mababago ang lahat. Pagm...