EnjoyReading:)
Third Person's POV
Tulog na tulog si Ella dahil hindi niya namamalayan na inaapoy na siya ng lagnat. Hindi niya alam na may nakapasok na pala sa bahay nila.
Si Shan at ang kabit niyang si Chelsey.
"Hon, mauna ka nang kausapin ang asawa ko para sa annulment papers, may kukunin lang ako sa kotse," sabi ni Shan dito.
Ngumiti naman ng pagkatamis-tamis si Chelsey at humalik kay Shan.
"Sige hon, take your time," mahinhin na sabi niya kay Shan. Pero hindi alam ni Shan ang totoong ugali ni Chelsey na plastic lang ang pagiging mabait nito.
"Okay," sabi ni Shan at lumabas na ng bahay.
Lumibot naman ang paningin ni Chelsey sa buong bahay.
Matagal na talaga niyang pinangarap na makasama si Shan.
"Tsk, swerte ng bobong asawa ni Shan dahil dito siya tinira, ako nga condominium lang. Pero ayos lang 'yun, papakasalan naman na ako ni Shan e. Wala nang magagawa doon ang asawa niya," mahinang sabi nito at naglakad-lakad hanggang sa nakita niya ang hagdan pataas.
Umakyat siya at ang pintong nakita niya ang binuksan niya. Napangisi naman siya nang makita niyang mahimbing na natutulog doon si Ella.
"Aba, sarap buhay ang gaga," bulong niya at pumasok sa siid.
Totoong nakakaramdam siya ng inggit dito.
Nakita niyang parang nananaginip at hindi maganda ang pakiramdam ni Ella dahil balot na balot ito ng kumot.
"Anong oras na hindi pa gumigising ang babaeng ito," bulong ni Chelsey
Hinanap niya kung nasa'n ang cr at pumasok siya doon at kumuha ng isang plangganang malamig na tubig.
Matagal na niyang gustong gawin 'to dahil nga alam niyang may asawa si Shan na hindi na nito Mahal.
Nang nakalapit na siya sa gilid ng kama ay binuhos niya ito sa muka ni Ella.
Nagising naman si Ella at hirap na hirap tumayo. Hinatak naman siya ni Chelsey papuntang cr. Tama nga ang hinala niya dahil inaapoy nga ito ng lagnat. Tinulak niya ang hinang-hinang si Ella sa shower room at binuksan ang shower. Basang-basa na si Ella.
"Dyan ka maligo ka na, anong oras na natutulog ka pa," inis na sabi nito at lumabas ng cr.
Habang si Ella naman ay nagmamadaling hinanap ang pihitan ng Shower para patayin ito. Nanginginig na siya sa sobrang lamig. Kahit nahihirapan ay lumabas siya ng shower at pumunta sa closet nila. Palaisipan padin sa kanya kung sino 'yung babaeng pumasok sa bahay nilang mag-asawa
Nang nakabilis na siya ay lumabas siya ng siid nakita niya 'yung babae na pababa.
"S-sino ka?" nahihirapang tanong niya dito kay Chelsey.
Napatigil naman sa pagbaba si Chelsey at humarap sa kanya at tumaas ito at pumunta sa harapan niya mismo.
"Soon to be wife ni Shan," nakangising sabi ni Chelsey sa kanya.
"N-nandyan b-b-ba s-s-si S-s-shan? P-p-pwe-pwede k-k-ko b-ba s-siyang m-makausap?" nahihirapan at putol-putol na tanong ni Ella kay Chelsey.
"Bakit kakausapin mo pa ang fiancé ko? Nasa'n na 'yung annulment papers na pinermahan mo?" mataray na tanong ni Chelsey kay Ella.
"K-kakausapin k-k-ko l-lang s-s-siya," nahihirapang sabi ni Ella.
Napairap naman si Chelsey. Kanina pa kasi nangangati ang palad niya at gusto niyang sampalin si Ella. Grabe ang tanga-tanga at ang bobo.
BINABASA MO ANG
The Faithful Wife (Completed)
Romance||•SPG•|| R-18 Bawal sa mga hindi open minded:) - - - - - "You're not perfect. Forgive yourself." Ellaiza Vivero Sa isang pagkakamali nasisira ang binuong tiwala ng tao. Tila anay na sisira sa 'yo. Isang pagkakamali lamang mababago ang lahat. Pagm...