EnjoyReading:)
Shan's POV
Tinanggal ko 'yung memory ng cellphone na binigay sa akin ni Amber.
Hindi pala niya binigay ng maayos, binato niya sa akin at sinabing panoodin ko daw 'yung video dito sa phone.
Ayaw ko pa sanang umalis sa hospital pero kailangan kong umalis. Alam kong galit sa akin si Nanay, si Amber lalong-lalo na si Ella.
'Yung baby namin. Pinatay ko siya
Sinalpak ko 'yung memory card sa cellphone ko. Hindi kasi ma-open 'yung binigay ni Amber na cellphone. Buti nalang at gumagana pa 'yung samsung na phone ko.
May nakita ako du'n na video.
Nagplay na 'yun.
Nakita ko nakahandusay si Shanna sa hagdan, du'n nagstart 'yung video.
Narinig ko 'yung boses ni mommy !na sumigaw. Sinigaw niya ang pangalan ng kapatid kong si Shanna. Bago ko siya nakitang nahulog din sa hagdan.
Ang mommy at kapatid ko.
Umiyak na naman ako.
"Putang *na mong hayop ka! Ang sama-sama mo!" narinig kong sigaw ni Ella. Hindi ako pwedeng magkamali! Si Ella ang sumigaw.
Ano ba'ng nangyayari sa taas?!
Nakita kong bumaba sa hagdan si Ella. Umiiyak siya.
"Mommy! Shanna! Gumising na kayo kailangan nating umalis dito," umiiyak na sabi ni Ella kay mommy at Shanna.Anong nangyayari?!
Nakita kong may sinasabi si mommy kay Ella pero hindi ko marinig dahil sobrang hina. Mas umiiyak naman si Ella at tatayo na sana si Ella pero nakita ko si Daddy na may hawak ng baril at hinatak patayo si Ella.
Daddy anong ginagawa mo kay Ella?! Anong dahilan?!
Litong-lito na ako.
Narinig kong sumigaw si Daddy.
"Putang *na ka! Ang tigas ng bungo mo! Pinatay mo ang mag-ina ko," sigaw ni Daddy at pinukpok si Ella sa noo kaya nahinatay si Ella.
Pero nagulat ako sa nakita kong ginawa ni daddy. Lumapit siya sa asawa ko at nagsalita.
"Alam mo kung pinagbigyan mo sana ako. Kung hindi ka nagpakipot at pilit sinasabi sa 'kin na asawa ka ng anak ko. Edi sana hindi nangyari ang bagay na ito," sabi niya sa asawa ko. Hinawakan niya ang pisngi ni Ella. Napakuyom ako ng kamao.
F*ck!
"Ang ganda-ganda mo. Ang ganda-ganda ng katawan mo. Ang swerte naman ni Shan sa 'yo. Pero nasa'n si Shan ngayon ah?" malakas itong tumawa, "wala! Wala Wala! Wala siya!"
BINABASA MO ANG
The Faithful Wife (Completed)
Romance||•SPG•|| R-18 Bawal sa mga hindi open minded:) - - - - - "You're not perfect. Forgive yourself." Ellaiza Vivero Sa isang pagkakamali nasisira ang binuong tiwala ng tao. Tila anay na sisira sa 'yo. Isang pagkakamali lamang mababago ang lahat. Pagm...