Pagkatapos kong kumain, nag usap lang kami ng konti ni Darren. Nung nag bell na hinatid na nya ko sa room ko, Hindi kasi kami magkaklase eh. :( Bago ako pumasok sa pinto ng room namin niyakap ko muna sya at nag paalala mahirap na 'no marami pa namang mga malalanding naka paligid sakanya. Kiniss nya lang ako sa forehead at bumulong..
" Mahal, aral tayo ng mabuti ah? Galingan natin para sa future natin 'to " Napangiti naman ako sa sinabi nya, ibig sabihin ba nito parehas na kami ng iniisip na kami na talaga para sa isa't isa? :">
" Opo, Para sa future natin :) " Kiniss ko lang sya sa cheeks nya.
Pag pasok ko sa room namin ang ingay nilang lahat, Bakit parang close na halos silang lahat? Eh pare-parehas lang naman kaming mga freshmen dito. Hindi kaya iisang school lang sila nung grumaduate ng Highschool? Napatigil ako sa pag iisip nung naramdaman kong tumahimik ang paligid at lahat sila nakatingin sakin? Tumingin naman ako sa likod ko wala namang tao. Pag harap nakita ko silang naka ngiti saakin. At biglang nag silapit sakin. At nakipag kilala, Sobrang friendly nilang lahat As in lahat talaga. Magkakasundo kami nitong mga 'to. ^______^ Nagpakilala lang kami since first day of class. Tapos break na, Tinext ko kagad si Darren at tinanong kung sabay ba kami mag la-lunch, nag reply naman sya kaagd.
Darren's text " Opo mahal, Dito na ko labas ng room nyo :) :* "
Agad naman akong lumabas at nakita ko syang naka sandal sa tabi ng pintuan namin at naka pikit. Bakit ba kasi sobrang swerte ko sa lalaking 'to? :"> Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mukha nya nagulat sya nung makita ako pero ngumiti din.
" Tara na kain na tayo? " Tanong ko sakanya.
" Sige :) " Inunahan ko na syang mag lakad. nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sa likod at bumulong..
" Sobrang namiss kita mahal, Ang hirap naman kasi pag wala ka sa tabi ko e. " Parang gusto ko nang tumalon sa building sa sobrang kilig. Hahaha.
" Namiss din kita mahal, Kaya lang tiis tiis lang muna tayo ngayon ah? Diba sabi mo para sa future natin 'to? Kaya dapat pag igihan pa natin " Niyakap nya lang ako ng mahigpit. Bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin nung malapit na kami sa cafeteria at hinawakan ang kamay ko.
" Mahal, Ako nalang oorder hanap ka nalang ng upuan ah? " Tumango nalang ako sakanya. Nung nilibot ko yung mata ko. Geeez Ang daming tao halos lahat ng tables occupy na :3 San kami kakain nito? Ano bayan eh. Nung makita ko si Darren na papunta sa pwesto ko ang dami nyang dala. Ano bayan san ba kasi kami kakain? Lumapit sakin si Darren.
" Mahal wala na bang space? Tara hanap nalang tayo ng pwedeng kainan sa Labas ng cafeteria? " Yaya nya sakin ako kahit san naman basta kasama ko sya. Wew, Cheesy :"> XD
Lumabas kami ng cafeteria at naghanap ng pwedeng kainan. Nakarating kami sa Garden ng school. Ang ganda, Fresh air ang daming flowers parang mini park to be exact. Natuwa naman ako na may ganitong place ang school namin yung hindi masyadong maingay tapos konti lang yung mga taong pumupunta dahil siguro hindi pa nila 'to na didiscover dahil medyo malayo na 'to sa mga usual na pinupuntahan ng mga estudyante dito. Umupo nalang kami ni Darren sa grass since mukha namang malinis. pagkatapos naming kumain humiga si darren sa lap ko at natulog.
" Mahal, I Promise Hindi kita iiwan, Sasaktan. I Love you, thank you dahil dumating ka sa buhay ko. Kayo nila mama, papa, kayo ang strenght ko. " Sinabi ko yan sakanya habang natutulog sya. Nagulat ako nung biglang hinawakan nya yung kamay ko at sinabing..
" Mahal I love you too. " Ngumiti sya at pumikit ulit.