Yayyyyy, Mag Tu-Two years na kami ng mahal ko sa September 5. 1 month nalang :) Sobrang excited na ko kaya kahit 1 buwan pa nag hahanda nako, Para sa mga surprises ko sakanya. Nung nag 1 year kasi kami sya yung nag surprise sakin, Actually September 5 is my birthdate too. Naalala ko tuloy nung araw na sinagot ko sya..
*Flashback*
Kapapasok ko lang ng room namin at nakita kong walang tao, Tinignan ko naman ang orasan ko at masyado pa ngang maaga, Pero kahit naman maaga ako dati may mga tao na dito, Ngayon wala talaga. Natulog nalang ako dahil masyado pa nga akong maaga. Nagising ako nang may kumakalabit sakin.
" Uyyy, Shine gising dalian mo!! " Nagising naman ako nung ginigising na ko ng isa sa mga classmates ko. Pagmulat ng mata ko nagulat ako sa nakita ko O_O Nasa harap ko yung mga classmates ko at may hawak silang banner na nakalagay ay " HAPPY BIRTHDAY SHINE " at sabay sabay silang kumanta. Sobrang natuwa talaga ako tumayo na ko para sana yakapin silang lahat ng biglang may nag patugtog ng slow dance at lumapit sakin ang bestfriend ko na si Darren na may hawak na Roses. Medyo nagulat ako nung una kasi bigla na lang syang sumusulpot sa kung saan at magpapakita sakin. Hindi nya ba alam na parang lalabas na yung puso ko pag ganyan mga kinikilos nya? Oo, tama kayo ng basa Mahal ko nga ang Bestfriend ko. Crazy right? Alam kong hindi naman ako ang mahal nya talaga. He loves someone Her name is Karen. Karen is beautiful, Smart. Almost perfect. Pero kahit sya ang mahal ng mahal ko ay thankful pa din ako sakanya dahil kung hindi nya sinaktan si Darren hindi kami magkakakila ni Darren siguro hanggang ngayon wala pa din akong boy bestfriend na tulad nya. hindi ko nga alam kung bakit nya nasaktan ng ganun si Darren e. Like Duh! Darren is Almost perfect too. Ang dami daming nababaliw kay Darren dito tapos sasaktan nya lang? Matalino ba talaga sya? Bakit parang ang tanga nya? I maybe sounds rude, But who cares? Si Darren pa ang napili nyang saktan! Nakita ko kung pano talaga nasaktan si Darren, Simula nung nag break sila ni Karen he change a lot. Yung Palabirong kaibigan ko bigla nalang nawala, yung taong tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan, bigla nalang din nawala, yung taong dahilan para kayanin lahat ng problema ko sa buhay, Bigla na lang din nawala. Lahat ng yun nawala for just one girl. I Hated her because He hurts Darren as hell. Binago nya ang isang tao dahil lang sa katangahan nya! Back to reality nasa harap ko na sya ngayon.
" Can i have this dance? " He asked. Shems nanlalambot tuhod ko.
" Yeah. Sure :) " Yan nalang ang nasagot ko dahil hanggang nagyon nasa state of shock pa din ako XD Bumulong sya sakin..
" Best, Attend ka ng prom mamaya ah? Kaylangan nandun ka, Iaanounce ko na sa lahat yung babaeng mahal ko. " Awww :( Shet lang darren ang sarap mong sipain! Bakit ba kasi ang manhid mo. Naiiyak talaga ako sa mga narinig ko. Darren kulang pa ba ko? Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang na birthday ko ako muna? :'( I manage myself to speak kahit parang any moment tutulo na yung mga luha ko.
" Pwede bang hindi nalang ako pumunta best? Masama kasi pakiramdam ko e. Tsaka hindi naman ako importante dun. " Yun nalang ang sinabi ko. Convincing him na wag nya na akong piliting sumama.
" No, Please Best? Sumama kana kasi? Kaylangan ka dun kasi your important to me. Please best im begging you? :( " Makakatanggi pa ba ko sa gwapong nialang na ito? XD
" Sige na nga. " wala e. Di ko kinaya, Masyadong malakas ang tampo powers nya. Haha!
" YES! I'll pick at 6:00 Best. " Ngumiti nalang ako for response.
@Prom Night.
Sinundo nga ako ni Darren. Gosh! Bakit kasi sobra sobra ang pagka gwapo nito? Hindi ko tuloy mapigilan ang pagka kilig ko. :"> Kanina pa ko dito sa table kasama ang mga classmates ko at kahit isa man lang na tao walang gustong makipag sayaw sakin. Bakit ang pangit ko ba ngayon? Pati si Darren di man lang ako sinayaw. Hindi ko na nga sya nakikita eh. Ayaw ko na tampo na talaga ako. Aalis na sana ako nung may narinig akong nag sasalita sa stage at pag tapat ng spotlight sakanya nagulat ako nung si Darren ay nasa stage while holding his guitar. Kakanta ba sya? Shet. Darren is a really good singer pag kumanta sya para kang nasa heaven. Nagsalita na sya.
" Goodeving to everyone. *Claps* this is for my Special girl. Gusto ko nang umamin sakanya ngayon dahil ito na ang best time to say this. I LOVE YOU! " Nag sstart na syang mag strum ng guitar nya. So ito na pala yung sinasabi nya na ipapakilala nya sa mga ka batch namin yung Mahal nya. Aalis na sana ako kasi naiiyak na talaga ako, Pero nagulat ako nung may tumapat na spotlight sakin.
" Best? Bakit aalis kana? Di mo ba gustong makilala kung sino yung Mahal ko? " He said that while smiling. Yumuko nalang ako kasi tumulo na isa isa yung luha ko at ayaw kong makita nya yun.
" Everyone Her name is Shine Termullo, She's my Bestfriend. Best, I know im hurting you too much. I know im causing you too much pain. Im sorry I dont mean it. I know you loved me from the very start nabasa ko sa diary mo eh. " Napaangat yung ulo ko sa mga sinasabi nya. Ano daw? Alam nya na? At ano daw binasa nya ang diary ko? -_- Psh.
" Sorry kung binasa ko yung diary mo, Sorry kung nasaktan kita Sorry sa lahat best. " Tinitigan ko sya and i can see that he's really sincere.
" Best, I Love you too. Can you be my Girlfriend? " Wala na kong sinabi pa, Tumakbo na ko papalapit sa stage at niyakap sya ng mahigpit at bumulong..
" Yes! " ang sarap sa feeling na mahal ka din ng taong mahal mo! :)
-End Of Flashback-