The Changes 1

28 0 0
                                        

Sa sobrang pag to-throwback ko kagabi nakatulog nako. Bumangon nako para hanapin yung Cellphone baka kasi nagtext na si mahal e. Pag tingin ko meron 5 messages, Hinanap ko yung pangalan ng mahal ko sa inbox ko, Pero wala syang text :( Kahit isa man lang wala talaga, First time 'to ah? :( Baka busy lang sya ngayon, Okay lang yan shine. Goodvibes lang dapat. Ngumiti ako kahit pilit pa, Makikita ko rin naman sya mamaya sa school e. Baka hinihintay nako nun. :)

@School

Papalapit na ko sa school gate namin pero hindi ko natatanaw si Darren, Kahit yung kotse nila wala sa parking lot. 

" Mahal ko, Nasan kana ba? " Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang classroom namin. Nagulat naman ako nung may yumakap sa Likod ko. Napangiti naman ako.

" Akala ko--- " Pagharap ko hindi naman pala si Darren ang yumakap sakin.

" Oh bakit naman ganyan yang mukha mo? Parang dissapointed? " Sabi ni Jean sakin Bestfriend ko yan.

" Kasi naman eh. Si Darren hindi man lang sya nag text kaninang umaga tapos hindi man lang nya ko hinintay kanina sa labas ng capus natin. Ano na kayang nangyari dun? :( " Paiyak na talaga ako, Para kasing may mangyayaring hindi maganda e. Ewan ko lang, Baka napaparanoid lang ako. 

" Ano kaba 'te! Baka busy lang yun. Hayaan mo na baka mamaya andyan na yun. Ngiti na dali, Hindi bagay sayo ang naka simangot. " Ngumiti nalang ulit ako kahit pilit. Na eewan na talaga ako. Miss ko na yung mahal ko. O.A na kung O.A Pero hindi ako sanay na hindi sya nagpaparamdam.

Habang nagkaklase lipad ang utak ko. Patingin tingin lang ako sa cellphone ko, Baka kasi nagtext na sya. Kaso wala pa din, Alalang alala na talaga. So ako na ang nag text.

" Mahal ko, Bakit hindi ka pumasok? Magtext ka naman kahit blank lang please? nag aalala na talaga ko :( Miss you mahal. :* Take care ah? :D " Sent. Sana naman mag reply na sya. 

" MS. TERMULLO! BAKIT KA GUMAGAMIT NG CELLPHONE DURING CLASS? " Nagulat ako nung sumigaw ang Prof. namin. Gosh first time kong mapagalitan ng mga Prof ko dito. 

" Sorry sir. " Yun nalang ang sinabi ko habang nakayuko.

" Do you want me to comphiscate your phone? " Shet. Wag naman.

" No sir. Im Sorry again. " Wag please wag.

" Okay then keep your phone. " Hayy salamat. Umupo nalang ako at tinago na ang cp ko. 

Natapos na ang klase. Naisipan kong dumaan sa mall para matanggal ang stress ko. Wala pa rin kasing text si Darren, Papasok na sana ako sa Fav. na kainan namin ni Darren ng may matanaw ako sa di kalayuan. Kahit nakatalikod, I know its Darren. Dali dali akong tumakbo at nung maabutan ko sya i hug him on his back. 

" Darren, Sobra akong nag alala ano bang nangyari sayo? " Paiyak na talaga ko. Humarap sya sakin.

" Shine anong ginagawa mo dito? " Napatanggal ako sa pagkakayakap ko sakanya. Yung tono kasi ng boses nya parang di sya masaya na nakita nya ko :( Unti unti nang tumulo ang luha ko.

" Darren what happen to you? Alam mo bang sobrang nag alala ko sayo. Tapos yan yung bubungad mo sakin? " Sinabi ko yan habang tumutulo yung luha ko. Nang biglang may tumawag sakanya at nagulat ako nung si Karen ang nakita ko.

" Baby, Bakit ba ang tagal mo? " Sabi ni Karen sabay hawak sa kamay ni Darren. Tumingin sya sakin.

" Who is she? " She asked.

Darren look at me. Mukhang wala syang balak sagutin so ako na ang sumagot para sakanya.

" Ah. Karen right? " Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

" Ah yeah. Darren's Girlfriend. " Sinabi nya pa yan with a smile. Tinignan ko naman si Darren na tulala hanggang ngayon. 

" Ah ganon ba? Sige mukhang nakakaistorbo yata ako sainyo e. Alis nako. " Tatakbo na sana ko dahil parang gusto ko nang magwala dito. Pero may humawak sa kamay ko, I was expecting na si Darren yun. But i was wrong. Its Karen.

" And you? Ikaw naman di ka pa nagpapakilala aalis kana. " She said that with a sweet smile. Karen is always be Karen nga naman. Wala syang pinagbago ganun pa din ang pag uugali nya na friendly sa lahat at pala smile.

" S-Shine. " I Flashed a smile kahit pilit pa wala na kong pake.

" And your Darren's? " Tanong nya ulit. Shet naman karen gusto ko ng humagulgol dito. Tinignan ko si Darren at Sinabing.

" Friends. Yeah, Were great friends. " At tumulo na nga ang luha ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa sila, Dahil ayoko na makarinig ng katarantaduhan ngayong araw. Im so tired.

Giving you upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon