Introduction

13 4 0
                                    

3rd person's pov

              Nakaupo sa isang sulok ang isang babae habang umiiyak ng todo hindi alam kung ano ang gagawin, hindi alam kung ano ang iisipin, nalulunod sa mga ala alang patuloy na sumasaksak sakanyang puso.

Hindi nya alam ang gagawin para bumalik nalang sa ayos ng lahat ng nasira at bumalik na ang nawala.

Para syang nababaliw sa mga emosyong patuloy nyang nararamdaman habang unti unti syang namamatay sa kaloob looban nya.

"kasalanan ko"

Yan ang paulit ulit na sinasabi nya sakanyang sarili habang patuloy na humahagulgol dahil sa sakit at pagsisisi na nararamdaman.

Iniisip nya kung kinabukasan ba matatapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman nya.

Biglang pumasok sakanya ang nakita nya bago mangyari ang lahat ng ito.

Isang lalaking nakaitim, nakatutok ang baril sa ina nya, nakangising mukha, at kung paano nito pinutok ang hawak na baril sa ulo ng ina nyang walang kalaban laban.

At heto nanaman sya umiiyak at sinisisi ang kanyang sarili dahil hindi nya nagawang iligtas ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nya.

Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya para lang mailabas ang lahat ng hinanakit nya sa mundo pati narin sa lalaking naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.

*****

Nandito naman ang isang lalaki

Nakangiti, Masaya, at nagbibiro sa mga kasama nyang ngayon nya lang nakita.

Friendly sya kaya naman kahit saan sya dalhin may magiging kaibigan sya.

Pero hindi alam ng lahat na sa likod ng mga ngiti at tawa nya ay mga luhang pilit nyang tinatago.

At sa likod ng mga biro nya ay ang mga masasakit na salita na araw araw nyang natatanggap mula sa sarili nyang pamilya.

Hindi nya gustong makita ng iba ang kahinaan nya dahil kapag nangyari ito malalaman nila kung gaano sya kamiserable.

At makikita nila kung ano talaga ang nasa likod ng kanyang suot suot na maskara.

Kung gaano kabasag at kasira ang iniisip nilang perpektong mundo na kinabibilangan nya.

Hindi nya gustong mawalan ng kaibigan dahil sila nalang ang nakakapitan nya at ang dahilan kung bakit sya patuloy na tumatayo sa kabila ng lahat ng kanyang problema, naalala nya pa kung gaano nawasak ang buhay nya ng mamatay ang nagiisang tao na nagpahalaga sakanya, ang kanyang ate.

Pinatay ito at yun ang sinisiguro nya, nakita nya pero wala syang nagawa dahil wala syang lakas para gawin ito.

Natatandaan pa nya ang isang lalaking nakaitim, nakatutok ang baril sa ate nya, nakangising mukha, at kung paano nito ipinutok ang hawak na baril sa ulo ng ate nyang walang kalaban laban.

Hinding hindi nya ito makakalimutan dahil doon nagsimula ang bangungot nya.

*****

Nakatitig sa kawalan ang isang lalaki, may hawak hawak syang isang tasa ng kape at kinakalma ang sarili.

Ang mga mata nyang walang emosyon, ang mga labi nyang nakaporma na parang isang linya ang makapagsasabi na may pinagdadaanan sya.

Ang mga mata nyang walang emosyon na nagpapakita kung gaano na sya kapagod na umiyak para sa mga bagay na wala na, ngunit nananatiling mahalaga para sakanya.

Ang mga labi nya na nakaporma na parang isang linya na nagpapakita kung gaano na sya kasawa na pilitin ang mga ngiti sa mga panahon na kailangan nyang magpakatatag.

Ang buhay nya na parang nakaprogram na ang gagawin at sasabin sa buong araw.

Ganon kawalang kwenta ang buhay nya matapos na mamatay ang nagiisang tao na itinuring nyang pamilya, ang kanyang bestfriend.

Wala na syang pamilya kaya naman ganoon nalang ang naging reaksyon ng katawan nya ng mamulat ang mga mata nyang wala na ang natitira nyang liwanag.

Kitang kita nya kung paano ito pinatay at kung sino ang pumatay dito

Isang lalaking nakaitim, natutok ang baril sa bestfriend nya, nakingising mukha , at kung paano nito ipinutok ang hawak na baril sa ulo ng bestfriend nyang walang kalaban laban.

Meron sana syang nagawa kung hindi lang sya nakatali at hindi makagalaw.

Halos hilingin nya na ang kanyang kamatayan sa lalaking may gawa nito dahil simula ng mawala ang babaeng kaibigan nya hindi na sya nakaramdam ng kahit anong emosyon.

Para na rin syang patay na pinipilit mabuhay para sa babae na itinuring nyang pamilya.

*****

Tatlong tao na magkakaiba ang ugali ngunit isa lang ang isinisigaw.

"hustisya,"

Lahat ay gagawin nila para lang mahuli ang taong gumawa nito sakanilang mahal sa buhay.

Question Mark?Where stories live. Discover now