Chapter#2: Kyle

3 1 0
                                    

Kyle's POV

I drove like a madman in the dark highway, there was only few cars travelling since it's midnight already. My destination, still unknown.

I continued my lone ride in the middle of the road in search of something.

I suddenly halt when I saw a perfect place to release all my anger and the feeling of unfainess the world had let me feel.

I smiled bitterly, I didn't expect that I will find a perfect place almost immediately, It wasn't long since I started driving.

I parked my car.

Bumaba ako sa kotse ko at tumayo sa gilid ng highway, nakatitig sa kawalan. Dala dala ko ang mga alak na binili ko pa kanina sa isang convenience store.

And for me who hate wasting my time for some nonsense reason it was a huge feat.

I opened the can and with one heavy gulp, I already emptied half of it, the slight burning sensation I felt isn't enough to stop the emotions that's whirling within me.

It's been in there for almost a week and even so the pain that's giving me is still the same, making me restless.

Sa ngayon gusto kong magwala, pero napakaraming bagay ang pumipigil saakin, Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko pero hindi ko alam kung paano at sa papaanong paraan.

Para bang may isang bagay na pumipigil saakin na kalimutan ang mga bagay bagay.

Ilang araw na ang nakakalipas at sa ilang araw na dumaan ay katumbas ng ilang taon para saakin.

Dahil wala siya, wala na siya. At hindi na siya babalik.

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang masakit na katotohanan na yon, at hindi ko alam kung matatanggap ko pa ba yon lalo na ang babaeng yon ay hindi lang isang babae, siya lang ang natatanging tao na itinuring kong pamilya, kaibigan at kapatid.

Sa mundo kung saan iilan nalang ang may lakas ng loob na tumulong sa mga nangangailan, at mas lalong konting tao ang kayang magbigay ng pagmamahal sa mga tao na hindi nila kilala, si Lany, binigay niya yun ng walang hinihinging kapalit.

Siya lang ang nakaunawa saakin sa mga panahon na hindi ako maintindihan ng mundo, siya lang ang kakampi ko sa mga panahon na kaaway ko ang mundo.

At hindi ako makapaniwala na wala na siya ngayon, sa dinami dami ng mga walang kwentang tao, at kriminal na nabubuhay sa walang kwentang mundo na ito, bakit siya pa? Bakit siya pa na walang ibang ginawa kundi ipakita at iparamdam sa ibang ang pagmamahal na pilit ipinagkakait ng iba?

Bakit siya pa na natatanging tao na nagpakita ng halaga saakin?

Bakit siya pa na walang ibang ipinakita dito sa mundo kundi ang kabaitan niya?

Sa dami ng mga bakit na yun hanggang ngayon hindi ko parin makapa o kahit maaninag man lang ang mga kasagutan, para bang kahit mabiyak ang ulo ko kakaisip hindi ko ito mahahanapan ng kasagutan, bagay na lalo kong kinagagalit sa mundo.

Napaka unfair ng mundo, kinuha na niya saakin ang pamilya ko, wala akong kaibigan maliban kay Lany na ngayon kinuha niya pa saakin.

Hanggang kailan mo balak agawin ang mga bagay na mahalaga para saakin?

Hanggang kailan mo ako balak parusahan sa isang kasalanang hindi ko alam kong ginawa ko ba?

Gusto mo talagang nakikita akong nahihirapan at nagiisa ano? Naaaliw ka siguro kapag nakikita mo akong miserable. Nagbibigay siguro sayo ng saya ang paghihirap at sakit na dinadanas ko.

Question Mark?Where stories live. Discover now