chapter#1: Kelly

4 1 0
                                    

kelly's POV

Gusto kong mawala nalang na parang bula dahil sa sakit na nararamdam ko pero hindi ko magawa dahil alam ko na hindi lang ako ang naapektuhan ng nangyari saaking ina.

Alam ko na kapag nawala pa ako hindi na kakayanin ni papa ang lahat ng mga problema.

Kaya kailangan kong magpakatatag at tumayo kahit sa loob loob ko para na akong pinapatay dahil sa paulit ulit na pag alala kung paano namatay ang nanay ko.

Pero kagaya ng ginawa ko kahapon bumangon ako at naligo na.

Habang nakaharap sa salamin ay nakita ko ang pagod na pagod na mata ko, namumugto rin ito dahil sa pag iyak ko kagabi.

Ganun naman lagi eh sa nakalipas na tatlong araw bumabangon ako maliligo at makikipag plastikan sa mga kamag anak ko na ang habol lang ay ang mga sugal at pagkain, at hindi ang pagluluksa.

Pag gabi naman ilalabas ko na ang lahat ng mga hinanakit ko sa mga nangyayari sa buhay ko.

Magtatanong ako sa sarili ko, ano bang naging kasalanan ng mama ko? bakit sa dinami rami ng tao sa mundo bakit si mama pa?

Pero kahit ilang tanong pa ang pumasok sa utak ko at kahit ilang beses ko pa itong itanong, alam kong wala namang sasagot saakin.

Kaya patuloy nanaman akong babangon araw araw at ipapasok sa isip ko na wala ng pag asa na mabuhay pa si mama.

*****

"Oh kelly, halika dito at ibigay mo to sa mga tiyahin mo!," Narinig kong tawag saakin ni papa.

Napabuntong hininga nalang ako at pumunta doon para kunin ang mga pagkain na ibibigay sa mga tiyahin kong nag susugal.

"Pagkain nyo ho," Walang gana kong sabi sakanila para naman mabigyan ako ng kahit konting space para makapunta sa mesa na nagawa ko naman.

Nilapag ko yung plato na may mga biscuit at candy na nakalagay.

"Ay bakit ito?,"nagtatakang tanong ni tita rose.

"Ay sya hayaan ng nga, pwede paki timpla mo naman kami ng kape kelly," utos nya saakin habang hindi nakatingin dahil busy sya sa mga barahang nasa harapan nya.

Dahil wala na akong ganang makipagtalo pumasok nalang ako sa bahay at pinagtimpla sila ng kape.

Nilagay ko yun sa isang tray para hindi matapon kapag naglakad ako.

Nilapag ko yun sa mesa nila kagaya ng ginawa ko kanina sa mga pagkain pero kahit isang pasalamat wala akong narinig.

Pero pinagtimpian ko nalang dahil nasa burol kami ng mama ko na kamag anak nila.

Umupo ako sa isang sulok at doon nalang nagmukmok habang pinapalamig ang ulo ko ng dahil sa mga tiyahin ko.

Akala mo nasa hotel kung makautos pasalamat sya dyan at nakakapagtimpi ako at hindi ko binuhos sakanya yung bagong kulong kape.

Hayyyy, ito nanaman, kaya ayoko na nag iisa eh nalulungkot ako palagi at paulit ulit na nagpe play sa utak ko kung paano pinatay ang mama ko at kung gaano ako walang nagawa habang pinapanood ang lalaki na yun na patayin ang mama ko.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.

Kung hindi lang sana ako naging duwag paniguradong hindi pa patay ang mama ko sa mga oras na ito, pero ano nga bang magagawa ko? nangyari na, tapos na, kahit ano pa ang gawin kong pagsisisi hindi nito mababago ang katotohanan na wala na ang mama ko at kasalanan ko yun.

Gabi gabi sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari dahil ako yung nandoon pero wala akong nagawa, napakawalang kwenta kong anak.

Bumalik sa realidad ang diwa ko ng marinig kong may bumagsak, nilapitan ko yun at nakita ko na nabasag ang plato na nilagay ko sa mesa nila tita.

Question Mark?Where stories live. Discover now