Sinupag ako mag-update ngayon,mehehehe. Maraming salamat dahil kahit inanay na 'tong storyang 'to,andyan pa din kayo at binabasa ito :) maraming salamat! :>>>
-
CHAPTER 11
"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya. Namumula ang mata niya ngunit mas namumula pa din ang akin.
"Pulutin muna natin yung mga Baril" sabi niya. "Tapos maghahanap tayo ng makakakain."
"Paano kung bumalik sila? N-natatakot ako,Lucas." Hindi ko na alam kung ano ang maari kong gawin,baka kunin nila ako, o kaya si lucas. W-wag.
"We'll hide or fight. It's either of the two. Balik tayo dun kanina. Baka may kotse pa sa Gas station."
Hula kong wala pang 5 kilometro ang naabot namin mula sa gas station kaya napagisipan nalang namin na lakarin ito.
"Anong klaseng mga zombie 'yon? Kakaiba ah. May mga utak sila. Natandaan mo noong nagbaba sila ng zombie? Ibang Klase,parang mga tao kung mag isip pero infected naman sila."
"Hindi ko alam. Posible kayang magka-utak sila? Nakakatakot,Lucas."
"Ayun na 'yung Gas station. Tara."
"Tingan ka ng mga kotse,Lucas. Ako naman sa drystore." Sabi ko at hinanda ang katana. I felt relieved that I studied using this. Kahit noong una ay ayaw ko pa.
Binuksan ko ang pintuan At kumuha ng ilang pagkain. Buti at hindi pa expired ang iba sa mga ito.
Sandali.. Anong date na nga ba ngayon?
Medyo madilim sa loob ng drystore ngunit may kuryente pa doon sa may beverage section.
Papunta na sana ako sa beverage section pero.... May tao. Madami itong dugo at sugat sa katawan. Parang infected.
May umiinom mula doon. Oh tangina? Lumingon ito sa pwesto ko at agad na nag red ang mga mata niya.
Tumakbo siya para sugudin ako ngunit umilag naman ako.
Hiniwa ko ang ulo niya gamit ang katana pero hindi ito natinag.
Inilabas ko ang pistol at binaril ang ulo niya ngunit wala itong epekto.
Unti-unti siyang naglalakad papunta sa akin.
Napansin ko ang wire na nakausli mula sa tenga niya.
Wire? Chip?
Walang alinlangan ay hiniwa ko iyon at agad itong bumagsak.
Pinagmasdan ko ang chip ng mabuti.
Umiilaw pa din ito. Parang device... Parang Gps! Shit!
Binaril ko agad iyon at tumigil na ito sa pag-ilaw. Ibinulsa ko ito.
Kumuha ako ng ilang pagkain at inilagay agad iyon sa basket,lalo nang tubig. Madami talaga akong kinuha
Tumakbo ako palabas para tawagin si lucas.
"We need to get out of here,now!"
Agad niyang sinusian ang nahanap na sasakyan.
Sumakay naman agad ako.
"Bakit ba?"
"Here." Abot ko sa kanya nung chip.
"Those who are infected are now smart. Lahat dahil sa Chip na 'yan. Now,we're losing hope because of this."
BINABASA MO ANG
DEAD CITY
Mystery / Thriller"The Dead won't come back to life" my Grandfather said. HE WAS WRONG.