Hindi pa tapos ang vacant nila kaya wala pang katao-tao dito sa room except saaming dalawa nitong masungit na 'to. Until may humahangos na dumating na babae. Mukhang Grade 12 na rin. Anong kailangan nito? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw yung babaeng lumaban kay Fritzy kanina diba?" Tanong niya saka tumakbo papunta saakin. Tinaasan ko ito ng kilay saka nagsalita.
"Fritzy? Sinong Fritzy?" Naguguluhang tanong ko.
"Yung, yung nagbubully sa bestfriend ko." Sabi niya at maluluha na ata.
"Ah o-kay? Why? Bakit?" Tanong ko saka sumulyap kay Tristian, mukhang walang pakealam.
"P-please help, pinag-iinitan siya ngayon baka maatake siya ng asthma." Iyak niya.
"Ha?! Diba sabi ko doon the lalaki kanina ipunta niya sa clinic?!" Sigaw kong tanong, nakita kong nakaupo na ng maayos si Tristian with his arms crossed on his chest. Umiling naman itong babae.
"B-boyfriend kasi ni Fritzy yung nautusan mo kanina." Sabi niya.
"Fuck." Malutong na mura ko, saka patakbong tumungo sa may pintuan kasunod ko itong babae.
"Asan sila?" Tanong ko rito.
"Sa, sa may rooftop." Sabi niya tumango naman ako saka tinungo iyong hagdan patungong rooftop.
Humahangos akong nakarating sa rooftop at nandoon nanaman yung si ateng nakahiga habang sinisipa. Agad kong tinakbo ito dahilan para matigil sila sa ginagawa nila. Hindi lang sila ang nandito, marami sila, may mga lalaki rin.
"What the fuck in hell are you all doing?!" Sigaw ko saka inalalayang makaupo si ate. Ang dami niyang pasa, bakit ba kasi niya hinahayaang mabully siya?! Bobo ba siya?! 'Di ba nag-iisip ang isang 'to?
"Oh the young saver again." Sabi noong Fritzy ata saka humalakhak. Mamaya ko na haharapin ang isang 'to, kailangang mapunta nitong ate girl sa clinic.
"What are you doing?! Hindi pa kami tapos!" Galit sa tanong niya noong nagsimula kaming maglakad. Lalagpasan na sana namin sila nang mapigilan kami ng dalawang babae.
"Bitaw." Nagbabantang sabi ko, ngunit hindi ito nagpatinag. Bumuntong hininga ako atsaka nagsalita ulit.
"Sige, I'll stay bitawan niyo siya, ipupunta siya ng bestfriend niya sa clinic." Sabi ko, tumango naman 'yong Fritzy. Senenyasan ko naman 'yong bestfriend niya na kunin na siya.
Nang makaalis na sila, haharap na sana ako ng isang malakas na sampal ang natanggap ko dahilan para mamanhid ang kanan kong pisngi.
"What the fuck?" Mura ko saka humarap ulit ngunit sa pagkakataong ito tinuhod naman ako saaking tiyan dahilan para mapaubo ako at mapaluhod. Shit my vision was getting blurry.
"Ano?! Ako?! Ako pa talaga kakalabanin mo?!" Sigaw niya saakin, ang baho niya! Sinikap kong makatayo pero agad rin akong napa-upo. My first day here in this building is so terrible. Inalala ko yung mukha nung nerd kanina, alam ko kasing kapag may nasasaktan saka ako nagagalit.
Sinikap kong makatayo sa kabila ng sakit saka ko sinampal si Fritzy ng sobrang lakas.
"I hate you!" Sigaw niya saka ako sinugod at sinabunutan. Syempre hindi ako tanga para hindi lumaban. Tinuhod ko ito sa tiyan saka inikot ang mga kamay nito sa kanyang leeg saka hinigpitan.
"Hindi talaga ako masamang tao pero pag ganito ginagawa mo saakin mahohospital ka ng wala sa oras kaya tigil tigilan mo ako naiintindihan mo?!" Sigaw ko sa mukha niya. Nahihirapan naman itong tumango hinigpitan ko muna lalo bago ko binitawan. Time's up. Sa kabila ng sobrang hapdi ng pisngi ko at sa sobrang sakit tuwing naglalakad ako sinikap ko paring makapuntang C.R ng girls para maghilamos, para narin hindi nila mahalatang napaaway ako.