1st

366 8 0
                                    

I received many compliments after the competition.

They say ako ang pinakamagaling, ako ang pinaka nag stand-out but I dont mind. Hindi ko gugustuhing mag stand-out if yung mga kaibigan ko naiinggit saakin. Lucky me they're not. But something is bothering me, it was all about those deep brown eyes. Aish stop Reign!

"Hey, Earth to Reign yohoo? Nakuha ka na ng mga alien?" Iritadong tanong ni Kesha. Kanina pa kasi siya salita ng salita, kwento ng kwento pero ako itong hindi nakikinig saaming apat.

"Pardon?" Nasabi ko nalang.

"Sabi ko ikaw daw mag-aasist kay Ms. Gamotea sa Grade 12- Victory ka naka base." Iritadong sabi ulit nito.

"Ahh." Napatango-tango na lang ako.

"Para saan daw ba yung assist assist chechebureche nila?" May pairap pa akong nalalaman. Well, Im done with our projects and assignment bullshits. Aish.

"Yun daw project natin sa lahat ng subjects, kailangan daw nating maging alalay ng mga teacher natin. Kainis!" Nagmamaktol na sabi ni Caisie.

"Bakit ba kanina ka pa mukhang naiinis diyan?" Nagtatakang tanong naman sakaniya ni Eina.

"Oo nga. Parang saating apat mukhang ikaw ang pinakaproblemado?" Tanong rin ni Kesha.

"Hindi kaya ako!" Tanggi naman nito. "Si Reign ang tanungin niyo simula noong pagkatapos ng contest mukhang palaging may iniisip." Sabi naman nito.

"Ahh." Napatango-tango ang dalawa sa sinabi ni Eina at tumingin saakin.

Napabuntong hininga nalang ako bago magtanong sakanila. Wala talaga akong pwedeng itago sa mga 'to.

"May kilala ba kayong may magandang matang lalaki na nag-aaral dito?" Tanong ko. Bigla na lamang nagliwanag ang mukha nilang tatlo.

"Loka-loka! Yung kamukha ba ni Gusion na hero sa Mobile Legends?" Tanong ni Kesha.

"Yung pinsan ba nung triplets?"

"H-ha?" Nagtatakang tanong ko. Inilabas ni Kesha ang kanyang cellphone at nagsearch rito.

"Ganyan ba yung mukha?" Tanong niya. Tinignan ko yung search bar Gusion Mobile Legends. Napailing nalang ako sa aking isipan kahit kailan talaga. Sunod ko namang tiniganan ay yung mukha ng lalaking ipinakita niya.

"O-oo." Sagot ko.

"Omgggggg si Kuya Tristian!" Tili ni Caisie.

"Haa?" Nagtatakang tanong ko.

"Gaga 4 na taon ka nang nag-aaral dito pero hindi mo siya kilala!" Sabi ni Kesha.

"Oo nga sikat siya dito sa GyroNella!" Sabi naman ni Eina.

"Anong surname niya?" Tanong ko sa mga ito. Ngunit naputol nalang ang sasabihin nila nang nag-alarm na phone ko. Time for our next class. Tatayo na sana ako noong nagsalita si Einna.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Sa next class natin?" Sagot ko.

"Gaga." Sabi nalang ni Kesha na mukha nanamang iritado.

"Kasalanan ng hindi pumapasok." Sabi nan ni Caisie habang umiiling.

"At ng hindi nakikinig. Ts ts ts ts." Iling na sabi rin ni Eina.

"Ano bang merom? Sabihin niyo nalang kaya?" Tanong ko sa mga ito.

"MAG-AASIST KA NGA KAY MS. GAMOTEA DIBA?" Sabay sabay na sabi ng tatlo kaya medyo napalakas.

Deep EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon