Chapter 7

30 5 4
                                    

Kaoi Percy Mnemosyne POV

"What a sweet drama" sabi ng kung sino kaya halos napatalon ako sa gulat. Parang familiar yung boses niya hindi siya sweet, cold, bored, jolly kundi malanding higad este pangmalandi yung tipong-- basta ganon.

Dahil nakatalikod ako sa kanya ay unti-unti akong lumingon at hindi nga ako nagkakamali isang malanding lalaki-- I mean ang nagkaisa-isang makapal encyclopedia na nagkatawang tao in short si Jin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tsk, panira ng moment at ito naman nakangiti lang. Tumingin ako sa likod nila at for the first time wala yung mga kaibigan niya. Ibinalik ko ulit sa kaniya yung mga mata ko at inirapan siya.

Kumalas na ako at pinunasan ang aking mga mata at inayos ang aking salamin. Halatang kaka-iyak ko lang kasi namumugto pa ang aking mga mata. Kumalas na rin si Vince.

Tumikhim si Vince at tinignan ko siya at parang may binulong siya kaso di ko narinig. "Anong kailangan mo Mr. Jin" tanong ko

"Kasama ka lang namin kanina tapos ngayon may kasama ka ng iba. Akala ko kung saan ka pumunta ayun pala nandito ka lang sa- Rooftop ba to? Wew parang ngayon ko lang to nakita meron pa lang nage-exist na Rooftop sa building natin"sabi niya pero hindi ko narinig yung sinabi niya nung una. Nagtanong pa siya sasagutin niya rin lang pala yung sarili niyang tanong mga tao nga naman hindi ko talaga sila maintindihan. "Sino naman yang kasama mo?"sabay tingin kay Vince.

Secret walang clue

Humarap ako kay Vince na nakatingin pala sa akin. Tinignan ko siya sa mata at ang kanyang mapupungay na mata ay nagtatanong kung sino siya. I sigh.
" Vince this is Jin and Jin this is Vince" tumango tango lang si Jin.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Wala ka kasi sa room nung oras na bumalik na kami sa room kaya nagtaka na kami, buti na nga lang wala pa yung next teacher kaya ayun hinanap ka namin at napadpad ako dito sa rooftop. Grabe! Buwis-buhay pala kapag pumunta dito, buti na nga lang guwapo ako at nagta-take ako ng Safe Guar- este Dove baka hindi na nila makilala tong guwapong mukhang toh" walang hinto niyang sabi. Ang kapal talaga kasing kapal na encyclopedia. Inirapan ko na lang siya.

Tumayo na ako at tumayo na rin si Vince. Nagsimula ng maglakad si Jin at hindi na kami inantay kasi mabaho na dito at mga ilang years na to hindi inaayos. Naalala ko tuloy si Izyl kung hindi ko lang talaga siya hinayaan noon siguro buhay pa siya ngayon. Siya yung babaeng nagpakamatay halos hindi na nga ako makatulog noon kasi tuwing ipipikit ko ang aking mga mata palagi ko siyang nakikita na nakatingin siya sa akin at himihingi ng tulong nakita ko siyang nagmamaka-awa madami siyang mga pasa sa katawan at mga sugat na malalaki at madami ring mga tamang baril. Feeling ko kasalanan ko ka-kasi---.

"Bakit ka umiiyak? Naaalala mo na naman ba siya? Alam mo hindi mo kasalanan yun, walang may kasalanan, Choice niya yun" sabi niya at pinat ang aking likod. Maaring narinig niya ang aking mga hikbi.

"P-pero k-kung h-hindi dahil sa akin siguro buhay pa siya" sabi ko habang hindi ko namalayang may tumulo na namang patak ng luha mula sa aking mata.

"Hayaan mo hindi ka na iiwan ni Vince" sabi niya "By the way sino ba yung Jin na yon?"

"Ah he's just a friend of mine"

"It's good to hear na may new friend ka na. Buti na lang may new friend ka na puwede mo ng tangalin yunh disguise mo dahil madami ng magproprotact sayo. Huwag mo akong kakalimutan ah" biro niya.

"Siyempre naman bakit naman kita kakalimutan? Ikaw lang naman ang laman ng puso ko" sabi ko at nagumpisa na kaming maglakad. Tinignan ko ang relo ko at laking gulat ko ng tapos na pala ang aming pangalawang subject umabot kami ng 2 hours sa pag-uusap.

Dumiretso na kami sa Canteen sapagkat terror rin ang aming teacher sa pangalawang subject kaya pinili naming magstay muna sa Canteen and besides nagutom rin ako sa kadramahan ko.

------

Someone's POV

"Men! Nakita ko na siya sabihin ko na kaya" sabi niya sa kausap niya sa cellphone.

"No. Not yet. Hindi pa tayo sure kung siya talaga yun." sabi sa kabilang line.

"Oo na sige magkita na lang tayo sa canteen" sabi niya.

Nerds in Disguise (On-going)Where stories live. Discover now