Prologue

141 10 0
                                    

Prologue

"Ayoko na, Ru. This is hard enough for me already. Kung wala kang oras para sa 'kin, don't force yourself. Hindi ko kayang makita ang asawa kong halos iwan ako dahil lang sa kompanya." Sabi ni Kylie sa asawa niya. There are tears dripping from her eyes to her cheeks. Parang hindi makapaniwala si Ruru sa narinig niya.

"Akala ko ba okay lang sa'yo. Lagi naman akong nagpapaalam sa'yo. Sinasabi ko lahat ng kailangan mong malaman." Ruru defended himself. They heard the crying of their 7 months old baby from the crib.

"'Yon na nga, Ruru. You often say that at ano naman? Hindi mo ba maiintindi ang nararamdaman ko everytime you call me saying na malalate ka ng uwi." Humagulgol si Kylie at lumapit sa crib ng anak niya. Tumingin si Ruru sa direction niya.

"'Yon lang ba, Kylie? Ang babaw naman no'n. You know that I can find the time. I married you because I'm up for everything we have to face." Sabi ni Ruru at lumapit sa asawa niya. Tumingin si Kylie sa kanya.

"You're right, we did marry each other because of that. Pero... kina-sal di-n tayo... be-cause we can make each o-ther hap-py." Humahagulgol na sabi ni Kylie kaya naman ay nahirapan siyang magsalita.

"Palagi na lang prob-lema ang nasa i-sip mo, you p-promised me a life n-a hin-di mo ako paba-bayaan. Hindi ko na ka-ya, Ru." Dagdag niya, umiling naman si Ruru at niyakap ang asawa niya.

"Babe, I'm sorry. 'Wag naman sanang ganito na lang. Leaving me isn't an answer. Gagawin ko pa rin ang lahat para sa 'tin. I fixed every problem for you." Hinigpitan ni Ruru ang pagkayakap niya sa asawa at hindi naman pumiglas si Kylie... hindi rin siya yumakap pabalik.

"I've given you too many chances to prove na kaya mong ipagsabay ang pamilya natin at ang kompanya ninyo. Pabaya ka, Ru. Am I not worth that much to you?" Umiiyak na sabi ni Kylie at may mga alaala na bumalik sa isip niya na lubhang ikinadurog ng puso niya.

"Da-hil sa'yo, na-wala ang a-nak na-tin, Ru. Be-cause you were not with me. Wala, Ru. Nawala ang una nating anak dahil wala ka sa tabi ko." She pushed him and told him to let her go.

"We've been married for 3 years." Sabi ni Ruru pero umiling si Kylie.

"Stop, Ru. Hindi na ako masaya." That sentence nearly killed him as he knew that it means they have to separate.

"No, please. Babe, 'wag namang ganito. Hindi ka pwedeng mawala sa 'kin." Lumuhod si Ruru sa harap niya habang umiiyak. Napapikit naman si Kylie habang umiiyak din siya, sa loob ng tatlong taon naramdaman ni Kylie ang mas pina-prioritize ng asawa niya ang mga problema at naramdaman niya na wala na talaga siya.

"Stand up for yourself, beshie. Kung patuloy ka lang mananatili sa lalaking 'yan parang kapareho lang kung makikipag-break ka, except wala kang ibang expectation na nand'yan pa siya. Because he isn't, what kind of husband prioritize his business over his family?" Naalala ni Kylie ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan. Is it right for her to leave? Pwede pa ba nilang ayusin 'to?

"Kylie, please. 'Wag mo 'kong iwan." It almost broke her heart hearing him beg.

"Aalis kami dito ng anak ko." Sabi ni Kylie at parang gumuho ang mundo ni Ruru.

Masasabi namang kaya pa nila pero ang mga away dati, ang mga oras na nasasayang at ang mga nararamdaman na pagkukulang, those made their already fragile relationship break at wala na silang magagawa, because it already caused them pain.

Marriage Contract [KyRu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon