Talk To You
"What makes you want to file for an annulment?" Tanong ni Kathryn. Nandito ako sa apartment ko kasama ang anak ko. I left his house after I told him na ayoko na. Wala talaga e.
Simula no'ng mawala ang kauna unahan naming anak na si Madison na hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon, I felt this coldness in him and I'm being deserted. No'ng una ay okay lang naman, nakakauwi naman siya, but now he can't even stay inside our house for one whole day.
Ano na kaya ang nangyari sa 'I'll be by your side all the time' niya? Hindi niya natupad ang pangako niya, no matter how hard I try to spend time with him wala pa rin talaga e, laging busy, laging may ginagawa, e di trabaho niya ang pakasalan niya.
"I want to at least see a difference na hindi ko na nagagawa. Gusto ko lang naman na makasama ang asawa ko at hindi niya magawa 'yon. I can't keep lying to myself that I'm happy." Sagot ko sa kanya. Nakaupo kami sa couch ng apartment at karga niya ang anak ko. Our second child is also a girl.
"Talaga? So walang nag-cheat? Or did he cheat on you?" Tanong niya sa 'kin. No, Ruru would never do that, pero ito pa rin ang hahantungan ng tatlong taon na mag-asawa.
"Hindi niya ginawa 'yon, Kathryn. But now, my priority is Michelle." Sagot ko at tumingin ako sa anak ko. Yes, her name is Michelle Anne. She got lots of features from her father.
"Kailangan ko na palang umalis. My husband's calling me." Sabi ni Kathryn t'saka niya binigay sa 'kin si baby at lumabas na ng apartment. My baby is just 7 months old at gagawin ko ang lahat basta hindi siya mawala sa 'kin.
Inilabas ko naman ang cellphone ko and I saw 12 missed calls from Hubby at 18 unread messages from Hubby. Iyon ang ID caller ni Ruru sa cellphone ko. Sigurado akong namumugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak buong gabi.
I called him. He answered pretty quickly. "Kylie, mabuti sinagot mo na ang mga tawag ko. Look, I'm really-" inunahan ko na siya.
"I need to talk to you about something. Magkita tayo sa lugar na una tayong nagkita. See you at three." Sabi ko at ibinaba agad ang tawag. I don't want to accidentally say something else.
"Anak." Sabi ko sabay tingin kay Michelle. "I'm not gonna be able to give you a happy family." Naluha ako at hinalikan ang noo ng anak ko. I thought this wouldn't happen.
Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Tama ba ang ginawa ko? Makasarili ba ako dahil sa ginawa ko? Pero hindi na ako masaya at hindi ko na makita ang dahilan kung bakit kinukulong ko ang sarili ko.
Hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang panganay ko at araw araw akong nagdadasal na sana makasama ko na ulit siya. My first born is still missing, the first ever baby that made me feel like a real mom. I've never gone through a day without thinking about Madison.
Paano kaya kung kasama pa namin siya? Would it save our marriage? Would our daugthers make us see for the better? Hindi ko na ata malalaman ang sagot.
Tumayo ako at maghahanda na. It's only 1:00 P.M. pero dadalhin ko pa si baby sa parents ko dahil ayokong isama siya sa gulo. Sa gulo ng marriage contract namin ng lalaking sobra sobra kong minahal.
__________"Sa'n ka ba pupunta, anak?" Mama Liezl asked me. Si Papa Robin naman ang bitbit ang anak ko. Ngumiti ako sa kanila.
"Nothing important. Pero hindi ko po ata maaalagan ng maayos si baby kung multi tasking ang ginagawa ko." I answered at tumango naman sila. This is the time na sasabihin nila sa 'kin na kumuha ako ng yaya but that won't do yet.
"Si Ruru, hindi ba niya pwedeng alagaan ang apo ko?" I freezed when I heard that question. Si Papa ang nagtanong no'n at wala akong masagot. I didn't tell them that I'm in a file for an annulment.
BINABASA MO ANG
Marriage Contract [KyRu]
FanficMarriage Contract. Married to someone you love is a dream that you'll live in his arms forever. Pero paano naman kung hindi mo na nararamdaman ang pagmamahal niya? Paano kung hindi ka na masaya? Susuko ka ba? Pero mahal mo, bakit mo sinukuan? Publis...