Memories
Minulat ko ang mga mata ko and I saw him carrying our baby. Nanghihina pa rin ang katawan ko due to 8 hours of labor and delivery.
"Babe, siya na ba ang anak natin?" Tanong ko. Even if the answer is obvious, I can't believe I'm starting to be a mom now.
"Oo, Love. Tingnan mo oh, ang cute niya. Parang tayo." Ruru said with a smile. Ang saya pala sa pakiramdam to be a new mom. Napangiti ako habang tinititigan ang sanggol sa bisig ng asawa ko.
"Can I hold her?" Tanong ko. I feel like I don't know what to do. Pinaghandaan ko ang moment na 'to since I figured I was pregnant, nakalimutan ko ata lahat ng pinaghandaan ko.
"You gave birth to her. Syempre naman, ikaw ang nanay e." Natatawang sabi ni Ruru at dahan dahan niya ibinigay sa 'kin ang isa ko pang baby. Dalawa na ngayon ang baby ko, si Ruru at itong precious baby na hawak hawak ko ngayon.
"Baby, anong ipapangalan natin sa kanya?" Tanong sa 'kin ni Ruru. We already have a lot of names but there is only one I've thought of now that I saw my infant.
"Madison Grace, I think that fits her perfectly. Isa naman 'yon sa mga pangalan na inilista natin para sa kanya." Sagot ko. No joke, we really did spend one day just thinking of a whole list of girl names we think would fit our angel.
Natawa naman si Ruru. "I think we were too extra na gumawa pa tayo ng listahan ng mga pangalan." He said with a chuckle. Tumingin ako sa sanggol na nasa bisig ko.
"I love you, anak." I whispered and kissed her forehead. Nakita ko ang isang form ng ngiti sa mukha ng anak ko. She smiled at me.
__________"Baby, asan ka na? It's already late night." Palagi na lang ganito. Tinatawagan ko siya at tinatanong kung asan na siya, anong oras siya uuwi. Mukhang busy ulit siya.
"Love, I'm sorry. Pauwi na ako, you don't have to wait ni baby Madi." Sagot ni Ruru. Naririnig ko din ang pag-andar ng kotse niya.
Sometimes I wish na sana kasama ko siya, for just one day ako muna at hindi ang trabaho niya. I know naman na para din sa 'min 'yon, I just can't help but feel like nothing.
"Okay, drive safe." Paalala ko sa kanya. Tumingin ako sa 5 months old na anak ko na natutulog na. This isn't always what I thought it would be.
"Babe, bukas nga pala sasama ka sa 'kin sa kompanya. It's good for people to meet you." Sabi ni Ruru at napangiti naman ako. Maybe tomorrow can be that day.
"Sige, hihintayin na kita dito, Love." Sabi ko sa kanya.
"No, hindi ko hahayaan na mapuyat ang mahal ko dahil lang sa kakahintay sa 'kin. Paggising mo na lang may nakayakap na sa'yo." Sabi ni Ruru at ibinaba ko na ang tawag. Anong gagawin ko? Hindi naman ako nakakatulog hanggang hindi pa siya umuuwi e. Lagi ko siyang hinihintay na yakapin at halikan ako.
__________May narinig akong yapak at may pumasok sa kwarto. Nagpanggap akong tulog dahil isa lang naman ang papasok sa kwarto. Naramdaman ko na may humiga sa tabi ko at niyakap ako mula sa likod. Yup, that's Ruru alright, kilalang kilala ko na siya.
"Baby, I love you." Bulong niya at ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Does he know that I'm not sleeping?
"Akala ko hihintayin mo ako. Umasa pa naman ako na pagkauwi ko may kiss akong makukuha." Sabi pa niya. Kasalanan mo 'yon, Love, ikaw nagsabi sa 'king tumulog na ako. Napangiti ako.
"Love, gising pa 'ko." Sabi ko at naramdaman ko naman na gumalaw siya. Humarap ako sa asawa ko na nakangiti with matching dimples.
"'Yong goodnight kiss ko, Babe? Asan na?" Tanong niya sa 'kin at ngumuso. Mas lumapad naman ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Marriage Contract [KyRu]
FanfictionMarriage Contract. Married to someone you love is a dream that you'll live in his arms forever. Pero paano naman kung hindi mo na nararamdaman ang pagmamahal niya? Paano kung hindi ka na masaya? Susuko ka ba? Pero mahal mo, bakit mo sinukuan? Publis...