Unang Kabanata

61 3 1
                                    

Balikan natin ang nangyari 1 year ago....

to be exact..

September 24, 2013..

Yan ang unang araw na nakitaan ko na siya ng pagiging paranoid at possessive..

Bakit ko naalala?..

Dahil yan ang araw ng birthday niya...

First day ko sa work..at dahil ito din ang unang trabaho ko mula ng mag graduate ako ng kursong Accountancy kailangan kong magpakitang gilas.. Una na dun ang pagsunod sa mga bawal at di dapat gawin kapag nasa office ka..

Naka silent ang phone ko.. Masyado din madaming ginagawa. ang daming inuutos sakin. kailangan kong pag igihan dahil nag ttraining pa lang ako.. I need to focus..

5 PM na at labasan na namin sa office.. ang unang una kong ginawa ay kunin at tignan ang phone ko...  nagulat ako dahil..

 56 Missed calls... 63 Unread messages.

Galing sa isang tao lang. . .

Ano 'to? wala siyang ginawa buong araw kundi ang mag text at tawagan ako? hindi ba niya naisip na baka maistorbo niya ako dahil first day ng work ko to?

"Ano ginagawa mo babe? Busy ka ba?"

"Bakit di ka nagrereply? tawag din ako ng tawag kanina pa!"

"Hindi mo ba naaalala kung anong araw ngayon? bakit ganyan ka na sakin babe?"

"Hey babe, ayaw mo na ba sakin. baka may nakita ka na diyan sa work mo na bago ka. kaya hindi mo na ko pinapansin. :'("

Ilan lamang yan sa mga nabasa kong text niya. paulit ulit.. sa 63 message na yun pare pareho lang ang gusto niyang sabihin..

Ano to?

Sa pagkaka alala ko, wala naman kaming problema. Maayos kaming nagusap kahapon at nag goodluck pa nga sa first day ko sa work.

Hindi ko naman nakalimutan ang birthday niya. Last week pa nga ako nkabili ng gift. at ngayon naman maghahanap ako kung san pwedeng bumili ng cake. Hindi ko kabisado ang Makati sa totoo lang. Pero dahil mahal ko ang girlfriend ko, kahit pagod ako sa buong araw na trabaho, bibili pa rin ako ng cake at isusurprise ko siya sa bahay nila.

Pagdating ko sa bahay nila. . . .

"Knock knock knock!"

............

Binuksan ng mama niya ang pinto. "Good evening po tita! nandiyan po ba si Jeanne?" ang bati ko. sinenyasan ako ng mama niya na nasa taas daw. ibig sabihin nun nasa kwarto siya. pumasok ako ng bahay. madami siyang handa. pero dumerecho agad ako sa kwarto niya.

"Hi babe!" Sabay lapit ko sakanya. nakasubsob siya sa kama niya. alam kong umiiyak siya. alam ko  na dahil sakin. pero magsosorry ba ko? eh wala naman akong ginawang masama. hindi ko lang naman nasagot at tawag niya dahil nasa trabaho ako. pero dahil ayoko na maging dahilan pa to ng pag aaway namin, dahil birthday niya ngayon, iintindihin ko na lang siya. magsosorry ako.

Iniabot ko ang cake na dala ko ang regalo ko sakanya. "Happy Birthday babe! galit ka ba sakin? sorry na kung ano man yung nagawa ko. kung di ko man nasagot yung tawag mo. I'm Sorry."

"Anong ginagawa mo dito? di ba busy ka? hindi mo pa maaalala na birthday ko kung di ko pa pinaalala sayo."

Inuulit ko, iintindihin ko siya. kahit anong mangyari iintindihin ko siya. baka talagang nagtatampo lang siya. Pinilit ko siyang amuhin. Yakap... Halik... kahit nung una panay ang tulak niya sakin..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stalker Ex-girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon