Chapter 6

66 0 0
                                    

-Chapter 6-

Tiwala lang!

[GINO'S POV]

Nang sabihin ko ang pakay ko kay lola ay napa-ngiti siya. Paano, nagkaroon na daw kasi ako ng interest sa negosyo. Yun nga lang ay hindi pa yata papayag si daddy, at walang problema kay mommy dahil sumasangayon na lang siya kay daddy kung anong gusto nito. She just let dad decide.

"Manuel, bakit hindi mo muna pagbigyan si Gino sa gusto nya? It's finally his chance to start anew. Gusto ko din naman siyang i-train para maging handa siya sa pagkakaroon  ng sarili nyang negosyo." Paliwanag ni lola nang dumalaw siya sa amin.

"Mama, I won't let Gino ruin your business. Ang ganda na ng takbo ng Cleopatra," sabi ni daddy.

"Exactly, maganda nga ang takbo ng Cleopatra. That's why we are expanding. I need Gino to handle that expansion."

Para namang hindi makapaniwala si daddy sa narinig. Konti na lang at mukhang papayag na ito.

"And what will you do if he fails?"

"No, Manuel. What will you do if he failed me?"

"Wala na akong maisip gawin. Lahat na ginawa ko sa batang yan. Hindi ko alam kung bakit hindi nya pa rin makuhang magtino at magseryoso."

"Don't be so rude. Alam ko at nararamdaman kong gusto na ni Gino ayusin ang buhay niya.Pero kung gusto mo talaga, simple lang yan. Patatanggalan ko siya ng mana sa'yo."

"Mama?" Parang hindi makapaniwala si dad.

"I'm serious, Manuel. Kailangan niyang paghirapan lahat ng mamanahin niya sa'yo."

And all I thought kakampihan ako ni lola. This time, mukhang maiiwan ako mag-isa. Pero naiintindihan ko naman. May point din naman si lola. That's it! I'll prove them wrong. I need to meet their expectations.

Pumunta sa opisina ni lola. Kaya lang mukhang nasa meeting na naman ito. Naupo na lang ako sa couch ng office niya. Nagulat naman ako nang pumasok si Ms. Clumsy-Model Walker sa loob. Ibinigay niya na sa akin yung damit na minantsahan niya noon. And as usual, di na naman nawala ang pagtatalo. Sobrang taray at palaban talaga. Kawawa ako nito pag ito ang  naging girlfriend ko.

Girlfriend?! What am I thinking?! No way!!!

Akala ko,  sasampalin niya ulit ako dahil sa pagkakahalik ko sa kanya the last time we met. Mabuti na lang at nag-walkout na lang siya. Napikon na din yata. Kaagad kong hinalungkat ang paper bag. Nandun nga ang polo at white shirt ko. Malinis na malinis, ang bango pa. I wondered, kasabay kaya nito yung mga underwear niya? Bad, Gino! Bakit ka ba ganyan mag-isip pagdating kay Bea! Napansin ko naman ang isang supot. May food container doon na may lamang Kaldereta. Siya kaya ang nagluto nito? May post-it naman na nakadikit.

To: FLG

Obviously, para ito kay lola. Pambawi lang sa Kalderetang naitapon niya? Natawa naman ako. Kung hindi rin may pagka-sipsip 'tong babaeng 'to. Leech!

"Gino, nandito ka pala?" Nakababa na pala si lola galing sa meeting room.

"Yeah. Uhm... I'm actually waiting for you, 'La."

"Good news, hijo. Napapayag ko na ang daddy mo."

Nagkunwari na lang akong na-surprise. Alam ko na din naman kasi ang napag-usapan nila. "That's great! First time yun ah!"

She smiled, "Wag mo akong ipahiya, Gino. I made a compromise to your father before he  said yes."

"I will not, lola. I will make sure I can do this."

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon