Chapter 24 (SPG)

76 0 0
                                    

-Chapter 24-

Can it wait?

[BEA'S POV]

Kinabahan ako nang makita ako ni Gino. Hindi ko kasi talaga sinasabi sa kanya kung kailan ako uuwi. Hindi rin alam ng lola niya kung natuloy ba ako sa paghanap ng school na papasukan ko. Parang ayoko na kasing ituloy ang pag-aaral sa London. Maho-homesick lang ako.

"So... Kamusta naman ang work-vacation days sa London." Kasama ko siya ngayon sa isang mall. Ngayon daw kasi namin ise-celebrate ang birthday ko kagabi.

"Uhm, okay lang. May mga bago akong nakilala doon, tapos may bagong natutunan din."

"Nakilala? Mga London-based?"

"Oo... Mga pilipino din. Tapos, napag-uusapan namin yung mga bagong concepts sa men and women's fashion."

"Ahh. Ganun ba? Baka naman may mga boys kang nakilala?"

"Uhum!  Pinairal mo naman yang pagiging seloso  mo."

"Hindi mo naman maaalis sa akin yung selos. Siyempre, malayo ka sa'kin, di'ba?"

"Ang sabihin mo, wala kang tiwala sa akin."

"Meron naman. Alam mo naman kung ano ang ayoko di'ba?"

"I know, Gino. Don't you trust me?"

"May tiwala ako sayo, Bea. You have my heart. And I must say, sa'yo na umiikot ang mundo ko. I don't know how I will explain everything. Basta, ayokong mawala ka sa akin."

Tumitig lang ako sa kanya.

"Let's buy you a dress anyway. Kailangan mo yun para sa birthday ni Lola Fely bukas." Sabi niya at hinawakan na ang kamay ko.

"Birthday ng lola mo?"

"Yes, and I think its time for you to get to know my family."

Tama ba yung narinig ko? Ipapakilala niya na daw ako sa partido niya? Eh... Magdadalawang buwan pa nga lang kami?

"...for sure, matutuwa sila na may ipapakilala na ulit ako sa kanila."

"You're kidding, Gino!"

"No, I'm not." Seryoso niyang sinabi.

"Gino, I don't-"

"Here! Dito sa Ensembles, marami dito. Dito rin ako namimili ng mga damit ko."

Why, of course! Alam ko namang branded lahat ng gamit nitong si unggoy. Pero, birthday lang yun, kelangan ba talagang magpakapormal?

"Hi, Sir Gino! Ngayon ka lang ulit napasyal dito ah?" Bati sa kanya ng isang lalaking parang may pagka-silahis.

"Oo, Andy. Medyo busy na kasi. Uhm, can you pick me a dress for my girlfriend? Birthday kasi ni lola bukas."

"Oh! Your girlfriend!" Kung titigan naman ako nitong baklang ito, akala mo isda ako kung kaliskisan niya.

"Yeah. She is Bea. Bea, meet Andy. My personal and unofficial stylist." Pinakilala ako ni Gino sa kanya.

"You're... Fab..." sabi ni Andy at bumeso sa akin.

"Thanks." Tipid kong sagot.

"Oh... Oo nga pala! Come, Ms. Bea. I'll pick a nice dress for you today." Iginaya ako ni Andy papasok sa loob.

Ahh, malamang stylist nga siya. Halos anim na dress at samu't saring accessories ang pinasuot niya sa akin. Nariyang susuotan niya ako ng dress na napaka-iksi. Yung iba naman ay sobrang haba, maganda daw sana kaso kulang daw talaga ako sa height. Naku bakla! Matagal ko ng alam yan noh! Hanggang sa nakuntento siya sa isang royal blue asymmetrical fitted dress na above the knee. Mabuti na lang at hindi siya ganun kaiksi.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon