-Chapter 3-
Walang biglang-liko!
[BEA'S POV]
Kung sino man iyon, ay naku, talagang matutuyuan ako ng dugo sa kanya! Ubod ng sungit! Siya yung tipo ng taong akala mo, pasan ang mundo, tapos palaging magkadikit ang kilay. So weird!
"Ano ba, 'teh? Sa pagkatagal mo naman?" Sabi sa akin ni Zoey. "Anyare?"
"Naku! In demand yata ang mga bwiset ngayon!"
"HB lang teh?! Ang presyon mo naman! Hinay-hinay. Bakit ba?"
"Ewan ko kung taga-saang department yung mayabang na yun! Siya 'tong hindi marunong tumingin sa dinadaan, siya pa galit. Pabara-bara kasi ng kilos. Ayun si yabang, natapunan daw ng bongga yung 'bago' niyang damit! Kaloka!"
"Taray! Baka naman kasi branded ang damit?"
"Ma at pa ko sa kanya! Hindi kayang tapalan ng maganda at branded na damit ang kagaspangan ng ugali nya." Malay at pakialam ko ba sa lalaking yun.
"Naku Beatrize! Umiiral na naman ang insecurities mo! Sabi ko naman sayo, magpa-makeover ka na sa amin ni Thea."
Matagal na akong kinukulit ng dalawang 'to sa makeover na sinasabi nila.
"Bakit naman ako ma-i-insecure sa lalaki?!"
"You mean... Lalake? Bading?!"
"Mas matatanggap ko yata ang bading na ubod ng yaman, kesa yung ganun ka-gwapo at papel de liha naman ang ugali. Dapat pinamumukha sa kanya yung kagaspangan niya nang numipis naman ang pagmumukha!"
"So... Gwapo...?" I saw Zoey's eyes sparkle.
"Malay ko! Di ko tinignan yung mukha! Na-a-alibadbaran ako!"
"Chill, nie! Easy lang!" Yan na naman siya sa mga kakulitan niya.
Natahimik kami pareho nang may kumatok. Si Ms. Rosie pala.
"Bea, yung food ni FLG? Nakababa na siya from the meeting."
Muntik ko ng makalimutan! Shoot! Paano na ito ngayon! 'Langya kasing lalaki yun, pahamak!
"Sige, Ms. Rosie. Dadalhin ko na sa kanya."
Pagkasara ng pinto ni Ms. Rosie ay sumalampak ako sa upuan ko. Ano na'ng gagawin ko! Patay ako ngayon!
Kunwari naman ay nakalimutan ko yung sabi ni Ms. Rosie. Lagot na nga talaga yata ako, baon pa ni Boss FLG yun! Patay!
Muli na namang kumatok si Ms. Rosie sa room namin, and this time, pinatatawag na daw ako ni Boss FLG. Lagot na talaga!
I knocked at FLG's office thrice bago ko binuksan yung pinto. Nakita ko naman na abala siya sa pagbrowse ng mga flyers para sa product launch bukas. Shoot! Bukas na pala ang product launch! Araw ko ba talaga ito ngayon? Araw ng kamalasan?!
"Yes, Ms. Punzalan?" Tanong niya sa akin nang mapansin niya ako sa loob.
"Ahh... Ma'am? Pinatawag niyo daw po ako sabi ni Ms. Rosie?"
"Yeah, oo nga pala. Yung food..." Napasinghap tuloy ako ng hangin. I almost held my breath right then and there. "Yung food, kainin nyo na lang. Magdi-dinner nga pala kami ng apo ko."
Hindi ko alam kung naibuga ko na ba yung nilanghap kong hangin, pero gumaan yung loob ko.
"Lola, okay lang ba yung size ng-" Nagulat naman ako na out of nowhere ata ay lumabas 'tong taong puno't dulo nga yata ng kamalasan ko ngayon. At nung nagtama ang paningin namin, halos maging straight line na ang mga kilay niya sa pagkaka-kunot ng noo niya.