Chapter 17 ✨

2.6K 78 4
                                    

Kriztine's POV

Naglakad na kami papunta sa lobby kung nasaan ang office ni Madame Cristobal. Kumatok kami bago pumasok.

"Good morning, Madame!" Masayang sambit ni Lindsey at ibinaba ang kanyang gamit sa working table niya. "May magrereklamo, Madame."

Iniharap ni Madame Cristobal ang kanyang upuan sa amin at napangiti. "Yes? What can I do for you?" Tanong niya.

Lumapit kami sa lamesa niya. "Madame-"

"Nang-bully na naman po si Shairi!" Pagputol ni Lidnsey. Siya na nagkwento ng lahat! Grabe naman si Lindsey. Parang close friend ang kinakausap niya. Eh, Reyna kaya si Madame Cristobal.

Habang kinukwento ni Lindsey ang nangyari, napapatango na lang si Madame. Hindi siya nagugulat sa nalalaman na para bang sanay na siya sa ganitong nangyayari.

"Wala po bang parusang natatanggap ang mga nang-bu-bully?" Tanong ni Jade.

"Mayroon naman."

"Eh, bakit po hindi pa rin nawawala ang bullying?"

"Hindi talaga mawawala ang pambu-bully sa school, princess." Sagot ni Madame. "Ang ginagawa ko, kapag naaktuhan ang pambu-bully, detention agad sila. Mababawasan ang kanilang points para sa overall rank. At makakarating din iyon sa kanilang mga magulang."

"So, may gagawin po ba kayo, Madame, kila Shari?" Tanong ni Lindsey.

"I'll talk to them."

"Just talk?"

"Well, mayroon bang magpapatunay na sinaktan ka talaga nila Shari?" Tanong ni Madame sa akin. "Nakita ba ng mga kaibigan mo?"

"Hindi po, pero marami pong nakakitang estudyante." Sagot ko.

"Alright. Sabihin mo kung sinu-sino ang nakakita and I'll call them. Kapag hindi napatunayan na sinaktan ka nga talaga nila Shari, then, walang mangyayari." Sambit niya.

"Please, Madame. Puntahan po natin ang Good side. Halos lahat po ng estudyante duon ay saksi po sa mga nangyayari." Sambit ko.

"Alright then." Tumayo na siya at lumabas na kami ng opisina kasama si Madame.

Nang magpunta kami sa hallway ng Good side, lahat ng mga estudyante ay lumabas mula sa silid nila.

Hindi na galit ang tingin nila sa amin kundi pagtataka. Painosente pa sila.

Nakita ko sila Shari at nakangiti  sila sa akin. Gusto kong sampalin ang mukha niya para matanggal ang ngiti niya.

"Shari Furabatur, Sharon Estolas, and Erika Ravela of G208." Tawag ni Madame at naglakad sila papunta sa harapan niya.

"Yes, Madame Cristobal?" Sambit nilang tatlo at yumuko.

"Totoo bang sinaktan ninyo si Kriztine Arleene Cursefond?" Tanong niya.

Nainis ako ng umiling sila.

"Hindi po namin magagawang saktan si Kriztine. Natatakot po kami sa kanya." Sagot ni Shari at lalong akong nainis.

"She's the daughter of King Lucifer, so we're afraid of her." Dagdag naman ni Erika.

"Sinungaling!" Sambit ni Jade. "All of you Good students saw what happened!"

Bigla silang nagtaka at nagbulungan.

"Nakita daw ang alin?"

"Ewan ko."

"What is she talking about?"

"Erika, recall from what happened yesterday morning." Sambit ni Madame. "I know you can't lie to me."

Interdimension University✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon