Chapter 10 ✨

2.9K 79 0
                                    

Jade's POV

Nakakatuwa at wala na kaming klase tuwing hapon. More time for myself!

"Mauna na kayo sa dorm. May hihiramin lang akong libro sa library." Sambit ko.

"O sige."

Nauna na sa dorm sila Kriztine at Joanna. Si Lindsey naman ay sa opisina ni Madame Cristobal.

Nagpunta na ko sa library nila at wow lang, ha! Ang ganda at ang laki! Ang daming libro na gusto kong hiramin pero napa-iling na lang ako. Hindi puwedeng ma-distract!

Nanghiram ako ng isang cook book para mag-aral kung paano magluto ng mga pagkain dito. To be honest, cooking is my favorite hobby. Pumapangalawa naman ang pag-da-drawing.

Matapos kong manghiram ng libro nakita ko si Robert sa labas ng library. Nakasandal lang siya at mayroong binabasang libro.

"Tch. Hindi man lang siya maupo. Mangangawit siya niyan." Bulong ko sa sarili.

Pero ano bang paki ko?

Lumipad na ko papunta sa lobby.

Nang makarating duon, nakita ko na naman siya. Nagbabasa pa rin siya pero nakaupo na.

Siya ba talaga ang nakita ko kanina o namamalik-mata lang ako?

Hindi ko na siya pinansin pa at umakyat na ng hagdanan. Nagpunta ako sa roof top.

Ang weird ng pakiramdaman ko sa kanya. Sa tuwing makikita ko siya, mayroong nagsasabi sa akin na lapitan ko siya at kausapin. Parang ang gaan din ng pakiramdaman ko sa kanya kahit ilang araw ko pa lang naman siyang nakikita. Pero naiinis pa rin ako dahil ang yabang yabang niya.

Isa pa si Wenzy. Noong una ko siyang nakita, gusto kong umiyak. Hindi ko alam pero nanlungkot ako nang makita ko siya. Hindi rin nagtagal at nawala rin ang pakiramdam na 'yon.

Robert...

Wenzy...

Nang makarating ako sa roof top, laking tuwa ko ng walang estudyante doon. Ang tahimik dito at ang hangin.

Naupo ako sa isang upuan at binuklat ang libro. Natigilan ako ng makita ko ang lingwaheng gamit nito. Hindi ko alam! Ingles ang nasa cover, pero ibang lingwahe ang nasa loob.

Marahan kong sinarado ang libro na 'yon at nanahimik na lang. Dinama ko ang lakas at lamig ng hangin sa balat ko.

Nag-isip ako kung ano na lang ang gagawin.

Ayaw kong bumalik sa dorm namin dahil wala rin akong gagawin duon. Ayoko namang bumalik sa library dahil nakakatamad na. Hay. Sa susunod, i-che-check ko muna ang libro bago hiramin.

Tumayo ako at lumapit sa isang pader. Ang ganda at ang kinis nito. Hindi ko alam pero naglabas ako ng marker. Nagsimula akong gumuhit sa pader na 'yon. Alam kong mali ang ginagawa ko pero dito ako na-re-relax. Mabubura naman din ito gamit ang tubig.

Nakarinig ako ng beep at paglingon ko, mayroong tumama sa leeg ko! Hinawakan ko iyon at sinubukang alisin pero ayaw!

"Arg! Sino may gawa nito?! " Sambit ko at ayaw talagang maalis ng choker!

"Vandalism, ey?"

Natigilan ako sa nagsalita.

"Alam mo bang mali 'yang ginawa mo?" Nilingon ko siya.

Bigla akong nainis ng makita ko ang mukha niya.

"S-so? Hindi naman permanent ink ang ginamit ko." Sagot ko.

"Kahit na. Vandalism is wrong." Sagot niya.

"So what? You're gonna give me detention or something?"

"No. I was planning to send you to the Punishment Room." Natakot ako sa sinabi niya.

Interdimension University✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon