Chapter 36 ✨

1.7K 48 0
                                    

Kriztine's POV

Naglagay ng mahika si Arleene kay Wenzy at mayroong mga pulang sinulid na natali sa kamay, beywang, at paa niya. Nakakabit ang kabilang dulo ng sinulid sa mga kamay ni Arleene.

Sa bawat paggalaw ng kamay niya, napapagalaw niya ang katawan ni Wenzy.

I need something that I dont want to do, So I need a victim, like one or two," pabulong n'yang sinabi iyon at umilaw ang mga sinulid, "With these strings that are attached to you, You will be my puppet and I have control over you."

Umilaw ang katawan ni Wenzy at kusang tumayo. "Show me your wings." Utos niya. Kusang inilabas ni Wenzy ang kanyang puting pakpak. Hindi man lang siya nagising.

Lumapit sa kanya si Arleene at binunutan ng isang balahibo.

Matapos 'non ay inihiga na niya ulit si Wenzy.

Kumuha siya ng tisa(chalk) at mayroong ginuhit sa sahig sa harapan ng salamin. Puro kakaibang letra ang nakasulat sa paligid namin. Tanging si Arleene lang ang nakakaintindi nuon.

Pinalutang niya ang balahibo ni Wenzy at umilaw ito. Mayroon siyang binubulong na kakaiba at hindi ko maintindihan ang lingwahe. Umilaw ang balahibo na 'yon at kusang nagpunta sa salamin. Pagdikit nito sa salamin, nagulat na lang ako nang mabasag iyon! Nagkaroon ng maraming bitak ang salamin pero hindi nahulog ang mga 'to.

Kumuha ng isang bubog si Arleene at sinugatan ang sariling palad. Tumulo ang dugo namin at pinatak niya ito isa isa sa mga letrang nakapalibot sa amin. Sa bawat napapatakan na letra, umiilaw iyon ng kakaiba.

Nang matapos, lumutang lahat ng mga bagay sa silid ko. Nilingon ko si Wenzy at mahimbing pa rin siyang natutulog. Sigurado ako na matindi ang galit niya kapag nalaman niya ang ginawa namin. Tsaka na lang ako magpapaliwanag sa kanya.

Winisikan ni Arleene ng dugo ang basag na salamin at naging maayos na ulit! Naging kulay itim ang salamin na 'yon at nawala ang repleksyon namin. "Bukas na ang portal."

Hindi ko alam pero bigla akong bumalik sa dati kong anyo. Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at pumasok na ko duon.

Pagdating ko sa kabila, wala akong makita kundi purong kadiliman lamang.

Mula sa malayo, nakita ko na umilaw ang isang bagay. Lumapit ako duon.

Pagkalapit ko, nakita ko ang bolang kristal. Nasa palad pala iyon ng isang babae at nagulat na lang ako nang makita siya. Yumuko siya sa akin. Tinuro niya ang kanyang tela na nasa bibig. Pinapatangal niya iyon.

Lumapit ako sa kanya para alisin ang tela. Napa-atras ako nang makita ko siya. "M-madam Cristobal?" Tanong ko. "Pero paano po kayo napunta rito?"

Naguguluhan ako.

Inayos niya ang sarili niya. "Ako si Reyna Lourdez Cristobal, ako ang totoong Reyna ng dimensyong ito."

Hindi ako sumagot.

"Ang nakikita mo sa mundo mo at tinatawag ninyong Madam Cristobal ay isang impostora." Sambit niya.

"Hindi ko... maintindihan." Sagot ko.

"Sinakop niya ang kaharian at katawan ko, maraming taon na ang nakakalipas. Ako ang kaluluwa ng katawan ko at kinulong niya ko rito."

"...Kung kayo po ang totoong Reyna, sino po 'yong nasa katawan ninyo?"

"Naaalala mo ba ang kapatid ng ama mo?" Tanong niya.

"S-si...Reyna Cristina po?"

"Oo. Siya nga." Sagot niya.

"Imposible. Sabi nila na patay na siya." Sambit ko.

"Nakita ba nila ang katawan nito?" Tanong niya at napa-iling ako. "Ibig sabihin ay hindi pa siya patay."

Hindi ako sumagot.

"Sinakop niya ang katawan at kaharian ko, pitong taon na ang nakalilipas." Sambit niya. "Walang nakapansin sa pangyayari dahil malinis magtrabaho ang Reyna."

"Bakit naman po niya ginawa iyon?"

"Hindi ko alam. Pero ang alam ko, kapag namatay siya, magbabalik ako sa katawan ko." Sagot niya.

"Pero, ang mga kaibigan ko. Sinabi niyo po na alam n'yo kung nasaan sila."

"Oo, alam ko nga kung saan sila tinatago ni Reyna Cristina at buhay sila." Sambit niya.

"Pero...si Ivan po ang dumakip sa kanila." Sagot ko.

"Kasabwat niya si Ivan Kindynos, isang Cyborg."

Cyborg?

"Pero teka. Paano n'yo po nalalaman ang mga bagay na ginagawa nila?" Tanong ko.

Hinawakan niya ang bolang kristal, "Nalalaman ko ang mga ginagawa nila dahil nakikita ko sila sa kristal ko. Pero limitado lang ang kaya nito at kaunti lang ang nalalaman ko sa plano nila." Sagot niya at lumingon sa akin. "Palayain mo ako rito, Kriztine, at tutulungan kitang maibalik sa'yo ang mga kaibigan mo."

"....Ano po ang dapat kong gawin?"

Hinawakan niya ko sa balikat ko. "Patayin mo si Reyna Cristina." Sagot niya. "Patayin mo ang impostora."

Unti unting naglaho ang katawan niya at nagsimulang umikot ang paningin ko. Bigla akong nahilo kaya napapikit na lang ako.

Nagulat ako nang biglang may humila sa akin at nailabas ako sa portal!

"Cursefond!"

Napamulat na lang ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Wenzy.

Nakatayo siya sa harapan ko at nakahawak siya sa balikat ko. Halata sa mga mata niya na nag-aalala siya at nagagalit na rin.

"Bakit ka nagbukas ng portal sa salamin?!" Sermon niya.

Hindi ako nakasagot.

"Why, Cursefond?"

"Isang impostora ang Reyna!" Sambit ko. "Nakilala ko ang tunay na Reyna ng dimensyong ito at nakakulong siya sa salamin. Paniwalaan mo ko, Wenzy!"

"What are you talking about?" Sambit niya. "Mirrors are used to travel between dimensions or places. It is not used for imprisonment."

Hindi ako nakasagot.

"Pero hindi na importante 'yon. Ang mahalaga ay ligtas ka. At hindi mo rin dapat ginawa 'yon!"

"Wenzy-"

"Promise me na hindi mo na ulit gagawin 'yon." Sambit niya.

"Pero-"

"Promise me!"

"Bakit ba ayaw mo kong paniwalan?!" Tinulak ko siya. "Lahat ng mga sinasabi ko ay totoo. Mayroong babae na nakakulong sa salamin at ang babae na 'yon ay ang totoong Reyna ng dimensyong ito. Alam din niya kung nasaan ang mga kaibigan natin!"

"Prove it then."

"Okay, fine!" Sambit ko at pinikit ko ang mga mata niya. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa mata niya at umilaw iyon. Ibinaba ko ang mukha niya at idinikit ang dyamante ko sa noo niya. Pinakita ko lahat sa mata niya ang mga nakita at narinig ko kanina sa loob ng salamin.

Mahirap paniwalaan kung sasabihin ko lang. Mas mainam kung ipapakita ko sa kanya simula sa pagkuha namin ni Arleene ng balahibo sa pakpak niya hanggang sa makalabas ako sa salamin.

Pinaniniwalaan ko ang babae na 'yon. Wala na rin akong ibang pamimilian at wala na rin akong maisip na ibang paraan kung ano ang gagawin.

Ilang sandali pa at bumitaw na ko. Halata sa mukha niya na gulat siya sa mga nalaman.

"Cursefond..."

"Oo, mahirap paniwalaan." Sambit ko. "At tsaka...sorry. Sorry kung...nilagyan ka namin ng mahika. Sorry kung kumuha kami ng balahibo sa pakpak mo. Sorry din kung-"

"That's alright." Sagot niya. "I just- I just need to think for a moment."

Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Interdimension University✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon