Chapter 24 ✨

2.3K 66 0
                                    

Vincent's POV

I really don't know what to do with Joanna.

Sa ngayon, ang kanyang kinikilos muna ang pinag-aaralan ko.

She always smiles at me. Ang optimistic niya at ang cheerful. Lagi siyang naka-"earphones", mag-isa man o may kasama. She's also talkative. Lagi rin siyang babad sa "phone" niya kapag walang ginagawa. Sa pagkakaalam ko, masama raw ang sobra sobrang paggamit ng "phone".

Kapag hindi rin niya nakukuha ang gusto niya, nag-po-pout siya. Kapag nakakakita siya ng hayop na malapit ng mamatay o sugatan, umiiyak siya agad.

Tamad din siya, actually. Lagi siyang natutulog sa dorm nila kapag wala kaming practice or experiment. Gagawin niya ang assignment niya sa oras ng klase. At lagi siyang naghahanap ng pagkain kapag bored.

In my conclusion, she's adorable.

Napa-iling na lang ako. Tama na ang ganitong klaseng research. Time to be serious.

"Vinceeeent~" tawag ni Joanna at agad naman akong napalingon. As usual, lagi akong nabibighanin sa ganda niya.

I guess... I have a crush on her. Pero nahihiya akong umamin. Mabubulunan ka talaga sa pagsasalita.

Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko yung araw na nakita ko siya sa kanyang-

"Uy, Vincent!" Natauhan na lang ako nang makita ko sa harapan ko si Joanna. "Ilang beses na kitang tinatawag, hindi mo man lang ako pinapansin."

"I-I'm sorry." Sagot ko at sinarado na ang libro.

"Ano 'to?" Pinulot niya ang isang folder na naglalaman ng mga sinulat ko tungkol sa kanya.

Agad akong tumayo at sinubukan kong kuhanin iyon sa kamay niya pero agad siyang umiwas. Natalisod niya ko at nawalan ako ng balanse. Parehas kaming bumagsak!

"Aray!"

Hindi ako makakilos.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang posisyon namin. Nakapaibabaw ako sa kanya.

Hindi lang 'yon. Sobrang lapit din ng mukha namin sa isa't isa!

"I...uh..."

"H-hindi ka ba tatayo?" She asked.

Agad akong tumayo at pinagpag ang sarili. Tumayo na rin siya. Nakita ko na nahulog ang salamin niya at akma na kong kukuhanin iyon. Natigilan ako nang mahawakan ko ang kamay niya!

Napangisi siya.

Kinuha ko ang salamin niya at sinuot ko sa kanya.

Nakakainis lang dahil nagmumukha akong tanga! Ano ba 'tong inaasal ko?! Sa tuwing nakakasama ko siya, nagiging clumsy ako at awkward. Hindi ito ang totoong Vincent Jhay Lopez!

I cleared my throat. "Huwag tayong magpractice sa garden." Sambit ko.

"Eh? Saan tayo magpa-practice?"

"Let's go somewhere private."

"Private?" Napataas siya ng kilay.

"I mean secret! Let's go somewhere secret. Not private." Wait, what? Hindi ba't magkamukha lang 'yon?

Napa-iling na lang ako at naglakad na.

Sinabi ni Wenzy na ayos lang kung dadalhin namin ulit sila sa Sanctuary para sa aming research or project. Mas mainam daw 'yon para makapag-focus sila ng maayos.

Now playing: CRUSH by TESSA VIOLET

Interdimension University✨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon