Chapter 3: Knowing more about him

222 2 0
                                    

                         ~Julia's~

Hahabulin ko sana siya para ibalik yung naiwan niya pero wala eh. Ang bilis kasi tumakbo!

Napag-isipan ko nalang na basahin yung Birth Certificate niya ng biglang..

"Oy! Musta?"

"OMG Juls!"

"Waah! I. Miss. You!!!"

"Buti naman at safe ka.."

Alam niyo na siguro kung sino yung nagsalita nung una. Medyo siga kasi eh.. Yung pangalawa? Medyo malambing magsalita.. Pangatlo naman, ginagaya niya yung kilos ng Anime. At pang-apat, proteksyon ko yung Inalala niya.

"Uwaaah! Na-miss ko kayo!!!" Sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanila para yakapin sila. Nag-group hug kami ng biglang..

"Hoy! Bakit kayo nagyayakapan?! HALA! Mga tomboy siguro kayo noh?! Bilis!! Umamin na kayooo!" Napanga-nga ako sa sinabi niya. Napaka-GM talaga ni Russell!

"Tado!" Boom! Wahahaha! Nakatanggap tuloy ng batok mula kay aliya. Hahaha!

"Uy tama na.. Kawawa naman ang Mahiwagang Russell. Haha!"

"Tama ka diyan, pre!"

Waaah! Buo na ang barkada! Nandito na sina CJ at Ian! Yay!

"Yahoo! Kumpleto na tayo!" Sigaw ni Lana.

"Teka bhe, ano yang hawak mo?" Sabi ni Irish. Tinuro niya yung nasa kamay ko.. Ano nga ba yung nasa kamay ko?

Tinignan ko yung hawak ko at agad-agad ko itong tinago..

"Ah.. W-wala ito!" Nakaka-panic naman!!

RING... RING!

Yes! Save by the bell.. Ahahaha!

"Oh guys, pasok na kayo sa room.  Iihi lang ako ha?" Pero sa totoo lang, gusto ko lang basahin itong birth certificate at personal profile niya..

"Sure. Mag-ingat ka ha?" Awww. Ang bait talaga ni Jade.

-----

BATHROOM

Nandito na ako sa C.R.  Nagpunta ako sa isang cubicle at umupo ako sa bowl.. Nag simula na akong mag-basa.

Name: Lanz Azriel E. Copon

Birth Date: December 18,1992

Teka.. December 18? Eh birthday ko rin ito eh! Grabe, what a coincidence! Ang lupet naman nun. Ahehehe.

Tumayo na ako at nagdesisyon na pumunta sa room namin.. Hinahanap ko ang room namin. Grabe! Di ko makita..

"Sir, magandang umaga po. Saan po dito yung Set A- Star section?" Tanong ko sa isang lalaki na mapayat.

"Ahhh.. Miss, ayan lang oh, katapat mo." Huh? anong katapat?

Humarap ako at nabasa ko ang 'Set A-Star Section'.

"Ah.. Ahehe. Thank you po ah. Sadyang bulag lang ako. Bye po!" Sabay pasok sa room.. Hinanap ko si Lanz kaso.. Ano ba iyan! Di ko siya kaklase..

No choice.. Umupo nalang ako kung nasaan ang barkada.. Nagayos-ayos ako ng gamit ko ng biglang dumating si Sir.

"Goodmorning, everyone! I am Professor Steward. You can call me Sir Stew. Is that clear?"

"Yes sir." Sabay-sabay naming sabi.

"You may now seat." Syempre, umupo na kami.. Nagusap lang kami ng nag-usap ng biglang bumukas yung pinto.

"Oh there you are! I've been waiting for you! Please take a seat."

Sino kaya iyon? Hmph. I dont care.. Magda-drawing nalang ako .

"Okay class, please introduce yourself. Lets start at the back." Bwisit naman si Sir! ang galing ng timing grabe. Ako kasi yung nasa likod!

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad sa harapan. "My name is Julia Villanueva. 21 years old. Turning 22 this December." Nakatingin lang ako sa barkada at hindi ko pinansin sina Sir.. Nagpapatawa kasi sina CJ eh!

"Okay. Next please." Nagdrawing nalang ako ng nagdrawing ng biglang..

"Hello. I am Lanz Azriel E. Copon. 21 years old. " Teka, ano raw? tumingin ako sa kanya at... OMG! Si Lanz!!

Nagkatitigan kami... Sabay inalis niya yung tingin niya sa akin.. Totoo ba itong nakikita ko?

"Class, You may now go. But tomorrow, regular classes already. Okay?"

Di na namin sinagot si Sir at umalis na kami.. Tumambay muna ang barkada ng lumapit si Lanz sa amin..

"Uy pare, welcome to the group! Kasali ka na dito!" Bati ni Aliya kay Lanz.. Tapos nag high five sila ng kakaiba.. Magkakilala kaya sila?

-------

Yay.. natapos yung update xD Napag-isipan ko lang kasi na mag-update :3 So.. Hope you like this chapter! At sana naman ay may mag-vote, comment o kaya magbasa man lang.. Masyado akong lonely dito.. Ahahaahahah!

-li_forever26

Seatmates (Tagalog love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon