Chapter 12: Shocked

85 1 1
                                    

*Recap*

"So ibig mong sabihin ay... Kailangan natin mag-pretend na magkasintahan tayo?" Kalamadong tanong ko.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Guys! Ano nangyari sa inyo kanina?" Nagulat ako ng biglang lumapit sa amin ang barkada.. Agad naman akong hinila sa bewang nung lalaki kanina.. Nakakakilabot! Brrrr.

"Ako si Jim.. Jim Santos. Boyfriend ni Aliya." PUTANGINA MO JIM!!!! T_T

"Pinatulan mo iyan, Aliya? Eh pangngalan palang ang pangit na. Parang yung artista sa GMA. Haha!" Oh tama ka diyan, Ian. Pangit talaga itong Jim na ito.

Kinalbit naman ako ni Jim. Naguusap kami gamit ng mga mata namin..

"Ah-Oo, b-boyfriend ko ito." Shit!

"Ohhh.. Sige nga, para maniwala kami, magkiss nga kayo." Ano nanamang dare ito Lana?

Bigla akong hinalikan ni Jim sa pisngi. Whew! Akala ko sa labi nanaman..

"Awwww. Ang sweet!" Nagulat ako ng gumanon si Julia. Hmmm. Galit parin ako diyan.

"Bakit?" Tanong ni Lanz kay Julia habang si Julia naman ay kinikilig sa photos sa Facebook.

"Patingin nga!" Sigaw ko. Binigay naman niya sakin yung Phone niya.

."PUTANG'NA!!! Sino nag-post nito?! UWAAAAH! ALISIN NIYO IYAN! " Pagmamakaawa ko. Bakit? Kasi naka-post nadun yung picture namin ni Jim na naghahalikan! Ajujuju. Paano ang reputasyon ko?! Uwaaah!

"Bakit? Ikinahihiya mo ba ako babe?" Anong babe?!

"Babe mo mukha mo!" Sabay tumakbo ako. Pumunta nalang ako sa canteen.

Pagkaupo ko, biglang may kumalbit sakin. Tiningnan ko siya at nakakita ng isang lalaki. Matangkad, pogi at mukhang mabait. Di tulad ni Jim na mapang-asar, pangit at nakaka-inis.

"Hi miss. Pwedeng maki-share ng table? " Tanong niya.. Haay. Ang ganda ng boses!

"Ahh-sige. Upo ka nalang diyan." Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng sandwich ng biglang may umupo sa tabi ko.. Tumingin ako at nakita ko siyang nakangiti. Ngumiti narin ako.

"Gusto kitang katabi" Sabi niya na parang nahihiya. Awwww. Ang cute!

                          ~Jim's~

Hinanap ko si Aliya at nakita ko siyang kumakain ng tinapay. Lalapitan ko sana siya ng biglang may tumabi sa kanya. Pinanood ko silang mag-usap at tumawa. Para ngang kinikilig itong si Aliya. Di ko na kinaya, nilapitan ko na sila.

"Hi babe. Tara na at malapit ng mag-time." Sabi ko. Nagulat naman si Aliya pero di niya ako pinansin.

"Ahh Jin, alis muna ako. Kita tayo mamaya ah." Ano raw? JIN?! parang pangngalan ko lang iyon eh!

Tinitigan ko lang si Jin ng masama habang kami ay naglalakad.

_______

Oh, kanino kayo boto? Kay Jim? o kay Jin? hehe. Vote please! :)

Seatmates (Tagalog love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon