Chapter 6: Betrayal

127 1 0
                                    

Hellu guys!!! Well, nasa school parin ako. Malas nga dahil walang wifi kaya draft lang ito.. Wag kayong mag-expect na mahaba ang chapter na ito kasi nga nasa school ako.. So,  hope you like this! :)

---------------------------------

                       ~Aliya's~

Kasalukuyang hinahanap ko ang barkada.. Ang malas naman kasi! Nang-iiwan ba naman? Uggh.

Teka si.. Julia ba yun? "J-julia? Ikaw ba iyan?" Tanong ko. Nako naman! Sana hindi kasi yung lalaki ay si Lanz at yung babae ay si.. ewan. Nag-hahalikan nga eh.

Bigla silang napatigil at tumingin sakin. Biglang nag-init ang dugo ko. Agad-agad akong tumakbo sa kanila at inumbagan si Lanz.

"Putangina mo, kabago-bago mo sa barkada tapos gaganyanin mo si Julia?! Ano?! Sumagot kang tarantado ka!" Grabe. Di ko na napigilan ang sarili ko.. Napansin ko na dumarami na ang mga tao sa paligid namin. At agad kong nakita ang barkada na sumasalubong sa amin.

Sinalubungan ko ulit ng suntok si Lanz sa mukha.

"Aliya, tumigil ka na!" Sigaw sakin ni CJ. Alam kong concern siya pero.. Not now. I have to deal with this moment.

Uupakan ko pa naman sana si Lanz ng biglang sumigaw si Julia, "Aliya, di porket ate ang turing ko sayo ay ikaw na ang nagde-desisyon ng buhay ko! Kaya please lang, umalis ka na." Ha? ano raw?

"Tinataboy mo ba ak--" Pinutol ako ni Julia ng mga salitang ito, "Oo! pinapalayas kita sa harapan k-" This time, siya naman yung pinutol ko.

"Bwisit kayo!" Sabat ko sabay takbo ng mabilis.. Di ko na pinapansin kung sino man ang binabangga ko.. Basta ang alam ko ay ang pagtataboy na ginawa ng kaisa-isahang kaibigan na parang nakaba-batang kapatid ko.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napa-upo ako sa ground.. At unti-unti akong dinalaw ng antok..

  

                          ~Jade's~ 

    Nakita ko ang lahat ng pangyayari. Kung papaano tinaboy ni Julia si Aliya. Masakit sa part ko yun kasi Best Friend ko si Aliya..

Tinitigan ko lang si Julia sabay kumaripas ng takbo para Hanapin si Aliya..

Takbo ako ng takbo ngunit di ko parin siya nakikita. Hanggang sa matalisod ako dahil sa bwisit na ballpen na ito. Pero teka, ballpen niya ito ah!

Sinunod ko ang utak ko na dumeretso ng paglalakad hanggang sa makarating sa lumang dormitoryo..

____________

Ansabe sa chapter na ito? Hahaha, comment lang kayo kung nagagalit kayo kay Julia :3

-li_forever26

Seatmates (Tagalog love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon