Chapter 4

19 2 0
                                    

Samantha's pov.

"Okay okay papunta na ako" binaba ko na ang phone ko at nagbadali na akong pumasok sa kotse ko.

Medyo malayo ang hotel sa bahay kaya matatagalan talaga ako.

Nasa hotel na ako. Pinuntahan ko si Sandra.

"Sandra. Welcome back to the Philippines" masayang bati ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"It's nice to see you again, ate. I miss you so much" I miss this girl too.

Bumitaw na kaming dalawa. "By the way. Where is she?" tanong ko sa kanya.

"Nagcheck in siya kanina. Wait tignan ko lang kung anong room number siya" bumalik na siya sa pwesto niya at hinanap ang room number ni Patricia.

"Nasa room 204 ate. Gusto ka rin daw niyang kausapin" -Sandra.

"Sige" umalis na ako at ginamit ang elevator.

Nasa third floor na ako. Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Patricia.

Kumatok ako sa room niya.

After ng ilang segundo. Binuksan na ang pintuan ng kwarto.

"Samantha?" natulala siya ng makita niya ako.

"P-patricia?" niyakap niya ako. Close friend ko si Patricia.

"Halika dito. Pasok ka" sabi niya at pumasok naman ako.

Pagpasok ko..

"Alam na ba ni kuya Seb na nandito ka?" tanong ko sa kanya.

"No. Di ko pwedeng sabihin sa kanya"

"Why?"

"Dahil kay Susana. Selosa si Susana. Sa tuwing nagpapadala ako ng sulat para kay Seb, si Susana ang tumatanggap. Muntik pa kaming mapahamak ng mga anak ko nang dahil sa kanya. Ayaw ko ng mangyari ulit yun" naka upo kami sa sofa ng sabihin niya yun.

"Saan yung mga anak mo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa kama sila. Nakatulog dahil sa byahe" napangiti naman siya.

"Pwede ko ba silang makita?" tanong ko sa kanya at tumango nan siya.

Naglakad na kami papunta sa bedroom. Nakita ko ang dalawang bata na nakatulog. Isang babae at isang lalaki. Kambal sila.

"Ang cute naman nila" napangiti ako.

Kasing edad lang siguro ni Celestina tong mga to.

Napangiti naman si Patricia.

"Anong pangalan nila?" tanong ko.

"Siya si Cleign Marie Tricia. At eto naman si Clyde Sebastian. Kambal na anak namin ni Seb" ang hahaba ng mga pangalan nila.

Napangiti kaming dalawa.

"Saan naman yung anak mo? Anak niyo ni Matt?" tanong naman niya.

"Nasa school na yun. Hinatid kanina ni Sundae" sagot ko.

"Nga pala. Pwede mo ba akong tulungan?" napakunot ang noo ko.

"Para saan?" tanong ko.

"Gusto kong makita si Seb. Gusto ko na magsama kaming apat kahit saglit lang" sagot niya. Napangiti ako at may naisip na akong paraan para magsama sila.

"Sige. Bukas na bukas, sasama ka sa akin para pumunta sa bahay ni Matt. Papapuntahin ko na rin si Kuya Seb dun. Ipapakilala ko na kasi si Tin sa tatay niya" napakunot naman ang noo niya.

Come Back To Me, Mr. CEOWhere stories live. Discover now