Prologue

71 1 0
                                    


Minsan ba ay naisip mo na umidlip na lang lagi? Binabato ang sarili ng mga tanong na hindi mo masagot, o kung may sagot man eh hindi mo trip kaya kunwari nalang na hindi mo alam ang sagot? Na tila ba pasan mo ang lahat ng problema ng mundo sa balikat mo?

Ako?

Oo.

Pero 'di naman lagi.

Paminsan-minsan lang.

Sa mga panahong ganun, sumasakit ang panga ko dahil sa kakangiti ko. Subukan mo kayang ngumiti ng isang buong araw, tingnan natin kung di mangalay ang panga mo.

Ba't ako ngumingiti? 'Di ba dapat nakasimangot pa nga ako?

Ganito kasi yan.

Advance ako mag-isip.

Kapag nakasimangot ka, tatanungin at tatanungin ka kung bakit, ano, sino ba ang kaaway mo. 'Yung ganun. Kapag sinabi mong "Wala. Okay lang ako.", 'di sila maniniwala. 'Di ka parin nila tatantanan. Aba'y kapag 'di ka sumagot, mas lalo kang 'di titigilan. Mauubos na lang ang buhok mo sa kakakamot mo sa ulo, di ka parin nila tatantanan.

Samantalang kapag ngumiti ka naman, kapag tinanong ka man kung bakit ka nakangiti, kahit na sabihin mo "Wala lang", hahayaan ka na nila. Oh eh kahit hindi mo na sila sagutin! Bihira lang na kukulitin ka pa. At kapag kinulit kang talaga, batuhan mo ng "Wala lang nga. Bakit? Masama bang ngumiti?". Tiyak matatameme ang nangungulit sa'yo at di ka na nun guguluhin pa.

O diba? Talino ko no? 'Matic na yan. Napasa ko kaya ang board exam ko ng isang take lang. 'Di naman sa nagmamayabang ha. Just statin' the facts.

"O kuya? Ang aga mo naman? May trabaho ka ba ngaun? Diba day-off mo?" pabunyag sa akin ng aking inay na talagang mahal na mahal ko kahit na minsan ay sobra na sa pagka-istrikta.

Siya ay akin munang minano at niyakap bago ako sumagot ng "Wala naman Nay. Day-off ko po, pero lalabas ako ngayon. Alam mo na, mag-reresearch para sa trabaho ko."

Napakunot ang noo ni Nay sa pagyakap ko sa kanya. Intindi ko naman kasi bihira nga lang naman akong yumakap sa kanya. Ako kasi yung anak na tipong 'aloof'. Pa cool kumbaga. Panganay kasi. Yung tipong minsan lang magpakita ng emosyon. I am cool that way.

"Anong meron at ang sweet-sweet mo ngayon? Me gagawin ka nanamang kalokohan no?" pasumbat sa akin ni inay na may kasama pang simangot.

The 'perfect combo' ang tanyag ko kapag ganyan siya. Kaya pa naman minsan ang sarap asarin ni nanay. Cute kaya kapag nag 'perfect combo' siya. Mas matangkad kasi ako sa kanya. Para bang isang chihuahua na kumakahol sa isang german sheperd. 'Diba ang cute nun?

"Si Nanay naman. 'Di ba pwedeng nasa good mood lang ang anak niyo?" ang balik ko sa kanya na may sabay na ngiti.

Naka 'perfect combo' parin si inay pero maya maya ay unti-unting naring nawala ang pagkunot ng noo niya. Mga ilang segundo ay ngumiti na rin siya sabay sabi "Osha osha. Kumain ka muna ha bago ka umalis."

Ah.

Mahal talaga ako ng nanay ko. At syempre mahal ko rin ang nanay ko. Kahit pa na minsan ay masiyado na siyang strikta to the point na masasabi mo nalang sa sarili mo na ang hirap na niyang mahalin. Pero kahit ganun, kahit kailan ay hindi ko siya ipagpapalit. Kahit kailan ay hindi ko ikakahiya na isa akong mama's boy. Itaga mo yan sa bato! O iPad! O Tablet mo!

Umupo na rin ako sa aming dining table at tiningnan kung ano nasa menu ngayong umaga. Pero, atin-atin lang ha, sa totoo lang, wala akong ganang kumain ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Me mga panahon lang talaga na ganun. 'Yung tipong wala kang ganang kumain pero wala ka namang dahilan kung bakit. Panigurado ko na ikaw rin, nakakaranas ka ng ganyan. 'Wag kang sinungaling. Pakainin kita ng sili ngayon eh.

I matterWhere stories live. Discover now