Chapter 1

37 1 0
                                    

Ethan, Meet Hope

"PUTANG INA! PAGOD NA AK-" ako ay napatigil sa aking pagsigaw nang naramdaman kong may tumulak sa 'kin. Hindi lang basta tulak na 'yung pakyut lang ha. 'Yung pakilig-kilig na parang when shoulders touch, ako ay kilig much na may sabay pa na ayyEeeEeee.

No.

Hindi ganun.

Pag sinabi kong tulak, 'yung tulak talaga na matutumba ka. 'Yung para bagang sa bowling na kapag nakatama ang bola ng pin. Kahit na siguro na hindi ikaw ang pin, alam mo ang pakiramdam 'nun. 'Yung ganung tulak. 'Yung mapapasabi ka ng "Anak ng pu- aray!". Yung ganun.

Syempre natumba ako, at ngayon ay nakahiga na sa lupa na kung saan ako ay nakatayo lang kanina. Buti nalang hindi mabato dito dahil kapag mabato nga dito, ano nalang kaya mangyayari sa 'kin no? Isipin mo kaya yun. Masakit na nga matumba eh (kapag 'di mo iniexpect mangyari... lalo na sa pag-ibig ayeeEEeeEe), kahit pa sa kama na malambot, sa mabato pa kaya na lupa?

Pero,

"HOY! ANONG GINAGAWA MO?!" ako ay napasigaw ulit. Eh kung ikaw ba naman na biglang may tumulak sayo ng malakas to the point na matutumba ka, hindi ka kaya mapapasigaw? Kahit siguro pipi ay mapapasigaw. Siguro hindi mo maiintindihan sinisigaw niya pero alam mong sumisigaw siya.

"BAKIT BA BIGLANG KA..." idadagdag ko pa sana. "...nalang... nanunulak..?" pero ako ay napahinto ng makita at maproseso ko na kung sino ang tumulak sa akin.

...

Universe, is this your idea of a joke? Because if it is, I don't find it funny. I applaud you for trying though, pero please, don't do it again. Kasi talagang hindi siya nakakatawa. Not even a tiny bit. Jokes are meant to be funny right?

To give you context, ganito kasi 'yan. Diba kanina lang ay pinaguusapan natin kung paano ko nakilala ang huli kong ex na si Angel? Kung ano ang nangyari nung una ko siyang nilapitan? Yung kung pano niya nalang ako biglang niyakap?

Picture that. Except ngayon, nakahiga kami. And it's with another stranger.

Oh diba mas intense?!

Kidding aside though, except for the fact na nakahiga nga kami, it was like a recreation of what happened years ago. Yes, complete with tears and yung pagtago ng mukha niya sa dibdib ko na may sabay na Kuya wag mong gagawin yan. Wag mong ituloy please. May nagmamahal parin sa'yo (oo, alam kong hindi 'yan ang sinabi ni Angel pero you get what I'm saying naman diba?).

Nga lang, hindi siya si Angel. Hindi siya ang ex ko. Hindi ko alam kung mabuting bagay 'yun o hindi. I mean, I won't mind if it really was her kasi, sa katunayan lang, namimiss ko na rin siya. Hindi to the point na gusto kong makipagbalikan ha, pero kasi we were friends before we became us, we were friends when we became us, and yung friendship na yun, hindi naman basta basta nalang makakalimutan kahit pa na wala na kami. I, for one, still consider her as my friend. Hindi ko alam kung ganun rin siya, pero does that really matter?

We still communicate with each other naman sometimes. Friendly conversations lang. 'Yung Ui, kamusta kana; Saan ka na nagtratrabaho ngayon? Kamusta na nga pala si- Yung ganung usapan. Balita ko nga napromote na siya. Ang talino talaga niya kasi.

She's working somewhere abroad now. I don't know exactly where pero hindi dito sa Asia. Masaya naman na siya sa buhay niya kung nasan man siya ngayon. I wouldn't want to ruin that for her by forcing my way back into her life. So unless that opportunity comes, I'm fine with this naman. Just us communicating kahit paminsan-minsan lang. Kahit na casual converations lang.

So siguro mas okay na hindi si Angel ang nakayakap sa'kin ngayon.

Which brings me back to the present. Sa kung may isa nanamang estranghero ang nakayap sa akin.

I matterWhere stories live. Discover now