Chapter 2

31 1 0
                                    


Hope, Meet Ethan

Minsan, ang mundo, gumagawa ng mga bagay para ipaalala sa'atin na dapat you should always have your feet on the ground, or kung isi-simplify natin, be humble. Tulad nalang sa nangyari sa akin kanina. Nung akala ko na ako na ang hari ng lugar na 'yun kasi akala ako lang ang nakakaalam at makakaalam doon (maliban nalang sa mga taong dadalhin ko dun), the world made me meet Hope, na siyang nagpaalala sa akin na posibleng may ibang tao pa na nakakaalam din doon, at tulad ko ay madalas ding pumumpunta doon. It made me humble in a sense na naalala ko na, unless I actually own it and I actually have the rights to own it, hindi ko dapat ituring ang isa bagay na aking pagmamay-ari. Tulad nalang ng Ethan's Sacred Spot (copyright to follow).

Yeah, tatawagin ko parin siyang Ethan's Sacred Spot for reference purposes (and maybe convenience na din) kasi hindi ko naman alam kung ano pa ang itatawag sa lugar na 'yon. Ang hirap naman kapag tinawag ko na 'ang lugar na kung saan ako pumupunta kung gusto kong sumigaw sa mundo' palagi yun kapag yun nga ang tinutukoy ko. Para naman din mapadali sa part ko no para tukuyin yun. Promise, hindi ko siya tinatawag na Ethan's Sacred Spot kasi ina-assume ko na akin siya. Hindi na nga ako mag-aasume. Mahirap na kaya mag-assume no.

Kaya ikaw, kapag pakiramdam mo kayo na pero hindi pa pala klaro kasi wala namang official na 'oo', wag kang mag-assume na kayo na. Klaruhin mo muna, para naman kapag kayo nga, edi ok diba? Klaro na na kayo nga? Pero kapag hindi, edi makaka-move on ka na ng maayos. Klaro parin kasi atleast alam mo na nga na walang kayo.

At para naman sa mga nakahanap na ng 'the one' nila, wag kayong mag-aasume na kayo na nga hangga't di pa kayo ikinakasal, kahit pa engaged na kayo. Kahit pa ilang taon nang kayo na. Always keep in mind that time, space, and distance are irrelevant when it comes to love. A couple who were wedded only after a year of them getting to know each other is no way worse than a couple who were only wedded after being together for eleven years.

Remember, wag mag-assume. Klaruhin mo lagi if you have the chance. Maniwala ka sa 'kin. I speak from experience. 'Tis is a sound piece of advice. Promise. Itaga mo yan sa bato! O iPad! O Tablet mo!

Isa rin sa dahilan kung bakit ko naisip na ang mundo ay ipapaala sa'yo na dapat maging humble palagi ay ang kwento na ibinahagi sakin ni Hope habang kami ay papunta ng SM, ako, nagmamaneho, at siya, nakaupo sa passenger seat ng kotse. Ang ibinahaging kwento ni Hope sa'kin ay ang kwento kung pano niya natagpuan ang Ethan's Sacred Spot (oo na, medyo awkward nga tawagin na ganyan pero please bear with me muna... makakahanap din ako ng mas magandang tawag sa lugar na yon).

Si Hope ay isang Art Student dati. Yung tipo ba na nag-aaral ng arts. Literal na arts ha, tulad ng pag-pinta, pag-drawing, photography, pag-kulay, yung ganun. Arts. Basta arts. Di ko lang alam kung college course or vocational course ang kinuha niya, pero di naman siguro importante yun. Di niya rin kasi sinabi, kaya hindi ko nalang iisipin. Basta Art Student siya dati.

Isang araw, inatasan sila na magpinta ng isang view ng siyudad. Kaya naghanap si Hope ng lugar kung san niya makukuha yung 'view' ng siyudad na hinahanap niya. Yung masasabi niyang talaga na 'eto ang view na gusto kong ipinta'. Maraming siyang napuntahan bago niya matagpuan ang Ethan's Sacre- know what? Tatawagin ko nalang nalang na 'sacred spot' yun kasi parang ang narcissistic namang pakinggan kapag inuulit-ulit kong tawagin siya na Ethan's sacred spot. Pati ako naiinis na. Kaya 'sacred spot' na lang.

So balik tayo sa kwento.

San na nga ba tayo?

Ah tama.

So ayun, sa wakas ay natagpuan na nga ni Hope ang sacred spot, at dun nasabi niya sa sarili niya na 'eto. Eto na nga ang hinahanap ko'. Kaya ayun, dun ay ipininta niya ang view ng siyudad na makikita mo doon. Siyempre nagustuhan niya ang ipininta niya at ngayon ay nakapaskil parin sa kwarto niya. She treats it her magnum opus, which made me want to see it (the painting that is), pero hindi naman kami ka-ano ano ni Hope eh, so the odds of me seeing that painting is pretty non-existent. Who knows, baka after netong spontaneous outing namin, hindi na kami magkikita ulit, so that painting of hers might be forever be outside the reaches of my sight. I cri.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I matterWhere stories live. Discover now