Sorry kung Out of character dito si Rukawa :)******
Hindi mo alam ay pinanonood kayo ni Mitsui. Napangiti siya.
"Sawakas, may katulong na ako sa pag-aalaga sa kapatid ko."
At umalis na sya.
Humiwalay ka mula sa yakap ni Rukawa. Ngumiti ka sa kanya.
"Alam mo Rukawa, hindi mo namang kailangang magbago eh. Kasi dapat kung mamahalin ka ng isang tao, dapat ay tanggap nya kung ano ka talaga."
"Pero, gusto kong mahalin mo din ako kaya gusto kong magbago."
"Pero hindi ba mas maganda na maging ikaw kasi malay mo, maiba ang pananaw ko at standards ko sa isang lalaki, at mahalin ang isang tulad mo hindi ba?"
Napangiti sya sa sinabi mo.
"Ang cute mo pag naka-ngiti!"
Namula sya. Natawa ka naman sa naging reaksyon nya.
"Tara na, ihahatid na kita pauwi."
Tumango ka at nagsimula na kayong maglakad.
Nang makapasok naman kayo sa bahay nyo ay nakita mo ang kuya mong naglalaro.
"May pupuntahan pala ha??"
"Oh [y/n], nandito ka na pala." Napatingin sya kay Rukawa napa-Smirk sya.
"Ma!! Pa!! Si [y/n] DALAGA na!!!" Sigaw ni Mitsui
Agad namang nagpunta ang Mama at Papa mo sa sala.
"Anong dalaga na si---"
Napatigil ang papa mo dahil nakita nya si Rukawa.
"Sya ba ang sinasabi mong nanliligaw kay [y/n], Hisashi?" tanong ng Mama mo.
"Ah, opo mama, mukhang naunahan na ako ni kuya sa pagsasabi sainyo." Sabi mo sa kanila. "Mama, Papa, si Rukawa ng pala."
"Magandang umaga po, Mr. and Mrs. Mitsui." pormal na sabi ni Rukawa.
"Ikaw naman hijo, Tito at tita nalang ang itawag mo saamin!" sabi ng papa mo.
"Oo nga, tutal ikaw naman ang Future Boyriend nitong anak ko." sangayon ng mama mo.
"Ma!!"
"Pasensya ka na [y/n], na-excite lang ako! haha."
"Dito ka na mag-tanghalian Rukawa, para makilala ka pa namin." Sabi ng papa mo.
"Hindi mo matatanggihan sina mama, dito ka na kumain." Sabi ng Kuya mo.
"Oo nga Ruru, maupo ka muna, magpapalit lang ako ng damit."
Umakyat ka sa kwarto mo at nagpalit ng damit. Hindi maalis ang ngiti mo sa labi. Naisip mo na kahit na biglaan ang pagpapakilala mo kay Rukawa ay agad naman itong nagustuhan ng mga magulang mo.
Bumaba ka na, nakita mo na mukhang busy ang Kuya mo at si Rukawa sa paglalaro kaya napagdesisyunan mong pumunta sa kusina nyo.
"Ma tulong na po ako!"
"Tamang tama, anak, pwede bang Pakihiwa ng mga ito? Magsasaing muna ako."
"Sige po ma!"
"Infairness anak, gwapo si Rukawa at mukhang magalang!" Bumulong ang mama mo sa mga sumunod nyang sinabi. "Hindi nga lang nangiti!"
Natawa ka naman sa sinabi ng mama mo.
"Mukha syang suplado!" sabi ng papa mo habang inaayos ang mga plato sa lamesa.

BINABASA MO ANG
When Kaede Rukawa Fall Inlove
FanficDid you imagined Kaede Rukawa would fell for a girl? With his type of personality, malabo. Gwapo. Suplado. Walang pakialam sa mundo. Yan si Kaede Rukawa. But will he be able to find a girl who would tame him and change his attributes? Ano nga kaya...