Chapter 3

34 2 2
                                    

Kate's POV 

Monday na ngayon, ibig sabihin tapos na yung maliligayang araw sa galaan dahil pasukan nanaman. Pag pasukan na syempre buhay estudyante at pigaan na ng utak. 

"Hi ate Kate" hmm parang pamilyar yung boses na yun. 

"Brix!" Sabi ko sabay tingin sa likod. Nung nakita kong si kapatid ko yun tumakbo ako papunta sakanya. 

"Kailan ka pa dumating?" Sabi ko sabay halungkat sa maleta nya. 

"Yung pasalubong ko nabili mo ba?" 

"Oo, nabili ko" sabi nya sabay kuha sa bag nya ng pasalubong ko. 

"Nasaan nga pala sila mommy at daddy?"pagtatanong nya. 

"May business trip sa Australia." Sabi ko sabay kain ng chocolate na pasalubong nya. 

"Sabay tayo pasok sa school. Namiss kita eh" sabi nya sabay yakap sa likod. 

"Ako ba talaga? O si Sarah?" Sabi ko sabay kain ulit ng chocolate. Lumabas sya ng kwarto ko tapos inirapan ako. 

"Hoy Brix wag mo kong iniirapan ah! atsaka wag kayo maglandian sa school! Pag-aaral ang itinuturo 'don hindi ang kung paano mag katuluyan ang torpe at tanga!!" sigaw ko ng malapit na syang pumasok sa kwarto nya. Tinignan nya ako ng masama pero hindi ako pasindak. 

*evil grin* 

Ayaw kasi nyang sinsabuhan syang torpe pero hindi naman nya ako masisisi kung tinatawag ko sya ng ganun dahil nasa reyalidad tayo, hindi pwedeng tawagin ang torpe ng playboy dahil nga nasa reyalidad tayo. 

Tapos ang kinaiinis ko pa, itong bestfriend kong si Sarah alam nyang mahal sya ng kapatid ko pakipot pa, hindi naman yummy. Ayaw ko talaga ng ganun pakipot effect, jusme pag nandyan na sabihin na ang nararamdaman habang maaga baka gabihin ka at may ginagawa na yung mga kababalaghan xD. 

Nagbihis na ako ng uniform at bumaba para mag almusal. 

-kotse 

"Alam mo Brix kung hindi ka pa rin magtatapat ky Sarah baka makahanap yun ng iba. Hindi nama imposible yun kasi maganda, sexy, mayaman at TANGA ang bestfriend kong iyon" sabi ko kay Brix ng makita kong tinititigan nya yung picture ni Sarah s cellhphone nya. 

"Ewan ko sayo. Bakit ka kasi nangengealam sa buhay ko? May buhay ka naman bakit di mo pakialaman?" Sabi nya sabay tingin ng masama saakin. 

"Oo na ako na ang dakilang bitter sa pag ibig. Gusto ko kasing magkaroon ng happy ending kayong dalawa" sabi ko sabay pisil sa pisngi nya. 

"Bakit ka kasi hindi humanap?"sabi nya. 

"May nakapagsabi kasi saakin na sobra akong natamaan, nung mga panahong naghahanap ako ng pag ibig sabi nya saakin 'bakit mo hahanapin ang pag-ibig? Bakit hindi mo hayaang ang pag-ibig ang humanap sayo'... sa mga salitang yon tumatak na sa isip ko ang mga salitang yon at ang taong nag sabi 'non saakin."sabi ko habang inaalala ang mga panahong yon. 

"Andrama mo ate. Nakaka MMK" sabi nya. 

Ngumiti na lang ako sakanya. 

-2 minutes after 

"Ma'am, Sir. Nadito na po tayo" sabi ni mang Robert driver namin. 

Tumango na lang kami at nagpaalam bago bumababa sa kotse. 

Andrew Bartholome International School. Ang pangalawa sa sikat na paaralan na ipinatayo ni daddy. Regalo nga nya ito kay mommy nung 10th anniversary nila kaya pinangalan Andrew kasi pinagsama yung pangalan ni mommy na Andrea at pangalan ni daddy na William at Bartholome kasi sa ayun pangalan nung school nila nung high school, kung saan sila naging girlfriend/boyfriend. Answeet ni daddy noh, sa sobrang sweet naging corny. 

Kung tutuusin parang kami na ni Brix ang nagmamay ari nito dahil masyadong busy si daddy sa airlines at iba pang school. Pwede namin sesantihin ang mga teacher na nagbigay ng mababang grade saamin pero sinusubaybayan pa rin kami ni daddy kaya ang dating parang ordinary student rin kami dito. Sumasali kami sa iba't-ibang activities sa school katulad sa mga sports contest at iba pa para makakuha ng dagdag points. 

Itong Andrew Bartholome International School ay may 5th floor,may rooftop sa bawat buildings ,may elevator at escalator, meron rin namang hagdan kaso sa emergency lang ginagamit yun pero kung hindi ka napapagod pwede ka namang umakyat sa fifth floor gamit ang hagdan basta sinasabi ko sayo hagard ka na hindi ka parin nakakarating. 

Sa pupuntahan mo. 

May malawak na soccer field, basketball court,volleyball gym,swimming pool at garden. Air condition ang 5 classroom bawat floor at magkakahiwalay ang elementary, high school at college building. 

Pag nakasakay ka sa helicopter makikita mong octagon yung shape ng school tapos sa gitna may malaking fountain. 

"Abisians, you may go yo your classrooms" sabi ni tita Marie ang pansamantalang dean ng school. (Abisians ang tawag sa mga estudyante na nag-aaral dito) 

Umakyat ako gamit ang escalator at pumasok na sa room at nakipag tsismisan na sa aking bestfriend na si Sarah. 

"Best sali tayo sa volleyball. Mag try out tayo mamamaya."sabi ni Sarah saakin. 

"Sige, masyado na rin akong nagigipit sa mga points eh" sabi ko sakanya. 

Dumating na yung prof. namin kaya umayos na kami ng upo. 

-fast forward 

Uwian na kaya pupunta na kami sa gym para mag try out sa volleyball. 

"Best,may transferree daw na lumipat dito" sabi ni Sarah habang naglalakad kami papunta sa gym. 

"Saan galing?" pagtatanong ko. 

"Teka..... isipin ko lang....." 

-2 minutes 

"Huy taga saan?" Pagtatanong ko ulit sakanya. Antagal nya na kayang nagiisip. 

"Ewan ko" sabi nya ng malumanay. 

Pwede na bang pumatay?! Alam nyo ba yung feeling na dalawang minuto kang naghintay para sa sagot nya tapos malaking EWAN ang isasagot nya!! Ansaklap sobrang SAKLAP! 

*BOOGSH* 

"Aray ansakit ng pwet ko."sabi ko ng matumba ako dahil may bumangga saamin. 

"Hoy wala ka bang mata at hindi mo kami nakita!!"sabi ni Sarah sabay hawak sa kamay ko para makatayo ako. 

"Gusto mo ba ng away!! Sino ka ba para banggain kami ng ganun?! Kabwi-" natapos sa pagsasalita si Sarah ng makita nya kung sino yung bumangga saamin. 

"Oo gusto ko ng away. Bakit lalaban ka? Hindi mo ba ako kilala? Im Marriel Lazaro ,dear" sabi nya sabay lapit sa mukha nya kay Sarah. 

"Hoy ang angas mo ah!" Sigaw ko sabay lapit sa kanya kaso pinigilan ako ng isa pang babaeng kasama nya. 

"Wag mo nga akong hawakan muka kang drug dealer. Ampangit mo" sigaw ko sa babaeng humawak sa mga braso ko. 

"mukhang di mo ko kilala... Catherine Santiago" sabi nya sabay ngisi. 

"bakit tinannong ko ba yung pangalan mo? Ngitler!" sigaw ko sa kanya. (ngitler- Pangit) 

Inirapan nya lang ako at nag evil grin. 

Malakas sya kaya hindi ko kayang ikalas yung pagkakahawak nya sa braso ko. 

Tumingin sa akin ng masama yung babaeng humahawak kay Sarah sabay ngisi ng nakakaloko. 

"Alamin mo muna yung hahamunin mo ng away dear, baka mamaya hindi ka na makauwi ng bahay mo sa sobrang pagkabugbog. Know your limitations kung ayaw nyong mamatay ng maaga."  

*pakk* *pakk* 

Sampal nya saamin ni Sarah pagkatapos nyang sabihin yung pagbabanta nya. 

Iniwan nya kaming namumula yung pisngi sabay tulak para matumba sa sahig. 

Tinignan ko si Sarah at nakatulala pa rin sya habang tumutulo yung mga luha na galing sa mata nya. 

Niyakap ko sya at itinanong sa aking sarili....  

'sino ba ang mga babaeng yon? At bakit anlaki ng takot sa mga ni Sarah nang makita nya yung mga babaeng yun?'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love EffortsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon