Chapter 33: Dylan

2.1K 77 5
                                        

Dylan Ezekiel's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dylan Ezekiel's Point Of View

"Kuya Zeki, dali na kasiii. Sino ba yung leading lady mo ha? Dapat kasi ako na lang eh! Sayang kakarating ko lang dito kaya di ko na inabutan yung shooting niyo."

Sa wakas, natapos na rin namin ni Katsumi yung music video. Pagbalik nga namin, panay na yung compliment ni Direk sa kanya. Siguro nakatulong na rin ako kahit papaaano para maging magaan yung pakiramadam niya.

Talented naman kasi talaga si Katsumi eh, ewan ko lang dahil hindi niya raw type mag artista or mag model. Pero alam ko naman na kukunin na siya ng agency dahil syempre, napakaganda niya.

Yun nga lang, pagkatapos ng shooting, bigla na lang siyang nahimatay. Dinala ko naman siya sa suite room ko at pinainom ko na rin siya ng gamot. Buti naman at nakatulog na siya. Kailangan niya ding magpahinga.

Pagkatapos nun, pumunta muna ako dito sa gilid ng dagat. Nakaupo lang sa buhangin habang pinagmamasdan lang yung lumulubog na araw. Ang ganda ng sunset. Nagkukulay orange na yung paligid na may halong pula at violet. Gusto ko sana na si Katsumi yung kasama ko rito... kaso hindi... Isang makulit at madaldal na grade 8 student.

"Kuya Zeki, grabe naman. Katulad ka na ba ni kuya ha? Nahawaan ka ba niya? Di ka na rin sumasagot. Magbestfriend nga kayo. Pogi na sana eh, pipi naman. Hmp!"

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Ginulo ko na lang yung buhok niya tapos nag pout siya. Ang cute talaga ng batang 'to.

"Kuya Zeki, selfie tayo ah dalii!!" At ayun, nagpicture lang kami.

"Yehey! Thank you kuya! Pasalamat talaga ako dahil bestfriend ng kuya ko, isang gwapo at sikat na singer. Siguro maglalaway na naman sila Margarette at Chloe pag nakita 'to. Hahaha bleh! Alam mo kasi kuya, crush ka rin nun eh tapos...."

Nagsmile lang ako habang nakikinig sa mga kwento niya. Matagal na rin siguro nung last ko siyang nakausap. Parang kapatid na rin turing ko sa kanya eh. Special ang tingin ko kay Kylie. Masayang kasama at nakakagood vibes lagi.

Pero bawat araw na nakikita ko siya, di parin maialis sa isipan ko na yung kapatid niya na bestfriend ko ay mahal ng taong mahal niya at ako naman, nagpapaka gentleman na mag give up kaya heto, one sided love.

"Kaya ayun, nag away away na sila. Hahaha. Bahala na nga sila. Basta ako, favorite idol kita kuya Zeki tapos... ay wait lang favorite kuya kita pag kasama kita. Sssh huwag kang magsusumbong kay kuya ah? Hahaha favorite ko kasi yun kapag kami lang hahaha"

"Kylie bakit ka pumunta dito? Kasama mo ba si Zed?" Kasi malay niyo, hinahanap niya si Katsumi.

"Ah. May workshop kasi yung Drama Club namin. Kaya napadaan na rin ako. Tsaka kinumusta ko na rin si Direk Chua. Alam mo na, nagpapalakas ako sa kanya. Tsaka diba, private naman dito sa resort kaya nga ako lang nakapasok eh. Di ko na isinama yung mga kamembers ko... Si kuya? Nagrereview yun for sure. Bukas na kasi preliminary round nila sa Brain Quest. You know, battle of the wise. Hahaha"

Complicated Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon