KABANATA II – The Special Message
LUKE’s POV
Then I clicked the box that contains the special message.
Congratulations Zombie Reaper!
Congratulations for surviving in World War III: Zombie Wars! We hope that you enjoyed playing the game. And because you won the game for two weeks straight, you are now at the HIGHEST RANK and the new Undefeated Champion of Zombie Wars! CONGRATULATIONS!
“Woah.” That’s all I can say after I – I mean WE read the message. Lahat kami napa nganga sa nabasa. Aba, kung tutuusin tama nga sina Sean. Ma swerte ang mga may ganitong pop up message. Akalain niyo yun? Highest rank and Undefeated champion. Hahaha.
“That’s it?” tanong ni Stephen na mas kilala bilang si Monsterlock sa Zombie Wars. Tumango lang ako sa tanong niya. “Oh.” Pahabol pa niya. Si Stepehen, siya lang naman ang isip bata dito. Makulit na, palabiro pa.
“Wait – hoy Monster, anong yun lang? Hindi mo ba nabasa? Highest rank na nga undefeated champion pa! Aba kung batukan kaya kita?!” napatingin naman ako sa nagsalita. Oh, si Paige pala na mas kilala sa Zombie Wars bilang si RamPaige. Oh and by the way, have I mentioned na siya lang ang babaeng adik sa larong ‘to? And yes, siya yung babaeng nasugatan sa game kanina. Hahahaha. May pagka maangas at siga yung babaeng to. Sila ni Stephen ang madalas na magkana kasi pareho silang pang asar at pikon at the same time. Ayos nga eh, walang drama sa buhay, I guess?
“Hey stop it. Para yun lang.” sabi naman ni Blake habang naka fold ang arms over his chest. He’s known in Zombie Wars as Head Buster, by the way. Siya ang pinaka tahimik at seryoso sa’min dito. May pagka weird pero – it’ll do. Masaya naman siyang kalaro.
Napansin ko naman na napatitig nanaman silang lima sa monitor ng computer kasabay ng pag tap ni Sean sa balikat ko.
“Dude! Dude, may isa pang pop up message.” Agad naman akong napatitig sa screen ng computer – at tama nga si Sean, meron pang isang pop up.
“Buksan mo na dude!” at sino pa nga ba? Hahahahaha. Lokong Stephen ‘to ah. Daig pa talaga ako.
“Eto na.” sabi ko sabay click sa isang pang box na may isa pang message na nilalaman.
Congratulations!
High rank and a Championship title not enough? Well, there’s more!
You won the exclusive Army Knife that you used form the game! It is a special army knife and it really is a must have! You are one lucky player, Zombie Reaper! For details, click the link below this message to find out on how to claim your prize at a nearest WW III: ZW Shoppe! Enjoy and God bless, Zombie Reaper!
“WHAT THE– For real Luke?!” hindi makapaniwalang tanong ni Sean sa’kin. “Ikaw na talaga!!” bulalas pa niya at talagang nanlalaki ang mata with matching nga nga.
