Kabanata I - The Game

311 13 1
                                    

KABANATA I The Game

LUKE’s POV

“Pare! Ceasefire! Balik sa base!” sigaw ko sa mga kasamahan ko. Hindi naming kayang patumbahin yung mga zombies na sumusugod. Kada patay ng isa, may kapalit naman na dalawa! MADAYA!

“Roger that.” Sabay sabay nilang sagot. Nag umpisa na naming tahakin ang daan pabalik sa camp. Kailangan naming ng maraming ammo dahil kulang na kulang na kami. Isa pa, hindi na talaga kami magtatagal. Nasugatan pa yung isa samin – shit! Babae pala yung nasugatan!

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa matanaw na namin yung base camp. Hindi pa man ganung kalapit sa camp pero ang dami ng nakaabang sa’min na zombies kaya nagpaputok lang kami ng nagpaputok kahit na mauubusan na kami ng bala.

“AAAAAAAAAAAAAH!” Napatingin agad ako sa pinang galingan ng sigaw, pati yung dalawa ko pang kasamahan napalingon at napahinto.  Nakita namin yung dalawa pa namin na kasamahan, yung babaeng nasugatan at yung umaalalay sakanyang kasamahan namin na lalaki.

“Paano na?!” Natatarantang sigaw ng mga kasamahan ko.

“Magpaputok lang kayo! Head shot! Head shot!” Sigaw ko pabalik. Agad na silang nagpaputok sa bandang likuran at ako naman sa harapan. Na corner na rin kami!

“Raaawr!” napatingin ako sa kaliwang side ko at my zombie na papalapit sakin. Agad ko itong binaril sa ulo at agad naman na namatay. Bago pa man ako bumaril ulit ay may sumugod sa’kin mula sa harap. Pilit akong kinakagat ng zombie sa leeg pero nakakaiwas ako at pilit na lumalaban. Pero sadyang mas malaki ‘tong zombie na’to kaysa sa’kin kaya nahihirapan ako.

*BANG!

Napatingala ako sa ulunan ko. May tumulong sa’kin na isa kong kasamahan. Tinanguan ko lang siya at agad na tumayo.

Reaper takbo na!” sigaw ng isa kong kasamahan. Tumakbo na ako kasabay niya. Napansin ko na wala na yung iba naming kasama at kaming dalawa nalang. Napatingin ako sa likod ko at ayun nga, pinagpe–pyestahan na sila ng mga zombies. Wala na kaming nagawa ng natitira ko pang kasamahan kundi ang tumakbo papunta sa base.

Nang makarating kami sa base, nagtulong kaming dalawa ng kasamahan ko sa pagbubukas ng gate. Pero kung minamalas ka nga naman! Masyadong secured yung pagkaka sara sa gate kaya nahirapan kaming buksan. Maya–maya lang ay may biglang humigit sa kasamahan ko habang busy kami sa pagbukas ng gate. Agad naman na nanlaban yung kasamahan ko. Hindi ako mapakali at itinutok nalang yung M16 sakanilang dalawa. Hindi naman ako agad agad na makapag paputok dahil baka yung kasamahan ko pa yung mabaril ko at hindi yung lintik na zombie na ‘to!

“Raaaaawr!” Nagulat ako sa nasigaw at agad na napalingon sa harap ko. Shit! May paparating na zombies! Inihanda ko nalang yung M16 ko, humahanap ng tiyempo sa pagpapaputok.  Pero nahihirapan akong mag decide kung saan muna ako magpapaputok at kung sinong uunahin ko. Yung kasamahan ko? O yung mga zombies na paparating? Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Zombie Wars: Against the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon