Kabanata III - The Call

196 13 4
                                    

KABANATA III The Call

LUKE’s POV

 

Honestly, why are my clothes out on the street?

 

Honestly, I think you’ve lost your mind.

 

Napatingin ako sa phone ni Lucian na nagri–ring. Aba’t ayos ang ringtone ni kapatid ah.

Dad calling…

 

I can’t believe I came home to find my car keyed

 

Honestly, I’m way too tired to fight

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot yung tawag. Wala naman sigurong masamang balita si Dad right?

Oh shut up Luke, napa–praning ka nanaman.

Ayos kinakausap ko na sarili ko. Tss. Praning na yata talaga ako.

Call accepted…

“Hey Dad. Napatawag po kayo?” tanong ko kay Dad bago uminom ng tubig.

[“Oh Luke. Buti naman at sinagot mo agad.”]

“Of course Dad, baka kung ano pa magawa niyo sa’kin kapag hindi ko agad nasagot.” Biro ko sakanya.

[LUCAS RUSSEL UMAYOS KA!!!] Geez Dad, kailangang sumigaw?

“Sabi ko nga po. Eto na oh.” Sabi ko sabay inom ulit ng tubig. Okay Luke, umayos ka. Tatay mo yan. “So, bakit nga po kayo napatawag? Is there a problem?” tanong ko kay Dad, this time, seryoso na talaga. Baka kasi mamaya seryoso din siya na galit siya. Tss.

[“Wala naman. Just checking. Kumain na ba kayo ni Lucian? Bago kasi ako umalis si Alora lang yung kasabay ko na kumain. Lucian told me na sasabay siya sa’yo.”] Oh how sweet Lucian. Sasabay ka pa talaga sa’kin kumain. Hindi mo nalang sinabi na kaya ka sasabay para may tiga luto ka ng pagkain at tiga urong. Tss.

“Not yet Dad. Kakauwi ko lang galing kila Sean.” Paliwanag ko. “Magluluto palang sana ako ng pagkain namin ni Lucian ng tumawag ka.” Narinig ko naman na nag sigh si Dad sa kabilang linya. “Is there something wrong dad?” I asked. Pakiramdam ko talaga may mali. Oh well, pakiramdam mo lang yan Luke.

[“Wala naman anak. Okay ganito nalang, wag ka ng magluto ng pagkain niyo ni Lucian. Ihatid mo nalang sila ni Alora sa mga Lola Amanda mo.”]

“Pero Dad anong kakainin namin ni Lucian? Mang iistorbo pa kami kay Lola Amanda.” sagot ko naman. Fuck, gutom na ako.

[“Kasama ng Lola Amanda mo sa bahay niya si Yaya Tin. Iwan mo nalang muna dun si Alora tsaka kayo kumain ni Lucian sa mall. Baka makasunog pa kayo sa mga Lola Amanda mo, naku Lucas.”] the best ka talaga Dad. THE BEST.

Zombie Wars: Against the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon