Kabanata V: The Fight

91 5 2
                                    

KABANATA V - The Fight

LUKE's POV

"Pare, saan tayo kakain?" Napatingin ako kay Dale na kasalukuyang nakatutok sa phone niya. Malamang sinusubukan ulit na i-text si Zoe.

"Bakit? Magrereport ka nanaman sa girlfriend mong daig pa nanay mo?" biro ko. Pero ang loko tinignan lang ako ng masama.

"Okay okay. Chill." sagot ko nalang at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Buti nalang hindi na gaanong traffic kaya mabilis kaming nakarating sa mall.

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming nagtungo nina Lucian at Dale sa Shakey's. Umorder lang kami ng pagkain at nagtungo na sa isang table na bakante.

Tahimik lang kaming tatlo sa table namin habang naghihintay ng pagkain. Magkatabi kami ni Lucian samantalang nasa tapat naman namin si Dale, na kanina pa tahimik habang nakasimangot.

Nang dumating 'yong order namin ay agad kaming kumain ni Lucian. It's past one already at gutom na talaga kami. Nalipasan pa ng gutom. "Sarap ng pizza, mmm." moaned Lucian while munching on his pizza. Natawa ako sa reaksyon niya. Pagkain lang talaga ang nakakapag-patino sa kanya.

I looked over at Dale, na tahimik lang na nakatitig sa pizza sa harapan niya. Hindi pa niya ito nagagalaw at salubong na naman ang mga kilay. Nakabagsak ang mga balikat nito na tila walang gana na kumain.

"Dale..." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Parang hindi niya ako naririnig at patuloy lang sa pagtitig sa pizza niya.

"Dale!" Medyo nilakasan ko yung boses ko pero wala padin. Nakayuko lang siya ng bahagya sa pizza niya tapos hindi maipinta mukha. Ano ba kasing problema nitong mokong na'to?

Kinuha ko yung isa kong pizza na hindi pa nagagalaw. "Kier Dale!!!" Sigaw ko kay Dale sabay pahid nung pizza sa pisngi niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko - pero mas lalo akong nagulat nang tumingin siya sa'kin ng masama.

"Ano ba?!" Pabulong na sigaw niya sa'kin. Malamang kasi baka pagtinginan kami dito kapag sumigaw talaga siya. Masama ba naman magalit 'to. Uh-oh.

"Lintik kang ungas ka! Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka manlang tumitingin sa'kin! Kanina lang nakangiting aso ka sa sasakyan tapos ngayon nakabusangot ka! Ano bang problema mo?!" pabulong na sigaw ko din sakanya. Hindi niya ako pinansin. Nagpunas lang siya ng pisngi niya.

"Dale!" Tawag ko ulit sakanya. Tinignan nanaman niya ako ng masama pero hindi ko yun pinansin. "Ano ba kasing problema?" Medyo mahinahon kong tanong sakanya. Ma-highblood pa ako sa ungas na'to!

"Si Zoe eh!" Parang batang sabi ni Dale. Kung hindi lang masama ang aura ni Dale, malamang kanina ko pa siya pinagtatawanan sa itsura niya! Para siyang batang hindi nasunod ang gusto.

"Ano meron kay Ate Zoe? Hindi ka lang kinakausap ganyan ka na." malamig ang tono ng boses ni Lucian ng sabihin 'yon. Kumagat siyang muli sa pizza tsaka dumila kay Dale nang makitang masama ang tingin sa kanya nito.

Humarap si Dale sa'kin, "Nako, Luke. Pigilan mo ako at baka masapak ko 'yang kapatid mo." banta nito.

I sighed, "Nevermind Lucian, what's with Zoe ba?" tanong ko dito bago uminom ng iced tea.

Imbis na sumagot ay tumuro lang si Dale sa likod ko at agad ko naman itong sinundan ng tingin. Pati si Lucian ay nakitingin na din.

I looked at where he was pointing, una kong nakita yung babaeng may mahaba na buhok at kulot. Kahit naka side view, kilala ko kung sino siya - si Zoe.

Tumingin ulit ako kay Dale at binigyan siya ng 'ano ngayon kung nandun si Zoe?' look. Sumimangot siya sa'kin.

"Luke, hindi mo ba nakikita kung sinong katawanan ni Zoe sa Greenwich?" inis na sabi ni Dale sabay turo ulit sa likuran ko. Pagtingin ko dun sa kinaroroonan ni Zoe, may nakita akong lalaking katapat ni Zoe. Nagtatawanan sila. Naka gray shirt yung lalaki tsaka maong pants. Medyo malaki katawan pero mas malaki yung sa'min ni Dale syempre.

"Sino yung malanding gago na'yon?" inis na tanong ko kay Dale. Nilipat namin ni Lucian ang tingin namin kay Dale habang naghihintay ng sagot.

"Ex boyfriend ni Zoe. Naging sila nung first year college tayo tapos nag break din nung second year college tayo. Tapos nakilala ako ni Zoe tapos naging kami. Mahal na mahal namin ang isa't isa kaya nga may nangyari sa'min nung anniversary namin at si Zoe mismo ang nag aya na mag ano kami tapos ngayon kasama kita at kasama niya yung gunggong na ex niya na kinasusuklaman niya na at katawanan pa niya sa Greenwich." Napatingin ako kay Dale na ngayon ay masama na ang tingin kila Zoe at sa ex ni Zoe. Naka kuyom yung kamao ni Dale at halatang nagpipigil. Pero teka -

"Kuya Dale, ang tinatanong namin ay kung sino 'yung malanding gago. Hindi namin pinapakwento love story niyo ni Ate Zoe." bored na sabi ni Lucian. Sinamaan lang siya ng tingin ni Dale but Lucian just shrugged.

"Yung malanding gago?" nakangising tanong ni Dale. Parang in a sarcastic way. "Si Miguel yun. Na ngayon eh hinahalikan si Zoe - sa pisngi."

Nagulat kami ni Lucian sa sinabi ni Dale kaya agad kaming napatingin sa gawi nila Zoe. Shit! Oo nga! Hinahalikan na nung malanding gago si Zoe sa pisngi. Pero bakit hindi pumapalag si Zoe? Hinahayaan lang niya - at nakangiti pa siya!

"Pare. Kayo na bahala dito sa mga pagkain natin ha. Magpakabuntat ka, tutal hindi ko naman nagalaw pagkain ko." Nakita kong tumayo si Dale sabay nag inat.

"Dale saan ka pupunta? Kumain pa tayo dito! Ako bahalang kumausap kay Zoe." Umiling lang siya.

"Magbabawas lang ako ng malalanding gago dito sa Pilipinas!" at mabilis nang naglakad si Dale palabas ng Shakey's. Naptunganga naman kami ni Lucian sa kinauupuan namin. SHIT! Baka nga makapatay si Dale! Kahit gago yun masama parin magalit yun!

Agad kaming tumakbo ni Lucian palabas ng Shakey's para habulin si Dale. Pero laking gulat namin nang may nagsigawan na tao.

"Dale tama na!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Zoe! Nakita kong pinipigilan niya si Dale na sugurin yung lalaking nakahandusay sa sahig at nakahawak sa panga. Malamang yun yung Miguel. Mabuti nga sa malanding gago nayun - pero hindi dapat yun ginawa ni Dale sa mataong lugar!

Tumakbo kami ni Lucian papunta sakanila. Bago pa man ako makalapit ay nasuntok si Dale nung Miguel. Pero ayos si Dale, hindi siya bumagsak sa sahig. Nakabawi naman agad si Dale kaya nasuntok niya yung Miguel. Sigaw lang ng sigaw si Zoe. Nagsusuntukan parin yung dalawa.

"Girlfriend ko yang nilalandi mo!" Sigaw ni Dale sabay uppercut dun sa Miguel. Maraming napatulala sa gawi nila Dale at Zoe pati nung Miguel - na ngayon eh nakahandusay na sa isang table.

Tahimik lang ang buong paligid. Walang gumagalaw at pigil ang hininga. Lumapit na ako kay Dale at si Lucian naman kay Zoe. Hinihigit ko yung kamay ni Dale pero bigla niyang pinalis yung kamay ko.

"Pare tara na. Hayaan mo na yan." Sabi ko pero tinitigan lang ako ni Dale. Ngayon, si Zoe naman nakahawak sa kamay niya. Magsasalita pa sana si Zoe ng biglang may dumating na security guards.

*PRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIT!!!

"Pare takbo!" Sigaw ko kay Dale pero hindi siya umimik. Lumapit lang siya dun sa Miguel na nakahandusay sabay sipa.

"Hindi pa ako tapos sa'yo!" sigaw niya sabay hatak samin ni Zoe at Lucian palabas ng mall.

*REAPER'S BLOODY NOTE

Short update muna.. Pasensya na kung maiksi at sabaw.

Votes and comments are very much appreciated :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zombie Wars: Against the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon