Prologue

293 7 1
                                    

Mar!" Narinig kong sigaw. Agad akong lumingon at tinignan kung sino ang tumawag sa'kin.

"Halika dito, dali! Kain tayo" Sabi ni Ate Rheynamel sa'kin.

"Teka, magbibihis muna ako. Babalik ako promise" Sabi ko sakanya tsaka ako umuwi sa bahay.

Birthday kasi ni Baby Sophia, invited kami dahil magkapitbahay kami.

Agad akong nagbihis. Kakagaling ko lang kasi sa training.

Narinig kong nagring 'yung phone, kaya kinuha ko ito sa loob ng bag na ginamit ko kanina. Sinagot ko ang tawag.

"Hello, nasaan kana?" Tanong ko kay Chester.

"Malapit na. Labas ka dali, hintayin mo 'ko sa gilid highway" sabi niya.

"Ay wow, kuya. Ako pa talaga? Ha? Ano ka chixs?" Sabi ko sabay nguso. Gabi na kaya tapos pahihintayin niya pa ako sa gilid ng daan? Ang dami kayang tambay doon.

"Dali na kasi. Ge, bye. Malapit na ako" napapadyak nalang ako sa sobrang inis sakanya.

Tumakbo ako patungo sa highway. Nakashorts at loose t-shirt lang ako. Pagdating ko, nandoon na siya sa gilid hinihintay ako.

"Ches!" Sigaw ko sakanya habang hinihingal. Hindi pa rin siya lumingon.

"Ches!" Sigaw ko ulit atsaka sinapak siya.

Naka-earphones siya kaya hindi niya ako narinig. Ngumiwi siya tsaka siya lumingon sa'kin. Tinanggal niya 'yong earphones niya.

"Kanina kapa?" Tanong niya sabay akbay sa'kin.

"Oo" sabi ko. Naglakad kami patungo sa bahay nina Sophia. Ang sarap kasi nitong inisin.

Kilala na ata 'to ng mga tao sa baranggay namin. Paano ba naman kasi, ang gwapo. Mata pa lang nakakatunaw na. Dapat talaga hindi ako magkamaling sabihin ito sakanya. Nangbubully kasi 'yun, tapos baka umasa 'yun sa'kin, yie.

"Kakauwi mo lang?" Tanong niya.

"Oo, kapagod" sabi ko sabay kuha ng earphones niya, at nilagay ko sa right ear ko yung isa tapos sa left 'yong sakanya.

When you get what you want
But not what you need
When you feel so tired but you can't sleep
Stuck in reverse

Light will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

Ngumiti ako habang pinakikinggan 'yong kanta. I'm a fan of Coldplay, ang chill kasi ng mga kanta nila ang sarap pakinggan.

Malapit na kami kila Sophia kaya umayos na kami. Sinuli ko sakanya 'yong earphones niya.

Pagdating namin agad nila kaming inasikaso. Pinagkaguluhan pa nga si Chester.

"Ayaw ko na, busog na busog na 'ko. Parang sasabog na 'yong tiyan ko" sabi niya sa'kin. Paano ba naman kasi ang dami ng pagkain ang inilagay sa plato niya, love na love kasi siya ng Mama ni Sophia. Tapos may dessert pa kaya wala na talaga parang sasabog na 'yong tiyan niya.

Tumawa ako dahil sa naisip ko. Sasabog 'yong tiyan niya? Seriously? Kailan ba iyan tumaba? Malakas naman siyang kumain pero hindi tumataba gaya ko.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Ha?" Tanong niya sa'kin habang pinapaliit iyong mata niya. Para lang siyang nagsosolve ng math problem na hindi alam kung anong formula ang gagamitin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa pagtawa. Ang sakit na ng tiyan ko dahil sa kakatawa. Nababaliw na ata ako.

"Baliw ka ba? Tatawag na ba ako ng ambulance? Ipapadala na ba kita sa rehabilitation center? Haynako ang hirap talaga pag may kaibigan kang baliw. Nakakabaliw din." Sabi niya tsaka umiling.

To Be NoticedWhere stories live. Discover now