"Ches." Tawag ko sakanya habang pilit na tinatago 'yung plastic bag sa likod ko.
"Ano 'yan?" Tanong niya.
"Anong ano?" Sagot ko sabay tawa.
"Ano 'yang tinatago mo?"
Meron ba? Siguro 'yung mahal kita.
"Ha? Anong mahal?" Tanong niya ulit.
Shit napalakas 'yung pagkakasabi ko ng mahal. Lagot na.
"Mahal..." Teka.
"Mahal... Mahal 'yung dala ko ngayon. Oo tama, mahal nga." Buti 'di ako nautal, muntik na 'yon!
"Ano nga 'yan?" Tanong niya ulit habang tinitignan ako.
Inabot ko agad 'yung plastic bag sakanya sabay sabing.
"Oh, sayo na 'yan. Kawawa ka naman." Sabi ko sabay belat sakanya.
"Vitamilk? Sus, napakacheap naman neto. Pero sige, dahil ikaw ang nagbigay pipicture'an ko." Nakangiti niyang sabi.
Kinuha niya 'yung phone niya at mukhang tangang nagpicture pero cute padin.
"Para kang tanga." Sabay tawa ng malakas.
"Ano? Ako mukhang tanga? Sa gwapo kong 'to?" Sabi niya.
"Gwapo kaba ha? Ha? Ha?"
"Oo naman, pinagkakagulohan nga ako, ikaw? Pinagkaguluhan kaba? Ha? Ha? Ha?" Paggaya gaya niya sa'kin.
"Aba't--"
"Ay oo nga pala, pinagkakagulohan ka nga rin pala ng mga aso." Tumawa siya ng malakas.
'Yung tipong lahat ng tao sa canteen pinagtitingin siya, nakakahiya pati rin ako tinitignan nila.
Sinapak ko siya. Lahat ng tao sa canteen napa "oh" maslalong nakakahiya! Double killa ng dahil sa vitamilk.
"Aray, ba't mo'ko sinapak? Alam mo ba na pag may sumapak sa'kin may parusa?" Sabi niya sabay dahan dahan niyang nilapit 'yung mukha niya sa'kin.
"A-ano?" Nauutal kong sabi, ang lapit lapit na ng mukha niya, bumibilis 'yung tibok ng puso ko!
Inilapit niya yung bibig niya sa tenga ko at sabay sabing...
"Halik lang naman."
Nagfake ako ng smile. Inilapit ko rin 'yung mukha ko sa tenga niya.
"Bakla kaba?" Tanong ko sakanya.
"Ano?!" Sigaw niya at nilayo 'yung mukha niya sa'kin.
Napatawa ako ng malakas dahil sa reaksyon niya.
"Kasi sabi mo hahalikan mo lahat ng sasapak sa'yo, paano pag 'yung mga lalaki mong kaibigan sumapak sa'yo? Hahalikan mo rin ba?" Inosente kong tanong sakanya.
Sumama 'yung tingin niya sa'kin.
"Gusto mo bang makatikim?" Tanong niya sa'kin.
"Makatikim ng ano?" Tanong ko sakanya at itinaas yung isang kilay ko.
"Ano sa tingin mo?" Balik niyang tanong sa'kin habang tinitignan ako sa mata, nag half smile siya.
Shit, stop doing that Chester, you're making me fall deeply. Feel ko namula 'yung buong mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko alam, bakit? Ako ba ikaw?" Sabi ko sabay irap sakanya.
"Ewan ko sa'yo, tara na nga." Sabi ko bago pa siya makasagot. Nakakahiya na kasi at dumadami na rin 'yung tao sa canteen.
Ewan ko ba sakanya, wala ba siyang plano bumalik sa school niya, nakikitambay lang naman siya dito sa school, kapal e.
"Btw, pwede na ba ako maging endorser ng Vitamilk?" Sabi niya habang naglalakad kami patungo sa park ng school ko.
"Tingin mo?" Sabi ko.
"Tingin mo?" Sabi niya. Paggayagaya niya sa'kin. Pinatinis pa niya 'yung boses niya. Kairita.
Inirapan ko siya at nagcellphone na. Nagcellphone rin naman siya.
Hindi nagtagal umalis na rin siya dahil malapit na mag 1. Maypasok pa 'yon, e. Hinatid ko siya sa gate, tingin niya kasi chics siya.
Reality
Pagkatapos kong maglunch nagtambay lang ako sa upuan ko. Wala na rin naman akong malalapitan, e.
"Yie" pagtutukso ng mga kaklase ko sa akin at kay Serge. Paano ba naman kasi lantaran niyang kinalat na may gusto siya sa'kin.
Ilang beses ko ng sinabi sakanila na may gusto akong iba, pero ayaw maniwala. Sinasabi nila na palusot ko raw 'yun para 'di malaman na may gusto rin daw ako kay Serge.
Nakakabwesit na rin sila, kanina pa nila ako tinutukso. Sarap hampasin, e. Hindi rin naman ako makareklamo dahil naniniwala sila sa kasabihang 'kung magalit, totoo' hinayaan ko nalang sila, lilipas rin 'yan.
"Mar" tawag sa'kin ni Serge.
"Ano?" Sabi ko at tiningnan siya.
"Magibibigay sana ako sa'yo" sabi niya.
Hindi ko naman iniiwasan si Serge dahil lang sa gusto niya ako at tinutukso kami, magkaibigan parin naman kaming dalawa at isa pa classmates kami. Ang awkward pag ganoon.
May nilagay niya sa arm chair ko, Vitamilk. Tiningnan ko ulit siya at sinabihan ko siya ng.
"Para sa'kin 'to?" Ulit kong tanong sakanya.
"Oo." Sabi niya sabay hawak sa batok.
"Bakit?"
"Wala, gusto lang kitang bigyan." Sabi niya.
"Thankyou" sabi ko sakanya at ningitian siya.
"Walang anuman"
Nagopen ako ng Facebook at sinearch si Chester. Maybago na naman siyang shared post, palagi naman shared sa facebook e. Nasa Twitter lahat 'yung mga post niya.
Tiningnan ko ang comments. Hay, ang dami. Natatawa ako sa iba, may gustong manotice sa pamamagitan ng pagsasabi na palagi siyang sumusuporta sa vlog tas finallow daw nila si Chester sa twitter at Instagram. Gusto ko sanang magcomment pero baka 'di niya mapansin, 'di niya talaga mapapansin, sino ba naman ako diba?
Mayi Marika. She's pretty. Hindi na nakapagtataka kung close sila ni Chester, she's also famous. Kamuka niya si Shen Yue, 'yung sa meteor garden na bida.
Close sila, sigurado ako. Ilang beses ko ng nakita ang mga comment niya sa post ni Chester at reply ni Chester sa mga comments niya. Wala akong karapatan haha. Wala.
Sino kaya 'yung babaeng palaging sinasabi ni Chester sa twitter niya at Myday sa facebook. Curious ako. Curious ako sa taong nagpatibok ng puso niya. Curious ako kung anong klaseng babae siya, curious ako kung ano ang pakiramdam mahalin ng isang Chester.
"Mar!" Tawag sa'kin sa likod.
"Ano?" Sabi ko tsaka ako lumingon sa likod.
"May gusto kaba kay Serge? Sabihin mo na kasi promise 'di ko sasabihin sa iba." Sabi ng kaklase ko sa'kin.
Bakit? Close ba tayo?
"Wala, bakit mo natanong?"
"Wala lang.'' sagot niya sa'kin at ngumiti. Ngumiti ng plastic.
Plastic, di ko mapigilang ngumiti sa aking naisip. I hate that kind of people.
Masmabuti pang wala akong kaibigan kaysa may kaibigan na plastic
YOU ARE READING
To Be Noticed
Teen FictionImagination vs. reality. Sad reality Truth hurts Impossible