Chapter 1

150 4 0
                                    

Ganon nalang ba niya kadaling iwan ako? Alam ko namang hindi ako maganda at bright pero sana naman ako 'yong pinili niya diba? Nakakainis na kasi, ako nalang palagi nagaadjust, 'di naman kasi ibigsabihin na may gustong sumali siya sa ibang grupo iiwan nalang niya ako.

Kailan ba talaga ako ka daling iwan? Ganyan ba talaga ako kawalang kwenta? Ginagawa ko naman ang lahat, a. Nakapasok naman ako sa Top this Grading, 'di parin ba ako worth it para maging bestfriend niya?

"Hoy, umiiyak kaba?" Tanong niya sa'kin habang pilit na sinisilip 'yung mukha ko.

"Bakit naman ako iiyak?" Sabi ko sabay tingin sakanya at tumawa.

"Maghanap ka na ng kagroup mo." Sabi niya at ngumiti.

Maghahanap talaga ako. Akala ba niya hindi ako mabubuhay pag wala siya. Nag-adjust na nga ako para sakanya.

Pagkaring ng bell agad akong umalis sa Filipino classroom namin at pumunta sa Science building. Naiirita ako kaya iniwan ko siya, bahala siya tutal marami naman siyang masasamahan, e.

Kinuha ko 'yung phone ko sa bag ko at tinawagan si Ches. Siya nalang ang meron ako, siya nalang ang malalapitan ko.

"Oh?" Bungad niya sa'kin.

"Naiinis ako" sabi ko sakanya habang naglalakad papunta sa Science building.

"Kanino?" Tanong niya.

"Basta naiinis ako, naiinis ako sakanya, naiinis ako"

"Oo nga, naiinis ka nga! Paulit-ulit."

"Bakit palagi nalang ako ang nag-aadjust? Nakakapagod na, Ches." Sabi ko

"Sino bang nagsabi na mag-adjust ka? Kung ayaw niya sayo, edi hayaan mo. Hindi siya kawalan." Seryoso niyang sabi.

"Alam ko. Kung gusto niya sa iba edi dun siya, kung ayaw niya sa'kin edi hahayaan ko siya para sa ikakasaya niya. Baka kasi ako 'yung humihila sakanya pababa." Sabi ko. Masakit dahil sa sobrang tagal na naming magkaibigan tapos ipagpapalit niya lang ako ng ganyang kadali.

"Learn to let go when someone doesn't want you anymore, Mar. Marami namang nagmamahal sayo, a. Family mo, Teammates mo, Cousins mo, si God at... Ako." Kinikilig ako, shit. Alam niya talaga kung ano gagawin sa akin.

"Nandito kami lahat para sa'yo" dugtong niya. Bumilis ang tibok ng puso, gustong kumawala ng mga ngiti sa labi ko. Hindi ako makagalaw. Gusto kong sumigaw.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong niya sa'kin.

"Oo" sabi ko ng kumalma na'ko.

"Ang unfair lang, Ches. Pag mayproblema siya, nandito ako palagi para sakanya. Pero bakit pag ako meron, wala siya."

"Nagopen-up kaba sakanya? About diyan sa mga problema mo?" Tanong niya.

"Oo. Alam mo ba na sa panahon na 'yon, gusto ko ng sumuko, pagod na pagod nako. Sinabi ko sakanya pero parang wala lang sakanya, Ches. Parang wala siyang pake sa'kin at sa mga problema ko. Alam ko namang 'di niya obligasyon na tulongan ako pero nandoon ako nung mga panahong may problema siya, nadoon ako para lang maysandalan siya. Ang unfair, Ches." Naiiyak ako bwesit.

"You don't deserve to be treated that way. You're human too, nasasaktan pag mayproblema o mangyari. You deserve someone better, you deserve someone who is not selfish." Sabi niya sa'kin.

"Should I let go?"

"Yes."

Hindi nagtagal tinapos din namin ang ang aming paguusap. Dumating na kasi 'yung Science teacher namin.

To Be NoticedWhere stories live. Discover now