part 15.

284 23 0
                                    


NAPASARAP ang tulog nila pareho at nang maalimpungatan si Lia, sandali pa siyang nalito kung nasaan siya. Na-recognize niya ang pamilyar na kuwarto. Saka niya naramdaman ang bigat sa bandang baywang niya. Mabalahibong braso ang nakita niyang nakapatong doon.

Pagbaling niya sa isang side, nakita niya si Josh at noon lang bumalik sa isip na katabi nga pala niya itong natulog kanina.

Pasado alas-dos na ng hapon nang i-check niya ang time sa phone clock. Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura niya. Hindi na niya ginising ang lalaki nang bumangon siya at lumabas ng kuwarto para magpa-deliver ng pagkain. Pizza na lang ang inorder niya.

Saka niya lang ginising si Josh nang dumating ang pizza. Nagsalo sila sa komedor. Habang kumakain, iniisip ni Lia kung ano kaya talaga ang pakay ng lalaki sa Maynila.

"Treat ko naman ang dinner mamaya. Labas tayo," sabi nito nang maitumba ang huling slice ng pizza.

"Labas?" Ano iyon, like a date?

"Oo. Like a date."

Parang gusto niyang mag-blush nang isaboses nito ang naisip niya. Pinagtakpan na lang niya iyon. "Kailangan pa bang lumabas? Dito na lang tayo mag-dinner. Magluto tayo."

"Marunong ka ba?"

"Josh, I've been living alone for exactly ten years. Wala ako maid at yaya."

"Great. Puwede ka na palang mag-asawa."

Pinaningkitan niya ito ng mata. Ngumiti lang naman ito nang matamis at nagpa-cute sa kanya.

Bumalik na ang maharot na Josh.

"So, luto tayo tonight? Labas na lang next time?" sabi niya. "May ingredients ka ba dito?"

Hindi na siya nag-react sa sinabi nitong 'next time.' Gaano ba ito katagal magsi-stay sa Maynila? "Ingredients ng ano?"

"Ng maski ano."

"Kalkal ka sa fridge, may stocks naman. Pero kung magkulang, may mabibilhan naman sa commercial complex sa unahan." May commercial area ang subdivision sa labas ng entrance. Shop ang ibaba, ang second story ay residential naman.

Nag-check nga ito ng laman ng fridge. "May bacon ka, butter, pasta. Aha, carbonara! May button mushroom ka, 'yong nasa lata?"

"Wala, pero baka meron do'n sa convenience store sa may entrance. Teka, itatawag ko. Iyon lang ba?" Dahil nga malayo ang block niya sa entrance, tumatawag muna siya kapag may bibilhin. May delivery service din doon na may charge pero kapag sinisipag si Lia ay siya na ang pumi-pick up pagkatapos niyang i-text o itawag ang mga kailangan.

"Samahan mo na rin ng Coke at Gardenia. Ano bang palaman meron ka rito?"

"Wala, mayonnaise lang at butter."

"Puwede na. Marami kang stocks ng bawang?"

Nag-check si Lia. Iisang ulo na, may bawas pa. Isinali na rin niya iyon sa inilistang oorderin.

"Puwedeng mag-request ng Red Horse?"

Kinunutan ko siya ng noo.

"Kung puwede lang naman. Kung hindi, di hindi. Samahan mo na rin ng pulutan."

Pero nag-order na rin siya ng isang Red Horse na grande at greaseless peanuts dahil alam niyang mahilig si Josh doon.

Pumunta sila sa sala pagkatapos. Ipinagbukas niya ang lalaki ng TV. Sa sports channel ito tumutok; may women's volleyball game na palabas. Napailing na lang si Lia dahil panay ang sipol nito sa naghahabaang legs ng mga volleyball players.

"Puwede ko na bang lantakan ang Red Horse pagdating?"

"Teka nga, Josh. Ano ba'ng plano mo? Hindi ka ba uuwi ng Peñaranda?"

"Hindi pa sana, unless pinapauwi mo na ako." Kunwari pang lumabi ito. "Dito muna ako. Ako naman ang magbabakasyon. First time kong magbakasyon sa beautiful city of Valenzuela!" Parang Miss Gay contestant na ibinuka pa niya ang mga braso at, "And I--thank you!"

Hinampas niya ito ng throw pillow. "Seryoso ka ba? Magsi-stay ka rito?"

"Ayaw mo ba? Puwede mo akong boy dito, guwardiya, chef, yaya, sex toy..."

Puro na naman ito kalokohan. Pero at least, hindi na nakakailang. "Okay. Sige, make yourself at home. Kukunin ko lang si Kulas."

Kaninang nagpa-deliver siya ng pizza, promo iyon na 'buy 1, take 1' at naibigay na niya kina Carol ang isang box. Eksakto lang na pinapaliguan si Kulas at ibo-blowdry pa raw ang buhok kaya mamamaya na lang niya babalikan.

"'Oy, ha! Sino 'yong poging take-home mo, 'day?" nang-iintrigang tanong ni Carol nang ibigay sa kanya ang humahalimuyak sa bangong si Kulas. In-spray-an pa yata ng bruha ng Issey Miyake.

"Kababata ko sa Nueva Ecija, best friend ko doon."

"Weh, 'di nga?"

"Oo. Fuckboy 'yon, 'di talo. May aasikasuhin lang yata sa agency. Architect iyon sa Dubai, eh. Nagbalikbayan para sa reunion namin."

"Ah, sayang. Kung magagawan mo ng paraan, pikutin mo na, 'neng! Loaded 'yan kung architect pala sa Dubai."

Inilingan na lang ni Lia ang pinagsasabi ng babae at nagpasalamat sa pag-aalaga sa aso niya.

Fall For You (PUBLISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon