"GUSTO kong makita kung paano ka nabubuhay ditong mag-isa at walang nag-aasikaso. Kapag busy ka sa pagsusulat, paano ang pagkain mo rito?"
"Minsan nalilipasan na 'ko ng gutom. Hindi ko na nararamdaman lalo na kapag nasa climax," sagot ni Lia kay Josh.
"Climax?" Naging pilyo ang kinang ng mga mata ng lalaki.
"'Pag nasa kasarapan na ako ng sinusulat," inosente pang paliwanag niya.
"Kasarapan? Ano ba 'yang sinusulat mo, Fifty Shades?"
Saka lang niya na-gets ang malisya ng loko. "Puro kamunduhan ang laman ng isip mo."
"Masisisi mo ba ako? Kasama ko ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa."
Inirapan niya lang ito. "Kapag hataw na hataw ako sa pagsusulat, hindi ko na naiisip ang gutom."
"Ba't 'di ka pumapayat?"
Hinampas niya ito ng throw pillow. "Akala ko ba pinakamagandang hayop sa balat ng lupa? 'Ta's sabay pintas na hindi pumapayat?"
"Aba, hindi ko naman in-specify kung anong hayop, ah," hagikgik nito.
"O baka si Kulas ang tinutukoy mo. Nababakla ka sa kanya."
Tumawa lang ito. "Sama ka sa 'kin sa Dubai," bigla na lang sabi nito.
Nagulat si Lia. "Biglang gano'n?"
Naging pino ang ngiti ng lalaki. "I mean it."
"Bakit?"
"Wala. Magbakasyon ka lang. Mag-desert safari tayo. Sasakay tayo sa camel, magsu-surf tayo sa buhangin sakay ng 4x4, mamamasyal tayo sa mga souk..."
"Lalamon ng shawarma at kebab..." dugtong niya sa patronizing na tono.
Josh chuckled. "Yeah. Malay mo, maisulat mo pa ang experiences mo."
"All-expense paid? Free lahat?"
"Uh-huh. Pagagastusin ba naman kita, eh, ako 'tong nag-imbita?"
Na-overwhelm si Lia sa mga sinabi nito. "Ang laki na ng nagastos mo sa akin sa pasalubong pa lang."
"Eh, saan ko pa ba naman gagastusin ang pera ko kundi sa kaligayahan ko, 'di ba?" matalinhagang sabi nito. "Kapag nasa trabaho ako, magsulat ka lang sa villa. Puwede ka ring mamasyal. Safe naman do'n. Magaganda ang shopping malls. May shop ng Gucci akong nakita..."
Tumawa siya. "'Yong Gucci ang nagdala."
"Think about it."
"Makukulong tayo do'n. 'Di ba bawal daw ang magkasama na babae't lalaki na hindi mag-asawa? Baka mabitay ako."
"Mas lalong madaling gawan ng paraan 'yan."
"Paano?"
"Pakasal tayo."
Pinaningkitan niya ito ng mata.
Josh grinned. "Hindi naman kasinghigpit na gaya ng ini-imagine mo. Saka kapag may Baladiya na gano'n--'yong random checking na ginagawa ng authorities--ang ginagawa ng iba nagtatago lang sa closet o sa ilalim ng kitchen cabinet o kama," tatawa-tawang sabi nito. "Kasya ka sa closet ko at walang masyadong laman 'yon."
Kung magsalita ito ay para bang sure na sure nang pupunta nga siya sa Dubai. Napangiti na lang siya. She appreciated the offer, but...
Napansin yata ni Josh iyon. "Aalis na ako Friday next week, Lia. Saglit lang ang bakasyon ko, para lang talaga um-attend ng reunion. Kapag nabuburyong ka at gusto mong mamasyal, sabihin mo lang at gagawan ko agad ng paraan ang visa mo."
BINABASA MO ANG
Fall For You (PUBLISHED!!!)
Storie d'amorePublished by Umprintables with a new title: "Fall For You." ❤ www.facebook.com/UMPRINTABLES