Sunny's Pov
Pinapanood ko lang si Ate sa pagme-make-over niya sa room ko. Sabi niya pa isa daw akong nerd with eye glasses,braces,and no fashion sense noon. Pagpasok pa nga lang namin dito sa kwarto lastweek halos di ko akalaing napagsama ko ang kulay na maroon,violet,red and indigo na kulay ng room ko. Sobrang sakit ng mata ko sa lahat ng kulay na nakikita ko sa room na to. Kaya naman doon ako natulog sa room ni Ate. We decided last last day na i-make-over ang room na'to.
Light violet. Light pink. White ang fully make-over ng buong room. Yung mga lumang gamit ay nilipat sa guest room at mga bago na lahat ang nandito.
Yung malaking dressing room na puro pangit ang mga damit ay pinamigay ni Ate sa mga katulong namin at pinuno niya ng mga bagong damit,bags,shoes,dresses,pants and shorts. Yung Shoeroom pinuno niya rin ng mga signature heels,wedge heels and boots. Pinuno niya rin yung jewelry box ng mga iba't ibang nagkikintabang mga alahas. Yung study table at library dito sa room ko puro books. Halo-halo na.
*knock*knock*
"Sissy,open the door please."
Ako naman yung malapit sa pinto kaya namab binuksan ko na rin yun. Napasulyap ako sa full length mirror at nakita ko doon ang itsura ko. Puro pintura,magulong buhok at pawisan.
"Hey,Ladies..." pumasok si Kuya Steffen sa room ko. "Ow? Hmmm. Maganda ang combination ng kulay lalo na ng interior design. Stella,you must be a Interior Designer than Fashion Designer." nilibot-libot niya pa ang paningin niya sa buong room.
"Nah. Actually,wala akong ideya sa pag-i-interior design dahil si Sunny ang nag-isil ng lahat ng ito. Sa kanya rin nanggaling ang mga ideyang ito. Tinutulungan ko lamang siyang mag-make-over." paliwanag ni Ate. Nagthumbs up siya sa akin.
Napalingon naman si Kuya Steffen sa akin. Then he smiled.
"You did great,Abby." Naglakad siya papalapit sa akin at inakbayan ako. "By the way, may good news akong dala...." napalingon naman si Ate sa amin. Napatingala naman ako kay Kuya. "Na-approve na yung requirements ni Abby sa Montefalco University. Thanks to,Tito John Montefalco at napadali yung proseso. So,pwede nang pumasok si Abby sa MU next week. Kaka-start pa lang naman kasi ng klase last week. Stella,ikaw ng bahala sa transformation ni Abby. Yung uniforms and ID niya ay ipapadala na lamang dito sa friday. Any questions?"
"Hala,Kuya. Nakakahiya..."
"Don't be. Makakasama mo naman doon ang pinsan nating sina Terrence at Tyler Montefalco and Ashlee. Susunduin ka nila dito at sabay-sabay kayong papasok sa Monday. "
"Ahhhh? -,- O-okay."
"I have to go,Ladies. May ipapabili ba kayo? Dadaan ako sa mall. " he said.
Hinila ko yung braso niya.. *Q*
"Kuya... Gummy worms. Gummy bears. And caramel Popcorn." I said.
He chuckled. "Sure."
"Alam mo na ang size ng paa ko,Kuya. Alis na. Kaylangan ko yun later. "
"Okay. Bye."
Lumabas na siya ng room.. Umupo ako sa floor yung malayo sa carpet. Baka marumihan. -.-"
"Sissy,may pupuntahan tayong party later. " she said.
"Party? I don't want to go. Nahihiya po ako."
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Pupunta ka. Escort mo si Ash. Wala ka ng kawala dahil inviyed ang family natin." tumayo siya at nilibot ang tingin sa loob ng room ko. "See? Ang ganda ganda ng idea mo,Sissy. Maligo ka na,Sissy." tiningnan niya yung violet Wallclock ko saka binalik ang tingin sa akin. "We have 10 hours to go. Marami pa tayong gagawin. Ciao!" lumabas na siya ng kwarto.
I sighed. Nilibot ko ulit ang buong paningin ko sa buong kwarto na pinagpaguran namin ni Ate.
Dumiretso ako sa Bathroom at nag-shower na. Imported products rin yung toiletries ko dito. Ni-request kasi yun ni Ate kay Daddy.
Ano bang buhay ko dati?
Argh. Napahawak lamang ako sa ulo ko nang kumirot iyon. Tuwing aalalahanin ko ang past memories ko. Sobrang sumasakit ang ulo ko.
Mall Of Asia
"Anong ginagawa natin dito,Ate?" tanong ko sa kanya habang papasok kami sa isang clinic 'bout sa eyes.
"Malabo kasi yang mata mo. You don't need to wear your eyeglasses. Better to use a lenses. Anong color ang gusto mo?" tanong niya sa akin habang pumipirma na sa log book.
"W-what?! Ayoko! Tara na lang umuwi!" hinila ko siya palabas.
Pero mas malakas siya sa akin.
"No. Nandito na tayo at magpapa-lagay ka ng contact lenses! No matter what happened!" hinila niya ulit ako pabalik.
"No way!" hindi ko na siya hinila at nagkusa na akong umalis. Pero, nahigit na naman niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw na lang kaya ang mag-lenses? Masakit kaya yun!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi yon masakit! Hindi mo pa nga naauaubukan makapag-reklamo ka dyan,ah! Tara!" hinila niya ako at hinawakan sa braso.
"But,Ate naman eh! Ayoko talaga! Mahapdi sa mata!"
"Shut up! Gagamit ka sa gusto at sa ayaw mo. Grrr. Remember,Sunny sandamak-mak pa ang gawain natin today." Sinamaan na nga niya ako ng tingin.
Sa gitna nang pagtatalo namin may---..
"Miss Abbygail Sunshine Montero. Please proceed inside."
Nagkatinginan lamang kami ni Ate. Hinila niya ako papunta sa harap ng pinto na sinasabi nung nurse ata? Ala ewan. >v< Sapilitan niya akong ipinasok sa loob ng ng room pero pilit na umaayaw ako. Kinaladkad niya ako papasok. So,kasama ko siya sa loob.
"Maghihilahan na lamang ba kayo dyan o magpapa-check-up kayo?"
Natigil naman kami ni Ate sa aming ginagawa at napalingon kami doon sa nagsalita.
OhMyGwapooooo! *Q* Heeee's Suuupeeeeeeerrr haaaaaandsoooome! Oh my gee!
Nauna na akong umupo at hinila ko na lang si Ate na na-stunned na sa kanyang kinatatayuan.
Kinausap ako ng Doctor wala akong masagot ng ayos kaya si Ate na ang nakikipag-usap. Hindi man lamang natingin nang diretso dun sa Doctor. Ako naman ang tumingin sa kanya ng nakataas ang kilay. -_^
Pinili namin ang color dark blue at isa pang reserve na color brown. Sabi pa nung Doctor every month daw akong magpa-check up sa kanya. Umoo na lamang ako.
Lumabas kami ng clinic ng tahimik.
Pero maya-maya pa lang ay hinila na niya ako sa isang Salon.
Nagpafoot spa,handspa, nagparebond rin kami,nagpakulay ng buhok at kung anu-anong kaek ekan ang ginawa sa katawan ko.
"Look at you,Sunny! You're so beautiful!" sabi nung bakla sa akin.
Hindi ko alam kung bakit niya ako kilala?
"Of course. San pa ba magmamana,K? Syempre sa mga kapatid!" segunda ni Ate.
"Nah. Kung wala sina Tita Althea at Tito Shone hindi magiging ganyan ang mukha niyo."
"Oh my lovable,Kerei! Magaganda lang talaga ang genes namin. "
Napailing na lamang ako. Ayaw talagang magpatalo si Ate kaya naman nang magkaroon ulit nang panibagong costumer si Kerei saka lang natapos ang War nila.
"Tara na nga! Nakakawala ng poised yang si Kerei!" nagbayad na kami sa cashier. "Baklang eklavu! We gotta go!!" sigaw niya kay Kerei.
"Balik balik din next time!" balik din niyang sigaw.
Tsss. Medyo naririndi na ako sa kanilang dalwa. Kanina pa silang talak ng talak para bang manok na pumutak ng pumutak! Grrr.
Pumasok kami sa isang boutique. Mga nag-gagandahang mga Formal Dress.
Ibinili niya ako ng Red tube formal dress at red high heels.
Argh. Ayoko talagang sumama sa party! Aisssh. Kung pwede lang talagang hindi. Tutulog na lang ako!
------
BINABASA MO ANG
Behind Those Memories
FanfictionBehind those memories are my happy moments with him,lonely days without him, a sad moments with/without him,jealousy,and a senti-mode moment. But for a simple snap it will erase on my mind. All the memories. All people I used to know. And HIM. Wha...
