T.G.I.F! T.G.I.F!
Naka-P.E. Uniform ako.P.E. Kasi namin. Whole PE lang kami. Nakakatuwa to!!
Masaya akong pumunta sa Gymnasiun. Sobrang ngiting-ngiti pa ako. ^____________^
"Hi." bati ni.....
Parang nakilala ko na siya somewhere di ko lang matandaan kung saan. What the fudge?!!
"Who are you?"
"Hindi mo ako natatandaan? Ako si Jessica. Lumipat ka lang ng school kinalimutan mo na ang mukhang ito?" Halata yung sarcasm sa boses niya.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Do I need to save your face on my mind? Mukhang di naman kaylangan." then ngayon ko lang napansin na naka-jersey siya na color red.
Biglang may lumapit na matangkad na lalaki sa amin. Naka-jersey rin. Chinito. Meztiso. At gwaping.
"Jessi....ca." slowmotion yung pagbanggit niya nang pangalan dito sa babae. "Oh! Nice to see you here,Abbygail!" sumaludo pa siya sa akin na halata namang fake lang.
"Do I know you?" takang tanong ko rin sa kanya.
"I'm---"
"Sunny. Let's go. Ano pa bang ginagawa mo dyan?"
Nilingon ko si Kuya Ashlee na napatitig rin sa dalwang nasa harapan ko.
"Hi.. Excuse us." Inakbayan ako ni Kuya at umalis sa harap ng dalwang iyon. "Nakita ka na pala ulit nila."
"Nila? Sino ba sila? Hindi ko naman sila kilala."
"Kilala mo sila hindi mo lang matandaan dahil may amnesia ka. If I know, napapaisip ka na rin kung sinu-sino yung mga taong hindi mo matandaan ngayon pero pilit mong ibinabalewala ang pag-iisip kung sino sila dahil kapalit non ang sobrang pagsakit ng ulo mo. Don't forced yourself to remember them. Just enjoy your present and not your past."
Ginu-gulo gulo pa niya ang buhok ko. Pumasok kami sa Locker Room. Lahat ng varsities nandoon,sina Barbie at Chezka nandoon rin saka si Couch.

BINABASA MO ANG
Behind Those Memories
FanfictionBehind those memories are my happy moments with him,lonely days without him, a sad moments with/without him,jealousy,and a senti-mode moment. But for a simple snap it will erase on my mind. All the memories. All people I used to know. And HIM. Wha...