Nandito na kami sa De Villa Farms. Ang ganda ganda dito! Luntian ang kapaligiran! *Q*
"Hmmm. Freeeesh air~! Walang-wala sa polusyon sa Manila!" Barbie exclaimed.
Ang sarap-sarap nang hangin!
"Miss Kath! Kumusta na po kayo? Kaytagal na po ninyo huling nagpunta dine!" bungad nung Ale.
"Oh,Hi Aling Rosing. May mga kasama po ako. They are my friends na sumama sa akin. This is Tyrone and Terrence. Barbie and Theo. Julian. Ashlee and Jacky. Sunny and Eros."
"Magandang araw sa inyo mga Ineng at Utoy! Aba'y kagagandang binata't dalaga areng kasama mo Chezka! Paniguradong pagkakaguluhan ang mga iyan nang mga tao dine!"
Natatawa na lang ako kay Aling Rosing. Lalo na sa kanyang accent! Kakaiba e.
"Nakapag-agahan na ba kayo,Kat-kat?"
Napalingon kaming lahat doon sa nagtanong.
"Tita?! Tita!"
Sinugod nang yakap ni Chezka yung Tita niya.
"Guys,this is my one and only Tita Alex. "
"Hello,guys. Tara na sa loob ng Villa. Magsisimula tayong magtrabaho mamayang 8am."
Nauna siyang pumasok sa loob at nilingon kami ni Chezka.
"Enjoy our short vacation! And your endless work later!" tumakbo siya papasok sa loob ng Villa nila.
"Seriously?" takang tanong ni Jacky.
Sumunod na lang kami papasok aa Villa nila. Hindi ganon kalakihan pero maganda at malawak ang bahay nila. Nag-breakfast kami at pinag-pahinga lang saglit.
Yung saglit ay tumagal ng tatlong oras mahigit pa. Natulog kasi yung iba. Ako naman ay hindi makatulog dahil na-a-amaze ako sa ganda nang kapaligiran dito.Lumalanghap ako nang sariwang hangin nang matanaw ko si Eros na naglalakad kasunod ni Tita Alex.Dali-dali akong bumaba at ang cellphone ko lang ang nahagilap ko. Tinakbo ko silang dalwa.
"Where you going guys?" tanong ko agad habang pinipigil ang paghingal.
BINABASA MO ANG
Behind Those Memories
FanficBehind those memories are my happy moments with him,lonely days without him, a sad moments with/without him,jealousy,and a senti-mode moment. But for a simple snap it will erase on my mind. All the memories. All people I used to know. And HIM. Wha...